Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, November 27, 2011

How to Save Your Heart

Should:
never EXPECT
never DEMAND
never ASSUME

Know:
your LIMITS
where to STAND
your ROLE

Don't:
get AFFECTED
get JEALOUS
get PARANOID

Just go with the flow and STAY HAPPY.

Saturday, November 26, 2011

HSBC Fun Run 2011

November 26, 2011
Accomplices: Joel Lemitares (the proxy runner of J
ohn Paul Lipardo), Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama
Venue: SM Mall of Asia

U.S. Holiday (Thanksgiving), dapat walang pasok ng Huwebes at Biyernes ng gabi para sa amin, Huwebes, OO! Biyernes, mayroon ang iba (swerte lang ang mga team na walang pasok). Dahil inaasahan natin na walang pasok, nagpa-register kami sa HSBC Fun Run 2011, Sabado gaganapin kaya naman okay lang. Okay na sana, pero sa mga hindi inaasahang pangyayari, kailangan pumasok ng ilan sa amin para magtrabaho ng Biyernes ng gabi, nakapag-file naman ako ng leave pero may kailangan na tapusin, kaya naman dumaan ako sandali sa opisina para tapusin ang mga atraso ko.

Dahil hindi pa din sigurado ang magiging scheduale sa Thanksgiving Week, sa 3K category lang ako nagparehistro, tulad ng sa mga kasama ko.

Sa Baclaran na kami nagkita. Tamang-tama lang para sa gunstart na 6:00am, 5:30am ay nakapag check-in na kami ng baggage. Pagkatapos ng check-in, picture taking muna. Narito ang early morning pictures.










Dahil inabutan pa namin ang simula ng 10K category, sinamantala ko ang pagkakataon para kunan ng larawan ang starting line na puno ng mga runners. Kaya lang, 10K lang ang kinuhaan ko, naglibot pa kasi kami sa activity area at nag-picture taking ng ilang beses.








Sumunod ang 5K category at ang huli ay ang 3K category (kami na yun!), naghanda, pumila at tumakbo! Dahil ang aming goal ay matapos ng maaga ang race (para hindi maubusan ng shirt sizes), sinikap namin na tumakbo ng magandang pace. Maganda ang simula ng una kaya lang ay sumakit ang kaliwang tuhod ko at ang kanang paa ko. Hindi ko alam kung bakit pero tuloy pa din ang takbo. Hindi na kami masyadong nag picture taking pero hindi naman pwede na wala kahit isa di ba? Kaya naman picture ng picture habang nagpapahinga (naglalakad).




Sinong may sabing hindi kukuha ng picture at tatapusin ng maaga ang takbo? Hindi matiis eh :)


Hindi nagtagal, natapos namin ang 3K event. Dahil pakiramdam ko ay napakaraming pahinga ang ginawa ko dahil nga sa naramdaman ko kanina, nagulat ako sa oras na nakita ko. Mas mabilis sa PR ko para sa Energizer Night Race (00:29:04) noong November 5, 2011.

Narito ang record namin:

June Real (Overall 3k)
Time - 00:26:51
Pace - 0:08:57
Rank: 333
Bib#: 0222

Sophia Dela Rama (Overall 3k)
Time - 00:26:58
Pace - 0:08:59
Rank: 342
Bib#: 0949

Alvin John Tolentino (Overall 3k)
Time - 00:26:49
Pace - 0:08:56
Rank: 330
Bib#: 0950

Joel "The Proxy Runner" Lemitares (Overall 3k)
Time - 00:25:12
Pace - 0:08:24
Rank: 269
Bib#: 221 

Masaya ako dahil natapos ko ng mas mabilis ang takbo, hindi ko din inaakala na mahihigitan ko ang record ko dalawang linggo lang ang nakakalipas. Mukhang napabuti ang mga activities a workout na ginagawa ko nitong mga nakaraang linggo. Samahan pa natin ng tamang pagkain.

Pagkatawid sa finish line, dumiretso na kami kaagad sa hydration station at loot bag stations. Dahil magkakaiba ang size, kanya-kanya kami ng pila ayon sa loot bag size namin. Pagkatapos naman ay pumila kami sa isang sponsor booth para sa pick-a-prize game. Si Joel lang ang naiba ng nabunot na prize (malunggay capsule^^), kaming tatlo ay shampoo, conditioner at papaya sopa ang nakuha, hindi na masama, pipila lang naman eh. Narito ang ilang mga larawan habang naghihintay kami ng raffle (trip for 2 to London).







Pagkatapos ng awarding para sa iba't-ibang categories at raffle (sayang hindi nanalao), tumungo na kami sa KFC para mag-agahan at hintayin na magbukas ang mall, magpalit ng damit at maglibot ng sandali bago umuwi. Ang napili naming lugar para kumain ng agahan ay - Kentucky Fried Chicken!



Kumain, nagkwentuhan, naghintay na magbukas ang mall, naglibot, bumili ng ilang mga bagay at pagkatapos ay umuwi na para magpahinga. Kahit papaano naman ay naging makabuluhan ang Thanksgiving Week ko dahil ang takbong ito ay para sa beneficiary ng HSBC, ang Sa Aklat Sisikat Foundation.

Pagod, pero masaya pa din. Sana palaging masaya :)

Friday, November 25, 2011

A Few Reasons Why I Love You

Your Smile. When you smile at me, I can't help but smile back. It makes anything that is wrong in my world just melt away. Your smile fixes everything.

Your voice. Everyone says you fall in love once but that is not true. Everytime I hear your voice, I fall in love all over again.

The way you make me feel. Whenever I'm with you, I feel safe and secure. I finally feel as if I belong somewhere and that somewhere is with you. You are my home.

Samahan mo nga ako...

Lolo: Samahan mo nga ako.
Lola: Saan?
Lolo: Sa pagtanda.  

Sweet. Para sa iba, corny. Pero para sa akin, isang magandang halimbawa na dapat tularan ng lahat. Hindi kaagad sumusuko. Napapansin ko sa mga relasyon ngayon, parang napakadali lang kung maghiwalay ang mga mag-asawa, kaunting hindi pagkakaunawaan minsan sa hiwalayan na nauuwi.

Kaya naman hanga ako kay Lola Aurelia, hindi siya sumuko sa paghahanap kay Lolo Luis. Salamat din sa isang concerned photographer at FaceBook user, si Reddie Js. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging viral at hindi mapapansin si Lola Aurelia. Dumating pa nga sa yugto na pati ang mga big networks ABS-CBN at GMA 7 ay tumulong para mas mapadali ang paghahanap. Salamat din kay Kara David for "going the extra mile" dahil sinamahan niya si Lola Aurelia hanggang sa makita na Lolo Luis.

Narito ang larawan na naging viral online. Nai-share ito ng 60,673 na beses. Hindi natin alam kung ilang views pa ito.


Ito naman ang caption ng larawan sa itaas:
"I saw this old woman sitting by herself yesterday at the corner of buendia and roxas blvd yesterday. Surprised to see a bond paper pinned in front and back of her dress with a picture of a missing old man, i asked her about it and she said it is her husband who has been missing for two weeks now. I was touched by her integrity and pained to see her looking for him in that manner so i decided to help her too. I asked permission to post her picture here in fb to be shared by others as help for finding Mr. Luis Matias."
Yun na! Social Media at ang mga "Big Guns" sa larangan ng News and Public Affairs ang nagpalaki ng pag-asa para magkita muli ang dalawa. At hindi nga nabigo ang mandang intensiyon ni Reddie Js na makatulong. Saludo ako sa iyo Reddie Js, you made a difference and helped touch the life of an old couple.

Narito naman ang mensahe ni Reddie Js para kay Lola Aurelia, kuha mula sa FaceBook wall niya mismo:
"To Lola Aurelia: Your extravagant way of showing how you love your husband so much that you would go thru such depths of even wearing the posters in your dress was the reason I noticed you. It caught my eyes, and my heart! That is the most simplest reason why you found Lolo again! The picture I took of you is the best picture I know I'll cherish forever, it is a picture of 'Love'. Maraming maraning salamat po Lola!"
Ang sarap pagmasdan ng eksena na kung saan natagpuan si Lolo Luis nila Kara David at Lola Aurelia,  kitang-kita ko sa mga mukha ni Lola Aurelia
Naibalita na ito pero ginawaan ko pa din ng blog entry. Dapat lang naman kasi, isa itong halimbawa ng personification ng pagtupad sa mga pangako ng mag-asawa sa isa't-isa. Heartwarming? Inspiring? Oo naman. Ang kwento ni Lola Aurelia at Lolo Luis ay hindi ko malilimutan dahil ito ang nagpaalala sa akin na sa panahon ngayon, mayroon pa din tayong nakikita na halimbawa ng "True Love", akala ko noon sa mga pelikula lang ang ganitong happy ending. Sa totoong buhay din pala pwedeng mangyari at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sana ay maging inspirasyon si Lola Aurelia at Lolo Luis sa lahat.

Masasabi ko na din "I'm not scared to get wrinkles and all as long as I find my true love just like Lola Aurelia and Lolo Luis."

UNILAB yan!

Minsan naisipan ko na mag FULL BATTLE GEAR pagpasok sa trabaho. Mag-model ng UNILAB items, okay naman, nasakyan naman nila ang trip ko :)

Photo taken at Chic-Boy Molito
 
Salamat sa UNILAB may water bottle, bag at polo shirt ako^^

UNILAB yan :D

Monday, November 21, 2011

Banat for the Day

They say... "When life gives you lemons, make lemonade."

I say...
"When life is bitter, add some sugar."
"When life is bland, add some spice."
"When life is dry, add some water."

Life can be so simple, yet so complicated.
You made the drink, so enjoy it!

Run United 3 2011 (Runrio Leg 3) - The Late Post!

November 13, 2011
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Venue: SM Mall of Asia

Late Post! One week after ng run, saka ko pa lang nai-post. Madyo busy sa trabaho at magiging busy pa dahil sa year-end surge ng files na for process ng aming team. Pero okay lang! Kasama sa challenges ng buhay yan gaya na lamang ng aming participation sa Run United 3 2011.

Ang normal kong distance ay 3K or 5K. Pero ngayong last leg ng RunRio Series for 2011, sa 10K run ako nagpalista! Si John Paul naman ay normal distance ang 21K, last November 6, 2011 sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011 ay sa 25K category siya, ngayong last leg naman ay sa 32K category siya nagpalista.


Maaga kaming pumunsa sa SM Mall of Asia, sa Baclaran na kaming tatlo nagkita, nakapag-agahan na din ako bago pa dumating yung dalawa.

Pagdating sa MOA, naghanda na kami kaagad. Nagsuot ng Race Bib at nagdeposit ng bag sa Baggage Counter. Mannuna kasing tatakbo si John Paul sa 32K category, sunod naman ako at huli si Liezel.


At nangyari na nga, naunang tumakbo si john Paul, kami naman ay naglibot muna. Ang napili naming booth ay ang Enervon. Magandang buena-mana para sa akin, may libre akong Sports Utility Pouch from Enervon dahil ako ay kabilang sa mga 10K category participants.





Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong ko ang ating Pambansang Kamao! No other than the one and only, Manny Pacquiao (mascot lang^^), November 13  din ang laban niya a kami naman ay tatakbo para sa Run United 3rd leg. Minsan lang ito kaya picture taking muna sa pambansang kamao.


Naglibot pa ng kaunti, at hindi nagtagal, oras ko naman para tumakbo. Pumunta na ako sa assembly area at naghanda para sa aking category. Mga kuha bago tumakbo at habang tumatakbo:














Takbo lang ng takbo, hindi rin nagtagal, natapos ko ang aking run. Nalampasan ko ang finish line at tumungo na kaagad sa finisher's area. Maganda ang finisher's kit ngayon, isang shoe bag na maraming bulsa :)


Narito naman ang mga pictures sa may activity area:





















Pagkatapos ng run naglibot pa ng kaunti at hinintay na si Mr. 32K :D

Ilang sandali pa ay nagkita-kita na kami at naghanda para mag breakfast. Sa Mang Inasal na kami nag agahan, kailangan mabawi ni Mr. 32K ang  itinakbo niya sa Unlimited Rice. Nagregister na din kami pagkatapos para sa 35th
Milo National Marathon Finals sa December 11, 2011. Nakakita pa ako ng Varsity Bag ng Runnr at bagong sandals sa Sandugo sa Toby's Arena, alam na! Sa darating na pasko pa naman^^

Official results nasa link na ito, download na lang ninyo ang category ninyo, PDF format naman ang document :)
RunRio.com

At ang aming official result:

Liezel Hermedilla (Overall 3k)
00:28:26 (Chip Time)
@1.55km 00:14:13
Category: Female A:18-34
Rank: 486/1112
Bib#: 21453

June Real (Overall 10k)
01:29:08 (Chip Time)
Category: Male A:18-34
Rank: 1665/2381
Bib#: 28356

John Paul Lipardo (Overall 32k)
04:56:03 (Chip Time)
@9.255km 01:05:32
@24.44km 03:38:23
Category: Male A:18-34
Rank: 1852/2039
Bib#: 39317

Masaya ako at natapos ko ang 10K, pagod, masakit ang mga binti pero ayos lang. sa mga nalalabing run ngayong taon, balik na lang ako sa 3K at 5K categories. Magpapaganda muna ako ng time bago bumalik sa 10K. Next Race - HSBC Fun Run 2011, sa November 26, 2011. Pass muna ako sa Takbo Para sa Pasig. Pahinga muna para sa unpredictable Thanksgiving Week!

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)