Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, January 10, 2011

My Amnesia Girl in Review

 Disclaimer: photo taken from 

Nagsimula ang year 2011 ko ng masaya. Masaya kasi may trabaho pa din ako, dapat thankful ako para doon. Pumasok ako sa trabaho last December 31, 2010, sa office nag Media Noche kasama ang mga katrabaho. Nakasama ko ang team ko, supervisor at manager ko sa isang impromptu conference call para lang makipagbatian ng Happy New Year sa pinakamamahal naming client. Masaya ako, dahil unang araw pa lang ng taon ay nakita ko na dumugo ang ilong ng mga kasama ko sa team dahil isa-isa ko sila hinayaang magpakilala at bumati ng Happy New Year sa mga client. Bigla ko naisip, sana palaging ganito kami kasaya sa trabaho, sana magkatotoo.

Higit sa lahat, masaya ang unang araw ng taon para sa akin dahil may isang nagmagandang loob na mag-RIP ng DVD copy ng pelikulang My Amnesia Girl na hindi ko napanood noong nagdaang November U.S. Holiday - Thanksgiving. Mabalik tayo, dapat sana mapapanood ko ito sa sinehan kaya lang last minute, hindi natuloy ang naka set na panonood namin ng isa kong kaibigan (akala yata KKB kaya umurong, joke lang, baka mabasa niya ito, lagot ako), nagkaroon daw ng biglaang lakad. Nalungkot ako kasi all set na, ang mas nakakalungkot pa nito ay pinapasok kami ng client sa mismong holiday nila.

Pero sabi nga nila, kapag may nawala sa iyo, papalitan ni Lord yan ng mas maganda, at ito na nga ang magandang ipinalit. Galing sa puyat dahil nag-duty ng gabi ng December 31, 2010, kumain ng agahan sa bahay ng isang katrabaho at nakauwi na ng mga alas-onse ng umaga ng January 1, 2011. Pagkagising ko kinagabihan ay nagulat ako, kasi may downloadable DVD copy na ng My Amnesia Girl. Inaasahan ko kasi na mga dalawang buwan pa ang lilipas bago ako magkaroon ng malinaw na kopya, pero eto na ang kopya, iniintay na lang na i-click ko ang "Download Now" na button. At ganoon nga ang ginawa ko! Pagkatapos maidownload, pinanood ko na kaagad. Intro pa lang, mabenta na sa akin. Eto ang pamatay na into ni John Lloyd:
“Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na, pinakawalan mo pa.”
Ganoon na nga ang naging trend ng pelikula para sa akin, noon una akala ko puro pick-up lines lang ang maririnig ko. Nagkamali ako, maganda talaga ang pelikula, akala ko, corny, pero funny and heartwarming din naman pala. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko ay "Sayang, hindi ko napanood sa sinehan, ang sarap siguro pakinggan ang mga tawa ng mga kasabay ko na manood ng pelikula." Pero tapos na iyon, eto na ang pelikula, hawak ko na.


Eto naman ang aking magulong buod ng pelikula:
Paano mo haharapin when all of a sudden ay nagkaharap kayo ng "EX" mo na sobrang sinaktan ka? Ang relasyon ninyo akala mo for keeps na, pero wala man lang pasabi at bigla kang iiwanan. Ang sakit hindi ba? Iniwan ka ng ganun ganun na lang. At pagkatapos, noong akala mo na naka- move on ka na, siya namang pagbalik niya na parang walang nangyari. Kung ikaw ang nasa katayuan ng iniwan, anong gagawin mo? (oyyy, nakakarelate, haha!)

Paano mo haharapin? Magiging civil ka ba at aastang parang walang nangyari o bibigyan mo ng isa para maramdaman niya ang sakit na idinulot ng pang-iiwan niya sa iyo? Lalayo ka na lang ba? Bakit hindi mo i-try na magkunwaring may amnesia? At ganoon nga ang naging sunod na tagpo ng pelikula.

Ang akala ng bida, ito na ang pinakamadaling paraan pero hindi pala. Kasi naman si "EX" pursigido na bumawi. Niligawan siya ulit, pilit na inaalis ang sakit na naidulot ng past actions niya, umabot pa sa extreme kasi pinagbirthday si "Amnesia Girl" mula birthday number one hanggang sa current. Naisip-isip ko, grabeng pagbawi na ito. Hindi pa natapos dito, nag reenact pa sila ng scene kung saan una silang nagkakilala. Ayos lang sana, kung kaya mong sakyan ang lahat ng ito. Pero papaano kung narealize mo na mahal mo pa rin ang taong naging sanhi ng sakit na nararamdaman mo? Kakalimutan mo na lang ba ang lahat ng nangyari? Papaano na ang ginawa mong kwento na may amnesia ka?

At nang nagkaalaman na na walang amnesia si babae, doon na naging madrama ng kaunti ang mood ng pelikula. Hanggang sa nabaligtad ang roles ng dalawang bida, ang lalaki na ang nagkaroon ng amnesia dahil sa isang aksidenta nang nagdecide silang magkita dahil na-realize nila na mas lalo nilang minahal ang isa't-isa at upang ayusin ang nasira nilang relasyon.
Pero sabi nga ng iba, "love is blind" daw, pero ang sabi ko naman, "love is not blind kasi nahanap ko ang special someone ko" saka "love is not blind, it sees but is does not mind". Tapos naalala ko pa ang isang line sa pelikulang Letters to Juliet (may entry din ako tungkol sa pelikulang ito, kung gustong basahin, click lang dito). "If it was true then it why wouldn't it be true now?" saka naalala ko ang tagline ng sinabing pelikula - "What if you had a second chance to find true love?" Eto na yung sinasabing second chance. Kaya para sa akin, dapat hindi na palampasin, at ganoon nga ang nangyari sa pelikula, hindi nga lang gaanong happy ending kasi yung bidang lalaki naman ang nagka amnesia.


Siyempre, hindi ko tatapusin ang blog entry na ito nang hindi inilalagay ang mga memorable lines na natandaan ko habang pinapanood ko ang pelikula, sa totoo lang parang karamihan ng mga pick-up line ng mga bida ay bumenta sa akin, mababaw lang naman kasi ang kaligayahan ko. Eto, enjoy!

"Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo."

"Maging cactus ka man, handa akong masaktan... mayakap ka lang."

"May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin."

"May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay ang mga titig mo."

"Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang."

"Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong nararamdaman.”

"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin."

"Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo."

"Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw."

"Alam mo, para kang tae... Hindi kasi kita kayang paglaruan."

"Ihi ka ba? ...Hindi kasi kita matiis eh."

"Para kang alak... ang lakas ng tama mo sa akin."

Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati hanggang balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.

Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kahapon kasi nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita.
Apollo: Sabi ko na nga ba camera ako eh.
Irene: Bakit?
Apollo: Kasi napapa-smile kita.
Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba 'ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin 'yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko
Irene: ikaw ang pintura ko..
Apollo: bakit?
Irene: kasi kinulayan mong buhay ko..

Irene: Para kang dictionary
Apollo: huh?
Irene: kasi you give meaning to my life..

Apollo: Bumili ka na ng salbabida..
Irene: bakit? magsu-swimming tayo?
Apollo: hindi! baka malunod sa pagmamahal ko

Irene: Alam mo, baka di ka na makauwi.
Apollo: Bakit?
Irene: Eh kasi nasa isip na kita.

Apollo: Alam mo kung bola ka baka di kita mai-shoot?
Irene: Dahil lagi mo ako mamimiss.

Apollo: Alarm clock ka ba ?
Irene: bakit ?
Apollo: Eh kasi ginising mo ang natutulog kong puso

"Sine ka ba? kasi sarap mong panoorin."

Apollo: Bagyo ka ba?
Irene: Hindi baket?
Apollo: Ang lakas ng dating mo.

"Alam mo bagay sayo yang damit mo. Pero mas bagay ako sa'yo."

"Hika ka ba? Kasi you take my breathe away."

"Alam mo para kang table of contents, kasi ikaw ang topic sa bawat pahina ng buhay ko."

"Meralco ka ba?, kasi ikaw nagdala ng liwanag sa buhay ko."

"Para kang pustiso, I can’t smile without you."

"Bangin ka ba? Kasi sumasabit ang puso ko sayo. "
Hanngang sa susunod na blog entry. Manatiling in love and palaging maniwala sa love. Love Conquers All.


No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)