November 26, 2011
Accomplices: Joel Lemitares (the proxy runner of John Paul Lipardo), Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama
Accomplices: Joel Lemitares (the proxy runner of John Paul Lipardo), Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama
Venue: SM Mall of Asia
U.S. Holiday (Thanksgiving), dapat walang pasok ng Huwebes at Biyernes ng gabi para sa amin, Huwebes, OO! Biyernes, mayroon ang iba (swerte lang ang mga team na walang pasok). Dahil inaasahan natin na walang pasok, nagpa-register kami sa HSBC Fun Run 2011, Sabado gaganapin kaya naman okay lang. Okay na sana, pero sa mga hindi inaasahang pangyayari, kailangan pumasok ng ilan sa amin para magtrabaho ng Biyernes ng gabi, nakapag-file naman ako ng leave pero may kailangan na tapusin, kaya naman dumaan ako sandali sa opisina para tapusin ang mga atraso ko.
Dahil hindi pa din sigurado ang magiging scheduale sa Thanksgiving Week, sa 3K category lang ako nagparehistro, tulad ng sa mga kasama ko.
Sa Baclaran na kami nagkita. Tamang-tama lang para sa gunstart na 6:00am, 5:30am ay nakapag check-in na kami ng baggage. Pagkatapos ng check-in, picture taking muna. Narito ang early morning pictures.
Dahil hindi pa din sigurado ang magiging scheduale sa Thanksgiving Week, sa 3K category lang ako nagparehistro, tulad ng sa mga kasama ko.
Sa Baclaran na kami nagkita. Tamang-tama lang para sa gunstart na 6:00am, 5:30am ay nakapag check-in na kami ng baggage. Pagkatapos ng check-in, picture taking muna. Narito ang early morning pictures.
Dahil inabutan pa namin ang simula ng 10K category, sinamantala ko ang pagkakataon para kunan ng larawan ang starting line na puno ng mga runners. Kaya lang, 10K lang ang kinuhaan ko, naglibot pa kasi kami sa activity area at nag-picture taking ng ilang beses.
Sumunod ang 5K category at ang huli ay ang 3K category (kami na yun!), naghanda, pumila at tumakbo! Dahil ang aming goal ay matapos ng maaga ang race (para hindi maubusan ng shirt sizes), sinikap namin na tumakbo ng magandang pace. Maganda ang simula ng una kaya lang ay sumakit ang kaliwang tuhod ko at ang kanang paa ko. Hindi ko alam kung bakit pero tuloy pa din ang takbo. Hindi na kami masyadong nag picture taking pero hindi naman pwede na wala kahit isa di ba? Kaya naman picture ng picture habang nagpapahinga (naglalakad).
Sinong may sabing hindi kukuha ng picture at tatapusin ng maaga ang takbo? Hindi matiis eh :)
Hindi nagtagal, natapos namin ang 3K event. Dahil pakiramdam ko ay napakaraming pahinga ang ginawa ko dahil nga sa naramdaman ko kanina, nagulat ako sa oras na nakita ko. Mas mabilis sa PR ko para sa Energizer Night Race (00:29:04) noong November 5, 2011.
Narito ang record namin:
Source: Runningmate.ph
June Real (Overall 3k)
Time - 00:26:51
Pace - 0:08:57
Rank: 333
Bib#: 0222
Sophia Dela Rama (Overall 3k)
Time - 00:26:58
Pace - 0:08:59
Rank: 342
Bib#: 0949
Alvin John Tolentino (Overall 3k)
Time - 00:26:49
Pace - 0:08:56
Rank: 330
Bib#: 0950
Joel "The Proxy Runner" Lemitares (Overall 3k)
Time - 00:25:12
Pace - 0:08:24
Rank: 269
Bib#: 221
Time - 00:26:51
Pace - 0:08:57
Rank: 333
Bib#: 0222
Sophia Dela Rama (Overall 3k)
Time - 00:26:58
Pace - 0:08:59
Rank: 342
Bib#: 0949
Alvin John Tolentino (Overall 3k)
Time - 00:26:49
Pace - 0:08:56
Rank: 330
Bib#: 0950
Joel "The Proxy Runner" Lemitares (Overall 3k)
Time - 00:25:12
Pace - 0:08:24
Rank: 269
Bib#: 221
Masaya ako dahil natapos ko ng mas mabilis ang takbo, hindi ko din inaakala na mahihigitan ko ang record ko dalawang linggo lang ang nakakalipas. Mukhang napabuti ang mga activities a workout na ginagawa ko nitong mga nakaraang linggo. Samahan pa natin ng tamang pagkain.
Pagkatawid sa finish line, dumiretso na kami kaagad sa hydration station at loot bag stations. Dahil magkakaiba ang size, kanya-kanya kami ng pila ayon sa loot bag size namin. Pagkatapos naman ay pumila kami sa isang sponsor booth para sa pick-a-prize game. Si Joel lang ang naiba ng nabunot na prize (malunggay capsule^^), kaming tatlo ay shampoo, conditioner at papaya sopa ang nakuha, hindi na masama, pipila lang naman eh. Narito ang ilang mga larawan habang naghihintay kami ng raffle (trip for 2 to London).
Pagkatapos ng awarding para sa iba't-ibang categories at raffle (sayang hindi nanalao), tumungo na kami sa KFC para mag-agahan at hintayin na magbukas ang mall, magpalit ng damit at maglibot ng sandali bago umuwi. Ang napili naming lugar para kumain ng agahan ay - Kentucky Fried Chicken!
Kumain, nagkwentuhan, naghintay na magbukas ang mall, naglibot, bumili ng ilang mga bagay at pagkatapos ay umuwi na para magpahinga. Kahit papaano naman ay naging makabuluhan ang Thanksgiving Week ko dahil ang takbong ito ay para sa beneficiary ng HSBC, ang Sa Aklat Sisikat Foundation.
Pagod, pero masaya pa din. Sana palaging masaya :)
No comments:
Post a Comment