Normal - yung simple lang. brown, buo, hindi masyado mabantot. Generic na tae. Usually 2-3 lang ang lumalabas na ganito. pag isa lang, sayang yung oras ng pagtae mo. Ipunin mo muna bago mo ilabas. Pag lumampas ng 3, matakaw ka.
Multo - ang tipo ng ebs na pakiramdam mo, lumabas na sa pwet mo pero pagtingin mo sa inidoro, wala naman; sa ibang bansa, "Ghost Shit o minsan Houdini" ang tawag dito.
Malinis - ebs na alam mong lumabas, nakita mo sa inidoro, pero wala sa tissue.
Basa - pinunasan mo na ang pwet mo ng 50 na beses pero pakiramdam mo ay mayroon pa din; para ma-resolve, maglalagay ka ng tissue sa pagitan ng pwet mo para hindi matagusan ang shorts/pantalon mo.
The Second Time Around - tapos ka nang umebs, nakapag suot ka na ng panty o brief pagkatapos, mararamdaman mo na lang na there's more to come.
Pamputok ng Litid - kulang na lang ay mapatid ang litid mo sa kiiri.
Sharon Cuneta - sa dami ng ebs mo, mangangayayat ka naman nang talaga.
Antonio Sabato - sobrang laki at haba na nakakatakot na i-flush dahil baka maputol.
Footlong/Long Distance - di na kailangan na i-describe. Basta nagttwirl na sa inidoro, footlong na yun. Hirap gawin ito kasi napuputol talaga minsan.
Maingay/21 Guns - napakaingay na pagbulusok sa inidoro na lahat ng nakakarinig ay natatawa.
Ipot - maliit na tae na karaniwan ay continuation sana ng mas malaking tae. Ngunit kapag ang ipot ay yaong tulat ng sa kambing (na bilog bilog), maaaring may hilatsa (fiber) ng gulay ang matagal nang naimbak sa kolon. Pinapayo ang pag-inom ng tsaa upang ito'y mailabas ng tuluyan.
Buribot - ito yung tae na may kasamang hangin (utot) kung kaya sumasabog sa inidoro at malapot! Ito ay bunsod ng madalas na pagi-inom ng mga carbonated drinks kung kaya natutunaw ang pagkain kasama ng carbon kung kaya nagiging carbonated din ang tae. Ang iba pang uri ng buribot ay ang pagkakain ng pagkaing panis o kaya ay galing sa fermentation kung kaya nagre-react ang ating tiyan.
Buribot - ito yung tae na may kasamang hangin (utot) kung kaya sumasabog sa inidoro at malapot! Ito ay bunsod ng madalas na pagi-inom ng mga carbonated drinks kung kaya natutunaw ang pagkain kasama ng carbon kung kaya nagiging carbonated din ang tae. Ang iba pang uri ng buribot ay ang pagkakain ng pagkaing panis o kaya ay galing sa fermentation kung kaya nagre-react ang ating tiyan.
Burutot - basag, tubig, minsan one shot lang ito. Pag-upo mo. Broooooot! Hugas, flush, tayo, tapos!
Tubol - malaking malaking ebs na buo. Parang buong kamote ba.
Mais - alam mo na ito, self-explanatory na ito.
Malunggay - alam mo na din ito, self-explanatory na ito.
Malunggay - alam mo na din ito, self-explanatory na ito.
Bugret - ito yung ebs na may carrot bits at bell pepper pa.
Mahangin - eto yung time na gusto mong umebs pero puro utot lang ang lumalabas.
Ectopic - ebs na ang hirap ilabas, feeling mo pahalang siyang lumabas.
Basa ang Pisngi - sa sobrang bilis ng paglabas eh tumatalsik ang tubig sa pisngi ng pwet mo.
Aristokrata - feeling niya, walang amoy ang ebs niya.
McArthur - nakakailang flush ka na pero mayroon at mayroon pa din na malilit na bilog na ebs na lumulutang. Makakailang flush ka muna bago maubos. "I shall return!"
Wrong Timing - panira ng timing; sample: nasa party ka, outing, presentation or exam tapos bigla ka na lang na matatae, tapos pag naglakad ka, parang tanga.
Yamas - ebs na nasa panty o brief dulot ng UST. (UST - Utot Sabay Tae)
Won't Let Go - matindi ang kapit at ayaw malaglag kahit umiri ka ng umiri at igalaw-galaw mo pa ang pwet mo.
Taguang Pong/Hello Garci - lalabas, papasok, lalabas, papasok uli, lalabas . . .
Kuneho - maliliit na bilog na walang tigil sa kakalabas.
Disclaimer: This entry is a repost. Saw this post while browsing the other day. Credit should go to this person, just wanted to share.
No comments:
Post a Comment