Lolo: Samahan mo nga ako.
Lola: Saan?
Lolo: Sa pagtanda.
Sweet. Para sa iba, corny. Pero para sa akin, isang magandang halimbawa na dapat tularan ng lahat. Hindi kaagad sumusuko. Napapansin ko sa mga relasyon ngayon, parang napakadali lang kung maghiwalay ang mga mag-asawa, kaunting hindi pagkakaunawaan minsan sa hiwalayan na nauuwi.
Kaya naman hanga ako kay Lola Aurelia, hindi siya sumuko sa paghahanap kay Lolo Luis. Salamat din sa isang concerned photographer at FaceBook user, si Reddie Js. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging viral at hindi mapapansin si Lola Aurelia. Dumating pa nga sa yugto na pati ang mga big networks ABS-CBN at GMA 7 ay tumulong para mas mapadali ang paghahanap. Salamat din kay Kara David for "going the extra mile" dahil sinamahan niya si Lola Aurelia hanggang sa makita na Lolo Luis.
Narito ang larawan na naging viral online. Nai-share ito ng 60,673 na beses. Hindi natin alam kung ilang views pa ito.
Ito naman ang caption ng larawan sa itaas:
"I saw this old woman sitting by herself yesterday at the corner of buendia and roxas blvd yesterday. Surprised to see a bond paper pinned in front and back of her dress with a picture of a missing old man, i asked her about it and she said it is her husband who has been missing for two weeks now. I was touched by her integrity and pained to see her looking for him in that manner so i decided to help her too. I asked permission to post her picture here in fb to be shared by others as help for finding Mr. Luis Matias."
Yun na! Social Media at ang mga "Big Guns" sa larangan ng News and Public Affairs ang nagpalaki ng pag-asa para magkita muli ang dalawa. At hindi nga nabigo ang mandang intensiyon ni Reddie Js na makatulong. Saludo ako sa iyo Reddie Js, you made a difference and helped touch the life of an old couple.
Narito naman ang mensahe ni Reddie Js para kay Lola Aurelia, kuha mula sa FaceBook wall niya mismo:
"To Lola Aurelia: Your extravagant way of showing how you love your husband so much that you would go thru such depths of even wearing the posters in your dress was the reason I noticed you. It caught my eyes, and my heart! That is the most simplest reason why you found Lolo again! The picture I took of you is the best picture I know I'll cherish forever, it is a picture of 'Love'. Maraming maraning salamat po Lola!"
Ang sarap pagmasdan ng eksena na kung saan natagpuan si Lolo Luis nila Kara David at Lola Aurelia, kitang-kita ko sa mga mukha ni Lola Aurelia
Naibalita na ito pero ginawaan ko pa din ng blog entry. Dapat lang naman kasi, isa itong halimbawa ng personification ng pagtupad sa mga pangako ng mag-asawa sa isa't-isa. Heartwarming? Inspiring? Oo naman. Ang kwento ni Lola Aurelia at Lolo Luis ay hindi ko malilimutan dahil ito ang nagpaalala sa akin na sa panahon ngayon, mayroon pa din tayong nakikita na halimbawa ng "True Love", akala ko noon sa mga pelikula lang ang ganitong happy ending. Sa totoong buhay din pala pwedeng mangyari at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sana ay maging inspirasyon si Lola Aurelia at Lolo Luis sa lahat.
Masasabi ko na din "I'm not scared to get wrinkles and all as long as I find my true love just like Lola Aurelia and Lolo Luis."
Masasabi ko na din "I'm not scared to get wrinkles and all as long as I find my true love just like Lola Aurelia and Lolo Luis."
No comments:
Post a Comment