Disclaimer: Movie poster taken from the site http://melikesart.blogspot.com/2010/12/film-review-rpg-metanoia-2010.html
"Sa wakas!" Ito lang ang nasabi ko habang nakapila sa pagbili ng ticket para mapanood ang pelikulang RPG Metanoia. Una ko pa lang na nakita ang trailer ng pelikulang ito sa Level Up! Live 2010 noong November, nagkaroon na ako ng mindset na dapat mapanood ko ang pelikulang ito. Dumaan ang 2010 Metro Manila Film Festival nitong December pero parang hindi ako makahanap ng oras para pumunta sa sinehan, nasa mall naman ako pag Linggo kasi nag-Gym ako. Hanggang abutin na ako ng New Year, sa totoo lang, pwede ko namang panoorin ang pelikula noong January 1, 2011, pagkauwi ko sana galing sa trabaho, kaya lang nakatulog ako maghapon, tapos kinabukasan naman, sinamahan ko ang bunso naming kapatid na bumili ng bagong cellphone.
Ganoon na nga ang nangyari, at unti-unti na akong nawalan ng pag-asa na mapanood ang nasabing pelikula. Hanggang sa inabot na ako ng January 10, 2011, pero nakita ko na showing pa kaya nagkaroon ako ng pag-asa, wala namang ibang foreign films na naka line-up sa first two weeks ng January kaya nabuhayan ako ng loob. At hindi nga ako nabigo sa pagkakataong iyon, nakapanood na din ako nitong Linggo lang, pagkagaling sa gym. Sinungitan pa nga ako ng bantay kasi wala daw siya panukli sa ibinayad ko. Pagpasok ko pa nga sa loob ng sinehan, akala ko ako lang tao, natakot tuloy ako. Pero nag masid-masid ako, may nauna na pala sa akin, mga apat na tao! Lima na kami nung nagsimula ang pelikula hanggang sa matapos :)
Punta na tayo sa aking buod pero maikling buod lang para hindi masyadong spoiler. Nakakatuwa kasi after so many years, nagkarron na tayo ng locally produced 3D movie na maipagmamalaki natin na sariling atin. Kaya dapat tayong mamangha sa sariling atin. Eto na yung simula eh, kaya dapat nating suportahan.
Umiikot ang kwento kay Nico at ang kanyang pagkahilig sa MMORPG (Massively Multiplayer Online Role Playing Game). Kaya ito ang first choice ko na panoorin para sa filmfest ay sa kadahilanang isang MMORPG player din ako (FlyffPH) kaya naman nakarelate kaagad ako simula pa lang. Sa sobrang husay niya sa loob ng laro, naging malakas ang avatar niya. Hanggang sa napapabayaan na niya ang "totoong buhay". Mas engaged pa siya sa paglalaro ng MMORPG kasabay ng kanyang mga kaibigan. (Dumaan din ako dito na halos araw-araw 2-3 hours ako online para palakasin ang avatar ko, nakalimutan ko na din alagaan ang sarili ko kaya tumaba ng husto).
Madalas ay dumadayo pa siya sa bayanan nila para makapag-online sa isang computer shop na ang pangalan ay "Bomb Shelter" kasama ang kanyang mga kaibigan. May dalawang bully na pinaalis sila palagi sa computer shp sa hindi ko maintindhiang dahilan (bully lang kasi). Nakipagpustahan sila sa kahit anong laro na kapag nanalo ang mga bully ay aalis na sila sa computer shop at hindi na ulit maglalaro, kung sila naman ang mananalo, hindi na sila guguluhin ng mga bully. Dito na lumabas ang pagkabano ni Nico in real life. Mabuti na lang, tinulungan sila ng isang girl sa game kaya nanalo sila.

Hanggang sa kumalat ang isang virus sa loob ng laro na parang nahihipnotize ang isang gamer at kailangan niyang palaging nakatutok sa harap ng monitor. Naapektuhan nito ang iba't-ibang server around the world hanggang sa maifeature pa ito sa news. Sa pagkakataong ito, kailangan na mag-join force ang mga natitirang Metanoia players upang matalo ang in-game virus na ito.
Ganoon nga ang nangyari, pero hanggang dito na lang ang buod ko kasi hindi na masaya kung ikwento ko lahat. Sa mga nagbabasa nito na hindi pa napapanood, I recommend this movie. Sa mga nakapanood na, sana pareho tayo ng verdict.
Maganda ang pelikula sa kabuuan. Nandito ang mga pinoy elements. Sa panahon ngayon, bihira na tayo na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye ng patintero, tumbang preso, shato, agawan-base, monkey-anabelle at taguan. Nandito din ang filipino value na sama-sama ang pagkain ng hapunan. Kung may isang bagay ako na namimiss ngayon ay ang sabay-sabay na pagkain namin bilang isang pamilya kaya natouch ako ng makapanood ng ganitong eksena sa pelikula. Maganda ang animation ng tricycle. Isang area of improvement na lang siguro ay ang dubbing. Pero overall 9 out of 10 pa din para sa akin. Mabuhay ang pelikulang Pilipino, ito na ang future natin.
Malapit na ang February, sana ay may magandang pelikula ulit at sana may kasama naman na akong manood ng pelikula. Nakaabot din sa filmfest, yun nga lang, lima lang kaming nag filmfest sa loob. :p
Disclaimer: Movie poster taken from the site http://thesilverscreenreviewer.wordpress.com/2011/01/08/rpg-metanoia/
Ganoon nga ang nangyari, pero hanggang dito na lang ang buod ko kasi hindi na masaya kung ikwento ko lahat. Sa mga nagbabasa nito na hindi pa napapanood, I recommend this movie. Sa mga nakapanood na, sana pareho tayo ng verdict.
Maganda ang pelikula sa kabuuan. Nandito ang mga pinoy elements. Sa panahon ngayon, bihira na tayo na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye ng patintero, tumbang preso, shato, agawan-base, monkey-anabelle at taguan. Nandito din ang filipino value na sama-sama ang pagkain ng hapunan. Kung may isang bagay ako na namimiss ngayon ay ang sabay-sabay na pagkain namin bilang isang pamilya kaya natouch ako ng makapanood ng ganitong eksena sa pelikula. Maganda ang animation ng tricycle. Isang area of improvement na lang siguro ay ang dubbing. Pero overall 9 out of 10 pa din para sa akin. Mabuhay ang pelikulang Pilipino, ito na ang future natin.
Malapit na ang February, sana ay may magandang pelikula ulit at sana may kasama naman na akong manood ng pelikula. Nakaabot din sa filmfest, yun nga lang, lima lang kaming nag filmfest sa loob. :p
No comments:
Post a Comment