November 6, 2011
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Kelyn Ascaño Das, Jayson Agustin

Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Ito na ang pangalawa sa back-to-back races ko para sa weekend ng November 5-6, 2011. Kakatapos ko pa lang sa Energizer Night Race 2011, sabado ng gabi, nandito na naman ako sa Bonifacio Global City para naman sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011. Kung sa Energizer ay 3K ang tinakbo ko alang-alang sa libreng headlamp, dito naman ay kailangan kong matapos ang 5K na route para maging eligible sa raffle ng isang brand new car - Chevy Cruze!
Maaga kaming tumungo pabalik sa Bonifacio Global City. Dumiretso sa baggage counter at naghanap ng masisilungan. Naunang tumakbo ang 25K at 10K categories. Ang 5K category ay sponsored pa ng Dole Pineapple :) Nakakita pa tuloy ako ng dancing Pineapple Mascots habang naghihintay ng gunstart sa ilalim ng ulan. Mga kuha habang naghihintay na tumakbo ang 5K category:
Kung maulan noong Sabado ng gabi, MAS MAULAN ang Linggo ng umaga! Pinag warm-up pa kami sa ilalim ng ulan. Ang saya. Mas nadagdagan ang saya dahil may kasama kaming mga dancing pineapple!
Hindi rin nagtagal, nagsimula na din tumakbo ang mga 5K runners, mga 5:50am kami nagsimula at ang cut-off ay 1 hour. Hindi naman siguro ako aabutin ng 1 hour kaya naman nagsumikap ako na makakuha ng magandang head time sa unang dalawang kilometers para naman kung magpapahinga ako ay kaunting oras na lang ang kailangan kong bunuin para matapos ang nasabing category. Gaya din noong sabado ng gabi, hindi ako nakapag picture ng mga runners na kasabay ko sa kadahilanang umuulan.
Mukhang nakatulong ang ulan dahil malamig at hindi ko masyado nararamdaman na napapagod ako, hinihingal pero hindi ramdam ang pagod. Sinamantala ko ang pagkakataon na ito para tapusin ng mas maaga ang race. Okay na sana ang lahat pero pagdating sa 4th kilometer ay may isang lugar na hindi maiiwasan na may mababaw na baha, napilitan ang lahat ng runners na lumusong para matapos ang race. Pagkalampas sa baha ay bumigat ang sapatos ko dahil pinasok ng tubig, kaya naman sa huling 500 meters na ako nakatakbo patungo sa finish line. Mga picture ng simula at patungo sa finish line:
Hindi na din ako nag-aksaya pa ng oras, pagkatawid sa finish line, tinungo ko kaagad ang finisher's area. Nalaman ko din na namimigay ang Dole Pineapple ng free singlet sa unang 1,500 na 5K runners pinilahan ko din kaagad ang kanilang booth, sayang nga lang at walang size ko pero kinuha ko pa din yung free na singlet. Pagkatapos ng free singlet ay naghulog na ako ng raffle entry para sa brand new car. Narito ang ilang pictures sa activity area at sponsor's booths:
Ang swerte ng nanalo ngbagong car! Sayang hindi ako yun^^ Okay lang, ang importante natapos ko ang run ko. Salamat RunRio.
Pagkatapos ng raffle, dumaan naman kami sa bagong botique ni Coach Rio - ang Riovana Philippines - The Premiere Running and Lifestyle Hub in the Philippines. Dapat may picture ako sa harap ng store na bagong bukas!
Official results galing sa mga link na ito:
PinoyFitness.com
At ang aming mga resulta:
June Real (Overall 5k)
00:40:51 (Chip Time)
@3km 00:24:10
Category: Male Open
Rank: 783
Bib#: 7253
John Paul Lipardo (Overall 25k)
03:11:59 (Chip Time)
@4.78km 00:30:55
@14.33km -
Category: Male Open
Rank: 841
Bib#: 109
Nakakapagod pero masaya! Isang hindi malilimutang weekend ito para sa akin. Ipinaalala ng dalawang races na ito ang aking pagkabata, tumatakbo sa ulan!

Pagdating naman ni John Paul, picture taking kami sa mga cars habang naghihintay ng mananalo ng bagong car.
Ang swerte ng nanalo ngbagong car! Sayang hindi ako yun^^ Okay lang, ang importante natapos ko ang run ko. Salamat RunRio.
Pagkatapos ng raffle, dumaan naman kami sa bagong botique ni Coach Rio - ang Riovana Philippines - The Premiere Running and Lifestyle Hub in the Philippines. Dapat may picture ako sa harap ng store na bagong bukas!
Official results galing sa mga link na ito:
PinoyFitness.com
At ang aming mga resulta:
June Real (Overall 5k)
00:40:51 (Chip Time)
@3km 00:24:10
Category: Male Open
Rank: 783
Bib#: 7253
John Paul Lipardo (Overall 25k)
03:11:59 (Chip Time)
@4.78km 00:30:55
@14.33km -
Category: Male Open
Rank: 841
Bib#: 109
Dito naman ang runpix race analysis (with stats)
Nakakapagod pero masaya! Isang hindi malilimutang weekend ito para sa akin. Ipinaalala ng dalawang races na ito ang aking pagkabata, tumatakbo sa ulan!
2 comments:
thanks sa pag share nito. nagenjoy ako doon sa race. Ang dami pang chicks :)
Welcome Rah :D Hope to see you in one of the future fun runs.
Post a Comment