Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, November 7, 2011

Energizer Night Race 2011

November 5, 2011
Accomplices: Joel Lemitares, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, John Dimaranan, Paul Biduya and friend Juls (di ko natandaan yung complete name)
Venue: Bonifacio Global City, Taguig

Busy weekend. Ito lang ang masasabi ko. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasabay-sabay ang mga agenda ko sa weekend ng November 5-6, 2011. Isang grand EB para sa mga online gamers at dalawang Fun Run ang mga naging agenda ko para sa nasabing weekend. Ganito ang naging schedue ko:

❒ November 5 (Morning) - Attend sa Level Up Live 2011 sa World Trade Center sa Pasay City
❒ November 5 (Night) - Attend sa Energizer Night Race 2011 sa Bonifacio Global City
November 6 (Morning) - Attend sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011 sa Bonifacio Global City

Ganito ang naging schedule ko. Ang naging tulugan ko ay ang mga pampasaherong sakayan. Pero sabi nga ng iba, "Minsan lang ito." (Pero mukhang mapapadalas na ako ah) Ang naging sagot ko na lang sa kanila ay "Hindi na baleng pagod ako, masaya naman."

At ganoon na nga, pinanindigan ko ang aking desisyon na salihan ang lahat ng nabanggit sa itaas.Unahin natin ang isa sa dalawang races na sinalihan ko , ang Energizer Night Race 2011.

"Alang-alang sa libreng headlamp." Ito ang aming naging motivation para sumali sa naturang night race. Hindi na masama ang libreng head lamp na siya rin namang magagamit namin sa tuwing umaakyat kami sa bundok. Yun nga lang, hindi ko inaasahan na magiging isang araw na lang ang celebration  (itinaon pa nila na Sabado ganapin) para sa Level Up Live 2011. Ang original plan ko kasi ay didiretso sana sa nasabing grand EB para sa mga online gamers pagkatapos kong tumakbo sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011. Time management (kaunting swerte na din) na lang ang tanging naging sandata ko para maka-survive sa November 5-6 na weekend.

Mga dalawang oras ng tulog ay tumungo ako sa Starmall sa Alabang para makipagkita sa mga makakasama ko sa night run. Hindi rin naman kagandahan ang klima (at ang forecast para sa Sabado at Linggo) pero pinili pa din namin na tumungo para makilahok. Mga picture sa bus papunta sa Bonifacio Global City:



Tamang-tama lang ang dating namin sa venue dahil may oras pa kami para makapaghanda at makapag warm-up at kaunting picture-taking. Ang mga hard evidence:






Alright! Pagkatapos ng ilang sandali ay tinungo na namin ang baggae counter para iwan ang aming mga bag at naghanap ng portalet. Mga ilang sandali lamang ay nagkaroon ng maikling fireworks show sagisag ng pagsisimula ng event. Ilang mga kuha ng fireworks (hirap makakuha ng magandang timing eh, pasensiya na po, ang bilis ng mga pangyayari!):








Pagkatapos ng fireworks display, sa starting line naman ang tungo namin. Napakagandang pagmasdan ng mga runners, sama-sama at suot ang mga headlamp (mining industry? mga alitaptap? HAHA). Isang pagsasalarawan ng UNITY. Masaya ako dahil pinili kong maging part ng isang event for a good cause. Mga kuha naman sa starting line habang hinihintay ang gunstart:









 

Dahil maulan, hindi ako masyadong nakakuha ng mga picures. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang matapos ng maaga ang 3K run sa kadahilanang tatakbo pa ulit ako ilang oras lang ang pagitan, Linggo ng umaga sa 5K category sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011 dito rin mismo sa Bonifacio Global City.

Hindi rin naman ako nabigo. Natapos ko ng mas maaga ang 3K run na ito. Nakatulong siguro ang malamig na klima, hindi gaanong nakakapagod sabi nga nila.


Event: 3 km
Bib Number: 30546
Race Time: 00:29:04
Race Pace: 00:09:41

Mas mabilis ng kaunti sa old record ko sa Run United 2 - 00:33:23


Pagkatapos ng race ay diretso naman kami kaagad sa aming meeting place para makapagpalit ng damit at makapaghanda na umuwi. Ito na rin ang ginamit naming pagkakataon para dumaan sa Pinoy Fitness booth para sa limited edition PF shirts in collaboration with The Perfect White Shirt. Ang napiling model, walang iba kung hindi si.........


Hindi rin naman kami magpapahuli sa picture taking with the Energizer mascot!






Official results galing sa mga link na ito:
PinoyFitness.com

At ang aking resulta:
June Real
Event: 3 km
Bib Number: 30546
Race Time: 00:29:04
Race Pace: 00:09:41

Pagkatapos ng photo-op sa Energizer mascot ay naglakad na kami papunta sa Market! Market! para naman kumain sandali bago umuwi. Ang napiling kainan ay Chowking (na malapit na ding magsara!). Pagkatapos ng isang late dinner ay umuwi na kami para naman ako ay makapaghanda para sa isa pang takbo, Linggo ng madaling-araw. Parang umuwi lang ako para umidlip ng dalawang oras (na naman!) at bumalik sa Bonifacio Global City para naman makilahok sa Chevrolet-New Balance Power Run 2011.

Now that's Positive Energy!



No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)