Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, April 2, 2012

De La Salle Green and White Run

April 1, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Jayson Agustin, Bert Ortiz Dela Victoria, Jonah May Trapal, Joseph Sibal, Yongsky
Venue: Bonifacio Global City

My inspirational for this morning's run:
"No magic potions... No fairy dust. No one to push me... No one to do it for me. Just one determined foot in front of the other."

Unang araw ng aking birthday month. Unang Sunday. Unang Fun Run para sa buwan ng April. Unang beses kong tatakbo ng 10k sa Bonifacio Global City. Unang beses akong nahuli sa gun start. Unang beses na ako ay naghabol sa mga naunang mga runner. Unang beses na magpabasa sa bumbero.

Tamang-tama lang ang aming dating sa race village para sa 5:15am gun start para sa 16k category ni John Paul. Ako ay tatakbo sa 10k at si Jayson naman ay sa 5k. Habang naghihintay sa aking gun start ay pumila muna ako sa Adidas sponsor booth. Nagbakasakaling manalo sa "pick-a-prize". Hindi ako nanalo :)


Pagkatapos ng panandaliang aliw, nag-check in na ako sa baggage counter. Pagkatapos naman ay nagtungo sa comfort room para ayusin ang aking sarili at makapaghanda. Dito na nagkaroon ng kaunting "problema" inabutan ako ng gun start habang pabalik sa starting line. Ito ang aking unang beses na nahuli sa gun time at kinailangan kong maghabol sa mga naunang mga runners.

Ayos lang, ilang sandali lang at naabutan ko na ang mga nasa hulihang runners ng 10k category, may mga nakasabay pa akong mga runners ng 16k category. Medyo nawala na ang aking pagkabahala. Inabutan ko na ang bandang gitna ng "race pack".

Ilang sandali pa, umabot na ako sa may Kalayaan Flyover. Dito ko nakita ang aming HyperSports training friend, Bert Ortiz Dela Victoria. Maganda ang costume ah, dito na nagkaroon ng bagong pangalan si Bert - "Bertong Bumbero", sa kadahilanang binabasa niya ang mga mukha ng mga dumadaang runners sa pamamagitan ng spray. Refreshing! :)



Habang ako ay pabalik naman, tiniyak kong mayron akong mga "self-centered" photos habang binabagtas ang nasabing flyover. Narito ang mga nasabing "self-centered" photos:




Ilang sandali pa, nakasalubong ko naman si John Paul "The AMDATEX Running Celebrity" Lipardo at Jonah May "The Accenture Running Icon" Trapal na lumahok sa 16k (10 miler) category. Papayag ba ang dalawang ito na walang picture sa Kalayaan Flyover? Malamang hindi! Narito naman ang pictures ng "icon" at "celebrity" ito:



Seryoso na! Kailangan ko nang makarating sa finish line. Mainit na kasi, perobago tuluyang magseryoso, ako ay napadaan sa line of sight ni Lestsky Les (LeStSkY Runner Photography) :)


Kaya naman tuwa ang aking naramdaman pagkalipas pa ng ilang minuto dahil abot-tanaw ko na ang finish line. "Ilang sandali na lang", ang nasabi ko sa aking sarili habang ako ay papalapit na finish line.



Ang ilang sandali na ito ay nadagdagan dahil na din sa kagagawan ko, pero eto pa ang isang magandang kuha na hindi ko na matandaan kung saang banda ito sa Bonifacio Global City mula sa Hendrick Or Photography :)


Ako ay napadaan sa "Look Back" photograpthers at dahil ako ay masunuring bata, pagkasabi nilang "Look Back!", agaran naman na ako ay lumingon pabalik. Salamat sa ∂пБ€Ŀōʹś PħōłŏģЯą‽ħỳ para sa aking "Look Back" photo at Greentennial Photographers (Rowena Ison) para sa pangalawa, pangatlo at pang-apat na mga larawan.






Hindi pa ako nakuntento. Napansin ko na sa aking bandang kanan ay may truck ng bumbero na nag-spray ng tubig. Alam na ninyo ang mga sumunod na eksena. Tama po kayo. Parang isang bata na gustong maligo sa ulan - ako po ay dumaan sa man-made drizzle upang magpalamig bago tumawid sa finish line. Ganun talaga. Masaya at nababaw ang kaligayahan eh. Salamat sa Pinoy Fitness sa aking picture sa may truck ng bumbero sa Greentennial Photographers (Ryan Moral) sa picture pagkatapos ko na "mag-shower" sa may truck ng bumbero.

"Praise the Lord!"


Tapos na ang side trip. Diretso na sa finish line. Pero bago tuluyang tumawid sa finish line, isang pamatay na kaway muna sa mga fans (parang mayroon ah). Salamat sa picture mula kay Yani-si (Ynny Cee Photography).


Pagkatawid sa finish line ay agad kong hinanap ang nagbibigay ng medal. Sila pa ang lumapit sa akin (salamat Doc Minnie). Pahinga ng kaunti. Photo shoot naman pagkatapos. Salamat kay Joseph Sibal para sa picture na sinasabitan ako ng medal.



Ang aking results:

Overall 10k
Rank: 230
Bib Number: 2120
Time: 01:24:16
Pace: 0:08:25

Okay na. Ang hinihintay ko na lang ay yung dalawang nakasalubong ko sa Kalayaan Flyover. Si John Paul at Jonah May.  Habang hinihintay ang dalawa, nagpasya akong kumuha ng ilang larawan ng mga runners patungo sa finish line. Ang isa sa nakatawag ng aking pansin ay ang dalawang ito na pinannindigan ang "Running Duo in Green and White", silang dalawa din ang nagwagi sa nasabing side event ng fun run. Walang nagbalak na humamon sa get-up ng dalawang ito! Very clever, ika nga.


Wala pa din yung dalawa. Habang naghihintay, nagpasya ulit akong kumuha ng ilan pang "self centered" pictures. Narito ang mga nasabing larawan:





Sa wakas! Natatanaw ko na ang dalawang hinihintay ko. Upang mapaghandaan ang pagdating ng dalawang ito, isang magandang sequence shot habang sila ay papalapit na sa may kinatatayuan ko.






Bago matapos ang kanilang sprint, isa munang commercial para naman mai-plug ang efforts ng Department of Tourism para sa ating bansa. Salamat sa ating model runners. #MoreFunInThePhilipines


Ituloy natin. Siguradong ikaw ay mapapatakbo kapag ikaw ay hahabulin ng isang miyembro ng Samurai Gang! Takbo pa aabutan na kayo!



Kaunting pahinga lang sa dalawang bagong dating. Photoshoot naman kaagad sa race village. Alam na ninyo ang mga sumunod na nangyari. Unang picture galing kay Jonah May Trapal na may energy pa para kumuha ng ilang shots at ang pangalawa naman ay galing sa Pinoy Fitness, salamat Jeff Lo.



Papayag ba akong walang #MoreFunInThePhilipines moment? Ako at ang aking mga kasama sa pagtakbo ay buong pusong sumusuporta sa tourism campaign ng Department of Tourism kaya naman ito ang aming ambag sa pambansang campaign:


Next Run: April 15, 2012; Earth Run 2012

See you on the road guys! Run Inspired. Run Happy. Run with a purpose.

Running for Love ♥


No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)