March 18, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Kelyn Ascaño Das, Ronnel Castillo Sunga, Paul Biduya, Rachel Rivera, Randy Arias, Arjay Serico, Nino Mark Joseph Ili
Venue: Daang Hari-Daang Reyna
Walang major run para sa araw na iyon. Ayaw naman naming mabakante. Ano pa nga ba ang dapat na gawin para hindi mabakante? Tumakbo kahit walang fun run. Kung walang fun run, kami ang gagawa ng fun run.
At ganoon na nga ang nangyari. Ang call time ay 5:30am. Meeting place ay sa tapat ng aming opisina. Lalakarin patungo sa may Honda Alabang. Mula doon ay tatakbo papunta sa Petron Gasoline Station sa may Daang Reyna.
Ilang sandali pa, nakaunta na kami sa aming unang stop-over - Caltex Gasoline Station para kami ay makapagpahinga sandali at makapag-picture taking (sayang ang pagkalaki-laking tarpaulin).
Pagkatapos ng photo shoot. Takbo na naman ulit. Pero bago ang lahat, isang public service mula sa isang construction site sa tapat ng gasolinahan.
Takbuhan na ulit! Ang aming susunod na stop over ay sa Patron na kaya naman mahaba-habang takbuhan pa ito! Hindi magiging masaya ang aming takbuhan kung hindi "properly documented" ang aming fun run. Narito ang aming mga "in action" pictures:
Kaunting pahinga sa may tabi ng kalsada. Papayag ba ako na walang "self-centered" picture? Hindi. Narito ang mga hard evidence ng aking self-centeredness sa magkaibang lugar sa daang-hari:
Tuloy lang ang takbo hanggang sa kinailangan namin na magpahigan panandali dahil sa may kahabaan na din ang aming tinakbo. Kapag nagpahinga, hindi mawawala ang photo session. Ito kasi ang nag-aalis ng aming mga pagod :)
Isang diretso na. Hanggang sa Petron na ang aming takbo! Ilang sandali pa ay dumating na kami sa Petron. Ano ang unang ginawa? Picture taking na naman. Isa itong pagpapatunay na ayaw namin sa pictures :)
Pahinga sandali. Recover. Kaunting kwentuhan. Kaunting picture taking ulit.
Pagkatapos ng short stop over. Takbo na naman ulit. Sa pagkakataong ito, sa bandang iniikutan naman ng mga tumatakbo sa may Daang Reyna ang aming pinili. Nagpaiwan na din ang dalawa naming kasama sa Petron upang magpahinga, si Rachel at Liezel.
Eto seryoso na. Mga 6km ang naitakbo na namin papunta sa Petron. Ang tinaguriang runner's loop naman ay aabot ng 5km ang isang ikot. Hindi na masama para sa isang morning jog.
Bago bumalik sa Petron para sunduin ang aming mga kasama, dumaan muna kami sa pamosong Fernbrook Gardens. Nandirito na naman, daanan na natin sabi nga ng aking mga kasama. Kailangan din na "properly documented" ang aming bisita sa nasabing lugar kaya naman naririto ang mga hard evidence:
Ilang sandali pa, nagpasya na kaming bumalik sa Petron upang magpahinga. Kaunting kwentuhan at kulitan bago tuluyang bumalik sa aming starting point - sa may Honda Alabang branch. Salamat sa kotse ni Arjay, nakababa ng mabilis ang walong runners. Compact!
Bago matapos ang aming pagsasama sa umagang iyon, kami ay nag agahan sa Chic-Boy. Tamang-tama lang para sa isang nakakapagod at masayang jogging. Isang magandang paghahanda na rin para sa aking susunod na race, ang BDO Race 4 Life na gaganapin sa SM Mall of Asia sumunod na linggo.
Running for love
No comments:
Post a Comment