Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, April 23, 2012

Earth Run 2012

April 15, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Arjay Serico, Liezel Hermedilla, Randi Arias, Alfie Raposon, Lindy Marie Yap, Ferdi ALfonso Baarde, Ruby Abela-Bernardo, Irnanette Castro, Jeulley Ann Estanislao, Glynele Suarez, Bernabe Mallorca, John Paul Reginald Pabalate, Jacklyn Basto, Jose Davila III, Mylene Villanueva, Jorge Michael De Jesus, NiƱo Mark Joseph Ili, Jerome Barba, Angel Evangelista, Tiffany Evangelista, Jose Ramizares, Jobert Ortiz Dela Victoria, Victor Cruz, Jonah May Trapal, April Rose Magsipoc, Vanessa De Araw, Jayson Agustin
Venue: Bonifacio Global City

Ang pinakamaraming taong nayaya ko na sumali sa fun run ngayong taon. Hindi ko man sila kasama sa category ko, masaya ako at kasama ko sila na tumakbo sa isang event.

Maaga kaming nagkita-kita sa Alabang upang sabay-sabay (sana) na tumungo sa Bonifacio Global City. Sa kinasamaang palad, may ibang kasama na nahuli ng dating kaya naman ang isa sanang malaking grupo ay nahati sa dalawa. Pero ayos na din nagkita-kita din naman ang lahat sa event ilang sandali ang nakalipas.

Simula pa lang ay picture taking na! Sa bus papunta sa loob ng Bonifacio Global City parang may photo-op na. Narito ang ilang mga kuha:




Ilang sandali pa ay narating na namin ang event grounds. Dito na rin nagtagpo ang mga nauna at nahuli :) Check-in ng baggage, pagkatapos picture taking na ulit! Walang sinasayang na pagkakataon ang aming grupo. Kayo na po ang humusga narito ang mga eksena na nakuha ng mga lente ng aming mga camera:






Sa photo wall pa lang yan ah! Narito pa ang ilan pang mga kuha sa mismong event grounds o sa "Race Village" na tinatawag ng karamihan:











At nagsimula na! Nauna lang ako tumakbo ng limang minuto (10K category kasi ako, kasama si Arjay) at sumunod na din ang aking mga nayaya (5K category) - hindi nagtagal at natapos nila ang kanilang race category at ilang sandali lang ay sumunod na din ako. Narito ang ilang mga kuha ko habang tumatakbo (salamat sa mga volunteer photographers) at sa mga nayaya ko:


Photo Credit: PinoyFitness.com





Photo Credit: Sigue Correr Runners

Photo Credit: PinoyFitness.com

Photo Credit: Sigue Correr Runners

Natapos na kaming lahat. Nagkita-kita na kami sa playground. Kahit pagod pa ang karamihan, hindi maaari na walang photo shoot na magaganap. Kahit pagod, dapat maraming pictures. Narito ang "resting and recovering" shots ng aming delegation:










Siyempre hindi pwedeng mawala ang aming "family" picture. Bago man kami maghiwalay ng landas nang umagang iyon, sinigurado muna namin na memorable ang aming pagsasama isang Linggo ng umaga. Narito ang tinaguriang "Family Picture" ng aming delegation:




Narito naman ang aking official result:
http://strider.ph/records/10/3/
CATEGORY: 10k
RANK: 544
BIB: 5977
GUN TIME: 01:26:50
CHIP TIME: 01:25:51


Ilang sandali pagkatapos ng aming family picture, dumating naman ang ilan sa mga miyembro ng HyperSports Family. Hindi naman pwedeng wala kaming group shot. Narito ang aming "Incomplete Family Portrait" kasi wala pa yung iba diyan eh, madami kami, hintayin lang ninyo :D - mga larawan ay kuha sa album ni Running Berto.



Ano pa nga ba ang masasabi ko kung hindi - "We are all saving Mother Earth one step at a time."
 
Running for Love ♥

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)