Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, December 19, 2011

Don Henrico's Run Save a Life Today

December 17, 2011
Accomplice: John Paul Lipardo
Venue: CCP Complex Grounds

Maaga akong nakauwi galing sa trabaho. Sabado ng umaga ay nakatulog na ako kaagad ng mga 8:00am. Ang assembly time sa CCP complex ay 3:00pm, ang gunstart naman ay 4:00pm. Dapat makakuha kahit 4 hours ng tulog.

Maaga kaming tumungo sa CCP Complex dahil sa inaasahang traffic sa may Baclaran. Sumobra nga lang ang aga ng dating namin. 2:00pm pa lang ay nasa CCP Complex na kami. Napagpasiyahan na lang namin na dumaan sa A Runner's Circle sa intersection ng Roxas Boulevard at Quirino Avenue para makakita ng mga bagong running gear. Hindi nga kami nabigo. May bagong nilabas na Dri-Fit na shirt na mabibili lang sa halagang 220 pesos, hindi na masama :)

Pagkatapos ng ilang sandali pa, tumungo na kami pabalik sa CCP Complex para makapag check-in na sa baggage counter at makapaglibot sa Race Village at makapag picture-taking. Sa kinasamaang-palad, naging maulan ang Sabado ng hapon na ito at hindi na kami nakapag-picture taking ng marami. Narito ang ilang mga kuha habang inuulan ang race village.







Dahil maulan, hindi na rin ako nakakuha ng mga larawan habang ako ay tumatakbo. Natapos ko ang 5K category (unofficial time) sa loob ng 0:35:55. Nakuha ko ang aking complimentary water at tumungo na kaagad sa free pizza pagkatapos kong tumawid sa finish line. Habang hinihintay ko ang kasama ko na tumakbo sa 10K, nakapaglibot naman ako sa race village at nakakuha ng ilang mga larawan habang mahina ang ulan.

















Pagdating ng kasama ko, kinuha lang niya ang mga freebies at kumuha na kami ng souvenir shots bago tumulak papauwi. Hindi na kami nagtagal dahil may isa pa kaming takbo kinabukasan ng madaling-araw sa Taguig. Ito ang Run for Change 2 na gaganapin sa McKinley Hill. Iniiwasan na din namin ang metro traffic dahil sa Christmas Rush na tinatawag.





Hindi na din namin pinansin ang personal record para sa event na ito - ang aming huling fun runs ngayong 2011 ay parehong for a cause kaya ayos lang kahit anong mangyari, ang importante ay natapos namin ang aming category :)

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)