December 4, 2011
Accomplice: John Paul Lipardo (bad day)
Accomplice: John Paul Lipardo (bad day)
Venue: CCP Complex Grounds
Isang fun run bago dumalo ng Christmas Party. Hindi na masama. OK sana sa simula kaya lang umulan kinalaunan. Simulan natin ang kwento. Akala namin ay late na kami. Mas late pa pala ang mga organizers! Idagdag pa natin ang bad day ni John Paul (nawalan ng cellphone sa taxi). Para sa akin, blessing pa din, kasi sabi nga nila, kapag may kinuha sa iyo si Lord, may kapalit daw iyon na mas maganda :)
21K category si John Paul, 3K naman ako, warm up lang para sa Christmas Party. OK na sana eh, kaya lang, late nga ang mga organizers.
Nagkaroon pa tuloy kami ng time para magpalagay ng Bodivance sa legs at makapag sign-up para sa free membership sa Resorts World. Ilang mga kuha habang naghihintay ng gunstart.
Naiintriga ako sa pakana ng Smart. Namigay ng mansanas. May aabangan tayong lahat sa December 16, 2011. Mukhang maglalabas sila ng reasonably-priced na plan para sa bagong iPhone4S.
At nagsimula na nga. Nauna ang 21K, sumunod ang 10K, 5K at 3K categories.
Narito ang ilang mga kuha bago magsimula at habang tumatakbo.
First time ko na tumakbo sa flyover. Ang sarap pala ng pakiramdam. Masakit sa legs pero iba ang pakiramdam pagkatapos mong mabuo ang pagpunta at pabalik sa nasabing flyover. Kaya lang, pakiramdam ko ay hindi buong 3K ang tinakbo ko, parang ang bilis ko kasi natapos ang route o talaga lang excited na ako matapos kaagad ang race kasi gusto ko na pumila sa mga sponsor booths.
Dahil maaga natapos, sinubukan kong kuhanan ng larawan ang mga tumataiwd ng finish line. Narito ang ilan sa mga nakuhanan ko ng larawan.
Dahil maaga natapos, nakapila ako sa mga sponsor booths - Alaska, Chips Delight, Chikka (na nagpa-raffle ng isang Samsung Galaxy Y). Habang ginaganap ang awarding ay siya namang pagbuhos ng ulan, ulan na magtutuloy-tuloy pala hanggang sa kinagabihan kaya naman naantala ang aming Christmas Party. Pagkatapos ng event ay, pinili namin na mag-agahan sa Tropical Hut (ang pinakamalapit na fast food) sa Star City habang naghihintay sa pagbubukas ng SM Mall of Asia. Kailangan na mai-report kaagad ang nawawalang cellphone dahil naka-line ito.

No comments:
Post a Comment