December 4, 2011
AMDATEX Family
Festival Mall Alabang
Hindi naging hadlang ang pabugso-bugsong pag ulan buong araw ng Linggo. Bagama't naurong ng kaunti ang schedule, tuloy pa din ang pagdaraos ng aming taunang Christmas Party. Kahit papaano ay naiba naman ang ambiance dahil ngayon ay may kasamang ulan ang aming celebration. Para sa akin, ang ulan ay sumisimbolo ng BLESSINGS! When it rains, it pours sabi nila. Naalala ko rin ang pamosong linya na binitawan ni Marian Rivera sa pelikulang You to Me are Everything na para sa akin ay tamang-tama para sa aming pagdiriwang.
"Kapag malakas ang ulan at wala kang payong, sumilong ka muna. Kung wala kang masisilungan, i-enjoy mo na lang ang ulan. Kasi, king hindi mo i-eenjoy ang ulan, nabasa ka na nga, mainit pa ang ulo mo."
Wala namang problema dahil naglagay naman ng malalaking tent ang mga organizer ng party. Kaya tuloy ang pagdiriwang. Salamat din sa social networking at unlimited na text service ng iba't-ibang mga telecommunications cmpany dahil mabilis na naikalat ang balita - tuloy pa din ang Christmas Party, rain or shine! Sa madaling-sabi, ang ulan ay isa na lamang karagdagang attraction at new experience para sa aming lahat.
Naging maganda naman ang layout ng venue. May mga wide screen din na naka-set-up sa mga strategic places sa buong venue para sa mga malalayo sa stage. Bottomless ang iced tea, beer at ang tubig-ulan^^; masama lang ang loob ko dahil naubusan ako ng ibang ulam, lalong sumama pa ang loob ko nang malaman ko na may mga nakaulit na kumain at ang iba ay naubusan, pero ibang usapan na lang yan.
Masaya ako at nakasama ko sa ibang setting ang ilan sa mga miyembro ng aming grupo. Minsan lang na ganito kaya dapat samantalahin ang pagkakataon. Kailangan ay may mga memories kaya naman walang humpay ang pagkuha sa mga larawan ng mga kasama ko. Narito ang ilan:

Tuloy ang mga programa, ang raffle, ang beer at kung ano-ano pa. Balewala ang ulan para sa amin ng mga oras na iyon. Enjoy lang. Oo nga pala, may mga kasama kami sa trabaho na mapalad na nakapagpapicture kasama ang mga top management ng AMDATEX, mga kaibigan, from the land we call Pandora, we give to you:
Ang picture na ito ay kuha sa profile ni April ng walang paalam :)
Para sa akin, short but sweet ang dumaan na Christmas Party. Short kasi late na nagsimula pero maagang natapos, sweet kasi kahit sandali lang ang naging salu-salo nag AMDATEX Family, kumpleto pa rin na maituturing ang event.
Bago ako umuwi ay gumawa pa ako ng eksena, iba talaga pag nalipasan ng gutom!
No comments:
Post a Comment