Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, December 12, 2011

The 35th Milo Marathon National Finals

December 11, 2011
Accomplices: Sophia Dela Rama, Alvin John Tolentino, Jacklyn Basto
Venue: SM Mall of Asia

Pagkatapos ng fun run na dinaluhan ko (9th Animo! Run) nitong dumaan na Linggo, nawalan ako ng pagkakataon na makasali sa 35th Milo Marathon National Finals. Bukod sa naulanan ako pagkatapos ng nasabing takbo noong nakaaang linggo, naulanan din ako kinagabihan ng parehong Linggo na iyon nang dumalo ako sa aming Christmas Party. Sa madaling-sabi, isang linggo na akong may sakit, ubo, sipon at kapag sinumpong pa ay lagnat. Isang linggo din akong walang gym time.

Pero hindi ito naging hadlang para manood ako at maging bahagi ng isa sa pinakamatagal na marathon sa bansa. Hindi man tatakbo, tumungo pa din ako sa SM Mall of Asia para maging saksi sa national finals. Iba pa din ang pakiramdam kasi kahit na hindi ka tatakbo, parang kasali ka na din makikita ninyo mamaya sa larawan ko sa ibaba.

Dahil walang baggage counter ang 5K, AKO (oo ako!) ang naging baggage counter ng aking mga kasama. Ayos lang. Hindi ito hadlang para makapaglibot ako at manood ng mga nangyayari sa paligid. Makalipas ang halos isang oras, nakabalik na ang mga may-ari ng baggage^^ Picture taking agad!







Pagkatapos magpahinga, nanood kami ng cheerdance para sa Elementary, High School at College categories. Nasaksihan ang awarding para sa iba't-ibang category sa national finals at nakita pa ang ilang mga dating kalahok sa Biggest Loser, nasaksihan din ang maikling interview kay Coach Rio Dela Cruz. Ang napili namin na kainan para sa agahan ay Mang Inasal (alam na!).

Naglibot ng kaunti, bumili ako ng libro, si Sophia naman ay bumili ng stuffed toy sa Blue Magic. Dapat sana ay bibili na ako ng Sandugo sandals dahil may promo sila na may free gift (t-shirt o kaya ay bag) at kasabay ng promo ng Toby's na body bag for only 49 pesos kapag umabot sa 2,000 pesos ang nabili mong item sa store nila. Pero bigo ako, hindi na ako nakalahok, wala pa yung mga gusto kong bilihin :(

Ayos lang masaya pa din. Ilang kuha pa sa mall bago kami umuwi.




Magpapagaling ako mula sa aking sakit dahil sa darating na Sabado ay tatakbo naman ako sa fun run ng Don Henrico's at sa Run for Change kinabukasan. Ang dalawang fun run na ito ang magsisilbing huling event ko para sa 2011.

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)