Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Tuesday, January 31, 2012

Definition of Tanga

TANGA / ta-'nga / (adj)

  • Taong ayaw magka-BF/BF pero nagrereklamong single.
  • Lalakeng mahilig mambabae tapos nagugulat pag ayaw pagkatiwalaan ng babae.
  • EX mong iniwan ka for unknown reason then biglang magpaparamdam ulit after some time.
  • Taong pilit na naghihintay sa taong wala naman balak bumalik.
  • Babaeng ilang beses na niloko pero di pa rin natuto.
  • Mag BF at GF na araw-araw nag-aaway pero hindi daw maghihiwalay.
  • At mga taong gusto naman ang isa’t isa pero ayaw naman mag-aminan.

Banat for the Day

Ang pag-ibig parang ulan. Minsan dahan-dahan, minsan mabilis. At higit sa lahat, kaya mong maramdaman pero hindi mo kayang pigilan ♥

Monday, January 30, 2012

Banat for the Day

Wala na sanang masasaktang puso, kung ang lahat ng tao marunong lang MAKUNTENTO.

Sa Mata at Sa Puso ng Isang Bata

Ang mga bata, makulit, malikot, iyakin at higit sa lahat inosente at mapagmahal ng walang kundisyon. Lahat naman tayo ay dumaan sa pagkabata. Ang isa sigurong pinakamalungkot na bahagi ng buhay natin ay yung nawala ang ating pagka-inosente, nung nawala ang ating pagkabata. Kaya para sa akin, ang tunay na sikreto ng pagiging masaya ng isang tao ay hindi yung marami kang kayamanan o marami kang ari-arian, kung hindi kahit papaano ay  may naitabi pa tayong kapirasong pagkabata sa puso natin. Sana ay matuto tayong magmahal ng kapwa natin ng walang kundisyon at sana mula sa araw na ito ay matutunan nating harapin ang buhay sa mata at sa puso ng isang bata.


Joke of The Day

Flash News!
Grabe yung nangyari doon sa jeep at truck na nagsalpukan sa hi-way. Kawawa yung mga pasahero, yung isa, duguang gumagapang papunta doon sa driver, sabay sabi ng "mama yung sukli ho ng bente"
:)

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Grace to the Finish Fundraiser Run

January 29, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Venue: Cuenca Community Park, Ayala Alabang

Running for a cause. Pagkatapos ng Get Fit 2012 Session 3 Sabado ng hapon, ako at ang mga kasama ko ay bumangon ng maaga, Linggo ng madaling-araw para sa isang fundraiser event. Ito ang Grace to the Finish Fundraiser Run. Ang beneficiary ay ang Singles Apostolate of St. James the Great Renewal Movement.

Kahit pagod mula sa fitness training, nakabangon ako ng maaga at agad na tumungo (pagkatapos mag-upload ng pictures mula sa Session 3^^) sa Jollibee Madrigal branch. Dito na kasi ang meeting point ng shuttle service patungo sa loob ng village (dahil hindi pwedeng pumasok ng basta-basta ang sinoman) Habang naghihintay naman ako, nag-quick (light) breakfast muna ako sa Jollibee. Ilang sandali pa at dumating na ang shuttle service at kaagad naman kaming naihatid sa venue.

Wala na kaming inaksayang oras. Picture-taking na kaagad. Hindi pa man nakakapagpalit ng running gear, nagawa na naming makapag-photo op sa kadahilanang maaga kaming dumating sa venue.
Narito ang ilang mga larawan bago magpalit ng running gears:






Pagkatapos ng sandaling pictorial, change costume na at pictorial na naman ulit! Nilubos na ang pagkakataon dahil hindi naman ganoon kadami ang mga tao at minsan lang kami makarami ng pictures. "Seize the day" sabi nga ng iba diyan.







Ilang sandali pa, nakursunadahan naman namin ang kinalalagyan ng hydration. Isang photoshoot din ang naganap sa may kinalalagyan ng Powerade.





Nagkaroon ng warm-ups sa pangunguna ng isang instructor mula sa Fitness First para sa 10K, 5K at 3K race categories. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ang pagtakbo ng mga kalahok. Masaya ang lahat, walang nasaktan habang tumatakbo at may ngiti ang bawat runner na tumawid sa finish line.

Ang aking official ranking at time:
Rank: 123 out of 185
Time: 00:43:53
Source: Grace to the Finish Fundraiser Run

I have finished the race, I have kept the faith. - 2 Timothy 4:6-8


Running for love


Sunday, January 29, 2012

Get Fit 2012 Session 3

January 28, 2012
Accomplice: John Paul Lipardo
Venue: Philsports - ULTRA, Track Oval

Eto na ulit! Sabado na naman! Sabog mula sa graveyard shift, ako, kasama si John Paul ay tumungo papunta sa Philsports - ULTRA, Track Oval para sa Get Fit 2012 Session 3. Mas masaya ngayon kasi, mas marami ang naging attendees. More attendees = More friends. Mukhang magiging maganda ang aming training session para sa ikatlong installment salamat sa HyperSports Philippines Inc.

Huwag na nating patagalin, basic fitness and running drills, basic fundamentals in sports training, general conditioning, injury prevention exercises, running techniques at socialization. Natututo ka na, may mga bago ka pang mga kaibigan.


Narito ang mga larawan ng nasabing Fitness Training para sa
"Get Fit 2012"na theme ngayong taon. Ang iba diyan ay kuha mula sa Facebook Fan Page ng HyperSports Philippines Inc.











Narito naman ang aming naging circuit training at stretching para sa session na ito, yung iba, hindi ko kinaya, nanibago ang katawan ko^^











Hindi rin mawawala ang final bonding moments bago matapos ang nasabing session. Narito ang resulta ng fitness training - naging camera-crazy kaming lahat. Salamat sa makabagong teknolohiya, madali na natin maiimortalize ang mga ganitong pagkakataon.







Pagkatapos ng aming training ay sumaglit kami ni John Paul sa SM Megamall para sa aming hapunan, ang napili naming kainan ay ang walang kamatayang langhap-sarap, all time favorite bubuyog fastfood - Jollibee. Kinailangan naming umuwi kaagad pagkatapos ng hapunan na ito dahil kami ay tatakbo pa kinabukasan ng madaling araw para sa Grace to the Finish Fundraiser Run.

Feeling Goalie (Feeling Lang)

Pagkatapos naming magpahinga, matapos ang aming 5K run para sa Grace to the Finish Fundraiser Run, ako ay nag-feeling goalie sa Cuenca Community Park, Ayala Alabang, may suot-suot pang gloves para kumpleto ang feeling :D



Pagbigyan na ninyo ako, minsan ko lang masolo ang field.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)