January 7, 2011
Jollibee Ortigas-Roosevelt
1:00pm to 3:00pm
Hectic. Ito ang salitang maaring makapag-bigay ng magandang pagsasalarawan ng aking January 7-8 weekend. Isa-isahin natin ang aking weekend agenda.
Sabado: Dadalo sa unang kaarawan ng aking pamangkin mula sa Singapore sa Jollibee Ortigas-Roosevelt. Ako ay manggagaling pa mula sa graveyard shift.
Linggo: Tatakbo sa unang fun run ngayong 2012, ang PSE Bull Run 2012 sa Bonifacio Global City, ilang sandali lang pagkatapos ng nasabing fun run ay didiretso naman ako sa opening ceremony ng 1st Sipat Basketball League at pagkatapos naman ay uuwi sa San Pedro upang dumalo sa isang binyagan.
Hectic!
Sa madaling-sabi, pagkatapos ng aking shift mula Biyernes ng gabi, ako ay tumulak na papuntang Ortigas. Mga alas-onse ako umalis sa Alabang. Tamang-tama lang ang dalawang oras na palugit. Hindi naman siguro ako maiipit sa traffic.
Hindi nga ako nahuli sa okasyon, sa katunayan, ako ang unang nakapirma sa Guest Log Book. Dahil maaga akong nakarating, maraming picture akong nakuha sa aking inaanak pero sa kasamaang-palad, ayaw niyang sumama sa akin. Kinailangan kong maging mapamaraan. Ito ang aking "desperate" move para magkaroon kami ng picture ng aking pamangkin.
Unti-unti na din nagsipagdatingan ang mga panauhin. Ako naman ay panay ang picture sa mga kung ano-anong bagay at iba pa. Narito ang ilan sa mga nakuha kong mga larawan ng aking pamangkin at ng kanyang Ate Kayla:
Narito pa ang ibang kuha sa paligid ng nakuhang activity area ng aking pinsan:
Papayag ba ako na walang picture kasama ang cake? Dapat mayroon :)
Ang proud parents, Daddy Marvin and Mommy Lalaine with Cedrick :)
Ang simula ng activities at mascot appearance:
Natural, hindi ako makakapayag na wala kaming picture ni Jollibee!
Sulit at Masaya! Ang dalawa pang salita na makakapaglawaran ng aking Sabado. Sulit dahil kahit pagod ako at puyat, nagkita ulit kami ng pinsan ko (matagal-tagal na din noong huli kaming nagkita ni Kuya Marvin, sa Singapore kasi siya nagtatrabaho kasama ang anyang pamilya). Nakita ko na din sa unang pagkakataon sa personal ang aking pamangkin na si Cedrick. Masaya dahil karamihan ng miyembro ng REAL at GIMENEZ family ay dumalo at sinuportahan ang nasabing unang kaarawan ni Cedrick.
Minsan ko lang makasama ang aking mga kamag-anak. Ang dalawang oras na nakalaan ay napasaya, minsan lang kaming magkasama-sama pero parang hindi kami matagal na hindi nagkikita. Iba talaga kapag kasama mo ang iyong pamilya.
"It's not the food, its the bonding." at "Happy moments are meaningless if you can't share them with those you love." Yan lang ang masasabi ko. Yan ang nagagawa ng "praying together" dahil kami ay "staying together". Lubos talagang pinagpala ang aming pamilya, salamat sa Diyos.
No comments:
Post a Comment