Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label Funny. Show all posts
Showing posts with label Funny. Show all posts

Monday, March 11, 2013

Mga Kadalasang Sinasabi ni Misis/GF at ang Kahulugan Nito!

Bawal po ang pikon :)

1. "Kailangan natin nga ganito!" = "Gusto ko ng ganito!"
2. "Bahala ka, desisyon mo yan!" = "Lintik ka, dapat alam mo kung kaninong desisyon ang masusunod!"
3. "Ahh gusto mo nito?!" = "Sige, ikaw bahala magbayad!"
4. "Hindi ako galit!" = "Tanga ka ba? Syempre galit ako!"
5. "Masyadong maliit ang kusina!" = "Gusto ko ng bagong bahay!"
6. "Gusto ko ng bagong kurtina!" = "Pati na rin ng bagong karpet, malaking TV at Aircon!"
7. "May naririnig akong ingay!" = "Ang lakas mo naman humilik!"
8. "Mahal mo ba ako?!" = "May gusto sana ako gamit kaso ang mahal!"
9. "Gaano mo ko kamahal?!" = "May nagawa ako na alam kong hindi mo magugustuhan!"
10. "Ready na ako, bigyan mo lang ako ng 5 minuto!" = "Bahala ka maghintay dyan, matulog ka muna kung gusto mo!"
11. "Mataba ba ako?!" = "Sabihin mo sa akin na maganda ako!"
12. "Nakikinig ka ba sakin?!" = "Bahala kang mapahamak dyan sa kagagawan mo!"
13. "Nagustuhan mo ba yung niluto ko?" = "Wala akong pakialam kung nagustuhan mo o hindi!"
14. "Si baby ba yung umiiyak?" = "Bumangon ka at palitan mo siya ng diaper!"
15. "Hindi ako sumisigaw!" = "Kailangan ko sumigaw para lang maunawaan mo!"
Source: Here

Funny Short Story - "Chat"

Magsyota nag-chachat sa FB:

GF: Bhe, di na ako magtatagal, log out na ako kasi nagagalit na si papa eh. Imumudmud daw niya ang mukha ko sa keyboard kung hindi pa ako mag-log-out ngayon.
BF: Aiiii bhe! gusto ko pang makipagchat sayo... :(
GF: Di na pwede bhe kasi imumudmud daw dsdflkjasd;lfjsdaklf; sdafksdljafbsadkljfhadslfa sdhkflsanfsadfnsa,fns;kdafnsdakljfsdakjlfs


Disclaimer: Not my original story, this is a re-post from Facebook.

Sunday, August 12, 2012

Mga Klase ng Sweldo


Sibuyas Na Sweldo: Kapag hinati-hati mo na sa gastusin… mapapaluha ka.

Pampapayat na Sweldo: Habang tumatagal pakonti ng pa konti ang natitirang pang kain mo.

Magic Sweldo: Konti kumpas lang ng kamay at, VOILA!... wala na siya.

Mala-bagyong Sweldo
: Di ka sigurado kung kailang ito darating at/o kung gaano ito tatagal.

Korning Pelikulang Sweldo: Tinatawanan mo na lang para di ka mabwisit!

Konserbatibong Sweldo: Nakakawala ng inspirasyon!

Baog na Sweldo: Kahit anong trabaho ang gawin mo wala pa ring kalalabasan ito.

Reglang Sweldo: Isang beses isang buwan lang dumating at tumatagal lang ng 3 araw.

Monday, June 18, 2012

Business Words, Translated :)

A young, good-looking representative from Laguna sponsored a bill recommending Filipino language be used in all levels of accounting firms and banking institutions. The solon claimed it will provide a better understanding of the business transactions for those who are inexperienced and non-English speaking citizens.

The bill received unanimous approval from the House and was presented to the President for signature to become the law of the land. But in spite of the overwhelming pressure from the members of the Congress, The President vetoed the bill.

Why? She found out that when the English "business" words are translated in Tagalog, they sound very malicious and are "nakaka-hiya at nakaka-kilabot!"

Here are a few sample words - English to Tagalog

Asset - Ari
Fixed asset - Nakatirik na ari
Liquid asset - Basang ari
Solid asset - Matigas na ari
Owned asset - Sariling pag aari
Other asset - Ari ng iba
False asset - Ari-ari-an
Miscellaneous asset - Iba-ibang klaseng ari
Asset write off - Pinutol na pagaari
Depreciation of asset - Laspag na pagaari
Fully depreciated asset - Laspag na laspag na pagaari
Earning asset - Tumutubong pagaari
Working asset - Ganado pa ang ari
Non-earning asset - Baldado na ang ari
Erroneous entry - Mali ang pagka-pasok
Double entry - Dalawang beses ipinasok
Multiple entry - Labas pasok nang labas pasok
Correcting entry - Itinama ang pagpasok
Reversing entry - Baligtad ang pagkakapasok
Dead asset - Patay na ang Ari
Hidden asset - Ikinukubling Ari
Declared asset - Ipinangangalandakan na Ari

Sunday, June 10, 2012

Kahit Saan Restaurant :)

MADALAS NA TANONG:
"Saan tayo kakain?"

PALAGING SAGOT:
"Kahit saan."
Kaya kapag ako yumaman, magtatayo talaga ako ng kainan at ang gagawin kong pangalan: "KAHIT SAAN RESTAURANT"

Tapos eto ang mga food choices/menu:

1. Kung Ano Sa Iyo, Ganun Na Rin Sa Akin
2. Kung Ano Masarap
3. Yung Mura Lang
4. Kahit Ano
5. Yung Di Pa Natin Natitikman
Source: WaGas

Monday, May 14, 2012

Cake (Coke), Anyone?

Sa susunod na birthday ko... ganito ang gusto kong cake :)


The Avengers Funny Scene

Still have traces of The AVENGERS hangover :)

Okay, people, the Hulk smashing Loki like a doll is one of the funniest scene I have ever seen in this movie.


Loki:
"I am a GOD, you green ugly creature... and I will not be bullied by you!"

Hulk:
(Smashes Loki at the floor a few times) "Puny God."

Sunday, May 13, 2012

Happy Mother's Day!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Inay:
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC:
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
“Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine.”

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!”

7. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo nauubos lahat ng pagkain mo!”

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“Walanghiya kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!”

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!”

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:
“Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

13. Si Inay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

14. At si Inay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:
“Balang araw magkakaroon ka rin ng anak…tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!”

Thursday, April 19, 2012

Mga Iba't-Ibang Klase ng Panliligaw!

1. Mr. Gwapings
– mayaman, gwapo, kilala..mataas ang confidence niya na hindi sya mababasted, kaya kapag nabasted... maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. Pwede nyang sabihing “Sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman siya!

2. Mr. Quickie
– ang uri ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kailan mo ba ako sasagutin?” o kaya “I love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. Kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
– linya nya ang “Sagutin mo lang ako, ibibigay ko sa iyo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” !@#$ ka na kapag nagpauto ka. Dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na niya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
– eto yung klase ng manliligaw na kapag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. Basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman niya.

5. Mr. Salesman
– dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang siya mas matindi mang-uto. Yun bang tipong... ”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo...” o kaya “ang kinis-kinis mo” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

6. Mr. Good Dog
– eto ang nakakatuwang manliligaw. Kasi payag siyang magpaalipin. Taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. Kahit magmukha siyang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. Nagpapakitang-gilas kung baga. Pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

7. Mr. Anonymous
– motto nya ang “action speaks louder than words”. Wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. Kaya pala ang bait-bait sa iyo. Eh akala mo mabait lang talaga.

8. Mr. Take it or leave it
– kapag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. At heto pa, hinding hindi ka na niya papansinin. Period.

9. Mr. Romantiko
– jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. Manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo,liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig siya ng nililigawan niya dahil sa kanyang “malinis na hangarin” awww!

10. Mr. Second chance
– siya ang pinakamasugid mong manliligaw. Kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na siyang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance

Anim na Uri ng Kasambahay

1. Obedient:
Nakahanda na po ako sir… ng pagkain.

2. Polite:
Luluhod na po ba ako sir… para ma bless ang food?

3. Careful:
Dahan-dahan naman po sir… baka mabasag ang plato.

4. Emo:
Ang sakit naman sir… ng sinabi ninyo.

5. Addict:
Ang sarap sir! Sige pa!… Sana, araw-araw ganito lagi ang ulam natin!

6. Concerned:
Bilisan mo sir. Darating na po si ma’am……Sigurado gutom na ‘yon!

Friday, April 13, 2012

Anong klaseng PAGKAIN ka?

Ang tao pwede ihalintulad sa pagkain. Kung hindi ka biniyayaan ng magagandang katangian na parang buffet (nandun na lahat), may mga kategorya pa din na siguradong pasok ka:

Pag HIPON ka, patapon ang mukha pero panalo ang katawan.

Kung LOLLIPOP ka, patapon ang katawan pero panalo ang mukha.

Kung patapon ang mukha at katawan mo, dapat BULALO ka - para panalo ang utak.

DURIAN ka naman kung may amoy ka, pero yummy naman.

Pero kung patapon na ang mukha, katawan at utak mo, maging BUKO ka na lang… Malinis ang kalooban.

Ngayong alam mo na… lumandi ayon sa kung anong pagkain ka.

Monday, March 26, 2012

Don't Worry, Be Happy :)

Laughter is an instant vacation!
-Milton Berle

Larawan kuha dito

Gusto ninyo ng "cheap vacation"?
Simulan na ninyong matutong tumawa :)

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Dito Tayo Sa "Mura" Ang Gas

Sa panahon na tumataas ang lahat ng presyo ng mga bilihin, dapat lamang na tayo ay maging practical. Sa larawang ito sa ibaba, ipinapakita ang pagiging practical lalo na sa pagpili ng gasolinahan :)

Larawan kuha mula dito
 
-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Wednesday, March 21, 2012

About Men and Women

Here is all you have to know about men and women:
Women are crazy. Men are stupid.

"And the main reason why women are crazy is that men are stupid."
-George Carlin

Monday, February 20, 2012

Beeda ang Saya and I'm Loving It!

"It's time to set our differences aside and move forward."
Nice to see these guys together :D


Can they stand together that long?
 

Para sa mga mahihilig sa Toblerone, eto ang sa inyo!

"Hindi ako kumakain ng tsitsirya, Toblerone ang kinakain ko."
-Kuya Jobert

Sunday, February 19, 2012

Superhero

Hindi pala ako pwedeng maging superhero.
Bukod kasi sa ikaw ang kahinaan ko, hindi pa ako makakalipad kasi parati akong NAHUHULOG sa iyo.
- Photo from magTXT.com FB fanpage, quote from  W a G a S FB fanpage


Saturday, February 18, 2012

The "Crush"

Yung feeling na inaasar ka nila sa crush mo tapos kunwari ayaw mo pero sa loob ganito ka na:


Sunday, February 12, 2012

5 Deadly Terms Used by a Woman

Fine. This is the word woman use to end an argument when she knows she is right and you need to shut-up.
Nothing. Means something and you need to be worried.
Go Ahead. This is a dare, not a permission, do not do it!
Whatever. A woman's way of saying "screw you".
That's Okay. She is thinking long and hard on how and when you will pay for your mistake.

Bonus Word:
Wow. This is not a compliment, she is amazed that one person could be so stupid.

From All Famous Quotes

Tuesday, January 31, 2012

Definition of Tanga

TANGA / ta-'nga / (adj)

  • Taong ayaw magka-BF/BF pero nagrereklamong single.
  • Lalakeng mahilig mambabae tapos nagugulat pag ayaw pagkatiwalaan ng babae.
  • EX mong iniwan ka for unknown reason then biglang magpaparamdam ulit after some time.
  • Taong pilit na naghihintay sa taong wala naman balak bumalik.
  • Babaeng ilang beses na niloko pero di pa rin natuto.
  • Mag BF at GF na araw-araw nag-aaway pero hindi daw maghihiwalay.
  • At mga taong gusto naman ang isa’t isa pero ayaw naman mag-aminan.

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)