January 22, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Joel Lemitares, Arjay Serico, Cathrina Serico
Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Accomplices: John Paul Lipardo, Joel Lemitares, Arjay Serico, Cathrina Serico
Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Galing sa Get Fit 2012 Session 2 Sabado ng hapon (na may tatlong oras na tulog lamang), ako at ang aking mga kasama ay tumungo sa Bonifacio Global City upang makilahok sa Timex Run 2012. Hindi ko alam kung matatapos ko ng maayos ang fun run na ito dahi sa nabanggit na Fitness Training.
Maaga kaming pumunta sa venue para makapaglibot at makapaghanda. Kasama ko sa unang pagkakataon ang "running couple" na kasama ko sa trabaho, sina Arjay at Cathrina.
Pagkarating sa venue, agad kaming nagpalit ng running apparel, hinanap ang baggage counter at hindi naman pwedeng mawala ang photo session!
Dahil maaga pa nga, nakasilip pa kami sa starting line ng 10k category. May ilang mga kuha ng mga 10k runners habang naghihintay ng gunstart.
Sumunod na ang aming category, dahil galing sa fitness training, ang nasabi ko na lang sa sarili ko ay "masaya na ako basta matapos ko lang ang takbo na ito", sinubukan ko pa din na tapusin ang race sa pinakamabilis na oras sa abot ng aking makakaya, hindi ako makakapayag na magtagal ako sa race.
Walang masyadong pahinga kung hindi ang paglakad. Nakapagpicture taking lang pagkatapos mag-sprint patungo sa 4km mark ng route. Narito ang ebidensiya:
Ilang sandali pa, narating namin ang finish line. Ang nakita ko sa timer pagtawid sa finish line ay 00:41:41, mas mabagal ng kaunti sa oras ko sa Go Natural Run 2012 (00:40:08) pero ayos lang, hindi naman gaanong malayo. Pagtawid sa finish line, dumiretso kami kaagad sa finishers area at naglibot kaagad sa race village.
Ang aking official ranking at time:
Rank: 917 out of 2240
Gun Time: 00:41:43
Chip Time: 00:41:18
@3.01Km mark: 00:23:48
Source: RunRio
Narito naman ang ilang kuha sa mga booth sa race village:
Narito naman ang ilang mga larawan habang naglilibot sa race village:
Hindi nagtagal, nagkita-kita na ulit kami ng mga kasama ko, nagpahinga ng kaunti, nagpalit ng damit at nagtungo sa boutuque ng Runnr, para sa kanilang Raceday Giveaways para sa mga mga participants ng Timex Run 2012. Kailangan lang na mauna ang aming grupo dahil para sa first 100 participants lang ang pick-a-prize.
Narito ang mga napanalunan namin:
John Paul - Runnr Lanyard
Joel - 200 pesos na Gift Check
Arjay - 2012 Toby's calendar
Cath - Runnr Race Visor
Yours Truly - Runnr Socks
Pagkatapos ng pick-a-prize, kami ay nag-agahan na at ang napili naming kainan ay walang iba kung hindi - sa Jollibee. Pagod, busog at masaya. Parang nasobrahan nga lang ako nagayong linggong ito, kailangan ko siguro munang magpahinga... kahit isang araw lang.
Dagdag na picture mula kay Running Berto (salamat sa pictures):
Salamat at natapos ko kahit kaunti lang ang tulog at pagod pa sa ibang activities :)
Running for Love ♥
1 comment:
wahhh.. Isa lang Picture kohh... :(me
Post a Comment