Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label Festival Mall. Show all posts
Showing posts with label Festival Mall. Show all posts

Monday, December 5, 2011

AMDATEX Christmas Party 2011

December 4, 2011
AMDATEX Family
Festival Mall Alabang

Hindi naging hadlang ang pabugso-bugsong pag ulan buong araw ng Linggo. Bagama't naurong ng kaunti ang schedule, tuloy pa din ang pagdaraos ng aming taunang Christmas Party. Kahit papaano ay naiba naman ang ambiance dahil ngayon ay may kasamang ulan ang aming celebration. Para sa akin, ang ulan ay sumisimbolo ng
BLESSINGS! When it rains, it pours sabi nila. Naalala ko rin ang pamosong linya na binitawan ni Marian Rivera sa pelikulang You to Me are Everything na para sa akin ay tamang-tama para sa aming pagdiriwang.

"Kapag malakas ang ulan at wala kang payong, sumilong ka muna. Kung wala kang masisilungan, i-enjoy mo na lang ang ulan. Kasi, king hindi mo i-eenjoy ang ulan, nabasa ka na nga, mainit pa ang ulo mo."

Wala namang problema dahil naglagay naman ng malalaking tent ang mga organizer ng party. Kaya tuloy ang pagdiriwang. Salamat din sa social networking at unlimited na text service ng iba't-ibang mga telecommunications cmpany dahil mabilis na naikalat ang balita - tuloy pa din ang Christmas Party, rain or shine! Sa madaling-sabi, ang ulan ay isa na lamang karagdagang attraction at new experience para sa aming lahat.

Naging maganda naman ang layout ng venue. May mga wide screen din na naka-set-up sa mga strategic places sa buong venue para sa mga malalayo sa stage. Bottomless ang iced tea, beer at ang tubig-ulan^^; masama lang ang loob ko dahil naubusan ako ng ibang ulam, lalong sumama pa ang loob ko nang malaman ko na may mga nakaulit na kumain at ang iba ay naubusan, pero ibang usapan na lang yan.


Masaya ako at nakasama ko sa ibang setting ang ilan sa mga miyembro ng aming grupo. Minsan lang na ganito kaya dapat samantalahin ang pagkakataon. Kailangan ay may mga memories kaya naman walang humpay ang pagkuha sa mga larawan ng mga kasama ko. Narito ang ilan:






























Tuloy ang mga programa, ang raffle, ang beer at kung ano-ano pa. Balewala ang ulan para sa amin ng mga oras na iyon. Enjoy lang. Oo nga pala, may mga kasama kami sa trabaho na mapalad na nakapagpapicture kasama ang mga top management ng AMDATEX, mga kaibigan, from the land we call Pandora, we give to you:

Ang picture na ito ay kuha sa profile ni April ng walang paalam :)

Para sa akin, short but sweet ang dumaan na Christmas Party. Short kasi late na nagsimula pero maagang natapos, sweet kasi kahit sandali lang ang naging salu-salo nag AMDATEX Family, kumpleto pa rin na maituturing ang event.

Bago ako umuwi ay gumawa pa ako ng eksena, iba talaga pag nalipasan ng gutom!



Sunday, December 4, 2011

The Partial Make-Over

December 3, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Janice Genon, Mylene Villanueva, Sophia Dela Rama
Venue: Festival Mall, Alabang

Pagkatapos ng Friday night shift, "nagpresinta" ang ilan kong mga kasama sa trabaho na ako ay kanilang i-"make-over". Ako kasi ang tipong masaya na sa isang t-shirt, pantalon at rubber shoes. Sa pagkakataong ito, hindi sila pumayag na ako ay magmukhang isang "regular" o "commoner". Hindi ko alam kung matutuwa ako pero sige na nga lang, pagbigyan ang hilig.

Ang napiling mall: Festival Mall sa Alabang. Sayang ang long sleeves sa Solo, may humor pa naman ni Larry Alcala. Kaya lang XL ang pinakamalaking size nila. Parang mapupunit kasi ang damit kapag sinuot ko. Ang ending, Penshoppe sa pang itaas. Human sa pantalon. Pizza Hut sa quick fix, Master Siomai para sa panulak, nagsolo kasi sa Chic-Boy ang mga bruha.

Ilang mga kuha sa Penshoppe at Human. Pasintabi na lang po!




























Pagkatapos nila na ako ay bihisan, sumaglit si Sophia sa Herbench, at ako naman ay dumaan sa Nike Park para dalawin ang aking kaibigan. Pagkatapos ay nagtingin sa iba't-ibang boutique para sa kanilang mga outfit naman. Ang sumunod na napiling mave-over moment ay kay Charlie Kate.

Nandito ang ilang mga kuha (pasintabi po ulit^^):









Natapos na kaming maglibot pasado alas-dose na! Kailangan ko pang magpahinga dahil tatakbo pa ako sa 9th Animo! Run sa CCP Complex, linggo ng umaga at pagkatapos ay dadalo naman sa Christmas Party bandang hapon. Hectic pero, "Ganun Talaga!"

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at ang iba pa sa amin ay may pasok kinagabhan. Isa na namang productive Saturday para sa akin! Sana ay maging happy ang buong weekend ko :)

Maraming salamat nga pala sa Pinoy Fitness para sa tech shirt ko^^

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)