Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label Resorts World. Show all posts
Showing posts with label Resorts World. Show all posts

Monday, January 16, 2012

Go Natural Run 2012 - A Run for Early Child Diabetes Education

January 15, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Jayson Agustin
Venue: Bonifacio Global City, Taguig

Ang unang fun run ng RunRio para sa 2012! Isang run for  Early Child Diabetes Education sa tulong ng Nattural Quality Corporation (sila ang manufacturer ng Slenda, Enduranz, Renalin at Ampalaya Plus).

Maaga kaming nakarating sa Bonifacio Global City dahil kukunin pa namin ang aming Advocacy Shirt at Baller ID.




Pagkatapos makuha ang dapat makuha, naghanda na kami para sa pagtakbo. Change costume na kami bago tumungo sa baggage counter. Pagkatapos naming maghanda habang papunta sa baggage counter, nakita namin si Coach Rio Dela Cruz na nasa harap lang ng Riovana. Maagang nagbukas ang nasabing sports outlet para sa gaganaping event at sa mga hahabol pa na magrerehistro. Dahil minsan lang ang close encounter kay Coach Rio, sinamantala namin na magpapicture kasama siya (minsan lang ito, kailangan maging oportunista!).




Pagkatapos ng photo-op kasama si Coach Rio, isa-isa na kaming tumakbo. Nauna ang 21k, sumunod ang 10k, 5k at 3k categories. Sa 5k category ako tumakbo. Walang pang isang oras ay natapos ko ang aking napiling category at agad na tumungo sa finisher's area para makuha ang finisher's kit at makapaglibot sa race village.


Ang aking official ranking at time:
Rank: 523 out of 1361
Gun Time: 00:40:14
Chip Time: 00:40:08
@4km mark: 00:30:42

Naging maganda ang panahon, dahil isa ang Resorts World sa mga sponsor, nagkaroon ng live band performance ng isa sa mga regular na banda na tumutugtog sa kanila habang hinihintay ang ibang runners na makatapos.




Habang may live band, minabuti ko na maglibot sa race village habang hinihintay ang iba pang mga kasama. Narito ang mga sponsor booths sa nasabing race village (salamat sa "UNLI"-banana):












At kami nga ay nagkita-kita na ulit. Naglibot pa ng kaunti at pagkatapos ay photo-op sa giant Gardenia Wheat Bread at sa mascot ng Resorts World.





Eto pa... :)





Mayroon din na celebrity sightings... Runners/TV Hosts Drew Arellano and Rovilson Fernandez (Photo from Angelo's Photography fan page, nice shots Angelo!). Narinig ko din na kasama sa mga celebrity na tumakbo si Kuya Kim (Atienza) kaya lang hindi ko pa ito na-confirm.




Oo nga pala, isa din ako sa mga nanalo sa raffle. Ang aking napanalunan ay isang Overnight Stay for Two (2) sa Remington Hotel. Parang signs na ito... mukhang magiging maganda ang taong 2012 para sa akin... tatlong panalo sa isang araw (sa instant prize sa 7-11 bago pumunta sa fun run, ang overnight stay sa hotel at ang unang panalo ng aming basketball team kinahapunan)... Overnight Stay for Two... magkakagirlfriend na ba ako? ^_^



Masaya, inspiring at higit sa lahat, iba talaga ang pakiramdam kapag "you are a part of something"... sabi nga ng iba. Ito lang naman ang mahalaga, ang maramdaman mo kung gaano kasaya mabuhay :)

Running for love

Monday, December 5, 2011

9th Animo! Run

December 4, 2011
Accomplice: John Paul Lipardo (bad day)
Venue: CCP Complex Grounds

Isang fun run bago dumalo ng Christmas Party. Hindi na masama. OK sana sa simula kaya lang umulan kinalaunan. Simulan natin ang kwento. Akala namin ay late na kami. Mas late pa pala ang mga organizers! Idagdag pa natin ang bad day ni John Paul (nawalan ng cellphone sa taxi). Para sa akin, blessing pa din, kasi sabi nga nila, kapag may kinuha sa iyo si Lord, may kapalit daw iyon na mas maganda :)


21K category si John Paul, 3K naman ako, warm up lang para sa Christmas Party. OK na sana eh, kaya lang, late nga ang mga organizers.


Nagkaroon pa tuloy kami ng time para magpalagay ng
Bodivance sa legs at makapag sign-up para sa free membership sa Resorts World. Ilang mga kuha habang naghihintay ng gunstart.





Naiintriga ako sa pakana ng Smart. Namigay ng mansanas. May aabangan tayong lahat sa December 16, 2011. Mukhang maglalabas sila ng reasonably-priced na plan para sa bagong iPhone4S.


At nagsimula na nga. Nauna ang 21K, sumunod ang 10K, 5K at 3K categories.


Narito ang ilang mga kuha bago magsimula at habang tumatakbo.











First time ko na tumakbo sa flyover. Ang sarap pala ng pakiramdam. Masakit sa legs pero iba ang pakiramdam pagkatapos mong mabuo ang pagpunta at pabalik sa nasabing flyover. Kaya lang, pakiramdam ko ay hindi buong 3K ang tinakbo ko, parang ang bilis ko kasi natapos ang route o talaga lang excited na ako matapos kaagad ang race kasi gusto ko na pumila sa mga sponsor booths.

Dahil maaga natapos, sinubukan kong kuhanan ng larawan ang mga tumataiwd ng finish line. Narito ang ilan sa mga nakuhanan ko ng larawan.











Dahil maaga natapos, nakapila ako sa mga sponsor booths -
Alaska, Chips Delight, Chikka (na nagpa-raffle ng isang Samsung Galaxy Y). Habang ginaganap ang awarding ay siya namang pagbuhos ng ulan, ulan na magtutuloy-tuloy pala hanggang sa kinagabihan kaya naman naantala ang aming Christmas Party. Pagkatapos ng event ay, pinili namin na mag-agahan sa Tropical Hut (ang pinakamalapit na fast food) sa Star City habang naghihintay sa pagbubukas ng SM Mall of Asia. Kailangan na mai-report kaagad ang nawawalang cellphone dahil naka-line ito.



Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)