December 25, 2011
Robinson Homes, Antipolo City
Ngayong taon, pumatak sa araw ng Linggo ang pasko. May ilang nagsasabi na maganda dahil weekend ito pumatak, may ilan ding nagsasabi na sana ay Lunes na lang para "long weekend". Para sa aming mga nagtatrabaho sa mga outsourcing companies, masaya na kami na may "time-off" kami dahil ang totoong holiday namin ay alinsunod lamang sa mga U.S. Holidays.
Kaya naman hindi ko maaaring palagpasin ang pagkakataon na makasama ko ang aking pamilya at kamag-anak. Kahit hapon na ako nakauwi sa Antipolo, sulit pa din ang ilang oras na nakasama ko ang Real Family.
Masaya. Matagal na din kasi nang huli ko sila makita. Kaya naman sinulit ko ang aking bisita. Picture - taking, parlor games at bonding sa pagkain. Life's simple joys. Totoo nga, hindi natin kailangan ng maraming bagay para maging masaya, ang kailangan natin ay pahalagahan ang mga bagay na kung anong mayroon tayo. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay, ang ating mundong tinitirahan ay "mature" na. Walang kasiguraduhan ang ating kinabukasan kung totoo malapit nang magunaw ang mundo hindi ba dapat mas maganda kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay bago mangyari ang lahat ng ito?
Ang sabi nga, a picture is worth a thousand words. Sana lang makaimbento din ng camera na kayang makuha ang ating mga emosyon sa mga sandaling tulad ng ganito.
Masaya kaming bumalik sa Maynila, hatinggabi na nakadating ng bahay. Sulit. Mabuti na lang at wala akong pasok Lunes ng gabi. Makakapagpahinga ako. Magiging masaya din ang susunod na tatlong linggo para sa aming pamilya. Darating ang aming pamangkin mula sa Singapore para magdiwang ng kanyang unang kaarawan, sunod na linggo naman ay dadayo kami ng Bulacan para masaksihan ang house blessing ng aming pinsan. Sa Pebrero naman ay ang kaarawan ng aming minamahal na Lola :)