Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, October 31, 2011

Para sa mga Taong Maagang Pinaghahandaan ang Christmas

Bukas November na, ibig sabihin, as of this writing, mayroon na lamang 56 days bago mag-Pasko. Napapansin ko din sa aking paligid na nagsisimula na ang mga kasama ko sa trabaho na magkaroon ng exchange gift session twing dadaan ang sahod. Tamang-tama naman na nakita ko ang old picture na ito, napapanahon sa ganitong season!


Saan ka pa? May pambalot ka na ng regalo, may laughtrip ka pa nang panandalian. Dito lang yan, malapit sa may amin, kung interested kayo, sabihin ko sa inyo kung saan. Tandaan natin, "Happiness is by choice, not by circumstances." Natutunan ko yan kay Pastor Joel Osteen.

Ayaw ko mag-post ng nakakatakot, kasi takot din ako, kaya ito na lang :D

Banat for the Day

Don’t argue with idiots... They will bring you down to their level and beat you with experience.

Banat for the Day

Why am I afraid to lose you when you are not mine to begin with?

Sunday, October 30, 2011

Joke of The Day

PEDRO: marunong ka bang gumamit ng impernet exploder?
JUAN: hindi yun impernet exploder.
PEDRO: ano?
JUAN: BOOGLE THRONE!
-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Rated PG (Patay-Gutom) The 15th Wave

October 30, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Paul Biduya, Analaine Ogayon, Janice Genon, Mylene Villanueva, Jose Davila III, Aphol Francisco, Jeromy Nakamura
Venue: Chic-Boy Molito

At natapos na naman ang isang episode ng "rare" weekend coverage namin. Sa pagkakatanda ko, ang huling weekend coverage namin (Monday to Friday nights lang kasi ang regular naming pasok) ay noong May 22, 2011 pa, bumanat pa kami ng dalawang order ng malaking pizza.


Napagkasunduan namin na mag HEAVY breakfast sa Chic-Boy Molito, isang sakay lang ng jeep mula sa aming office. Pagdating namin ay hindi na namin pinatagal, order kaagad, tapos ay humanap na ng pwesto.


Habang naghihintay ng order, hindi pwedeng walang mga souvenir shots. Palagi ko naman dala ang aking mahiwagang DigiCam kaya ready to shoot tayo sa mga pagkakataong ganito. Ang mga kuha habang naghihintay ng order:











At dumating na nga ang aming order! Hindi na din namin pinatagal at pagkalapag pa lang ng mga kanya-kanyang order, binanatan na namin kaagad. Yan ang nangyayari kapag nalilipasan ng breakmode at napagsarahan ng canteen. Ilang mga kuha habang nag-eenjoy sa Rated PG moment:







Oo nga pala, naging mas masaya ang aming agahan dahil may nag order ng CB-7. May sarili din siyang Unlimited Rice.




Natapos na din ang aming agahan. Hindi naman din kami papayag na walang souvenir shots pagkatapos ng matinding bakabakan sa ibabaw ng hapag-kainan.





Dahil 1st Anniversary ng Chic-Boy sa Molito, kailangan may souvenir shot din kami sa may harap ng restaurant. Magpapahuli ba kami?





SInabi ko na ito sa mga nakaraang blog entry ko at sasabihin ko nang paulit-ulit pa - "It's not the food, it's the bonding." Masaya ako at nakasabay kong mag-agahan ang mga kasama ko sa trabaho, hindi ko naman kasi sila madalas na nakakasabay na mag-break sa office.

Saturday, October 29, 2011

Banat for the Day

Kalimutan ang NAKARAAN na nagpaiyak sa iyo, mas bigyan mo ng pansin ang KASALUKUYAN na nagpapakumpleto ng NGITI mo.

Friday, October 28, 2011

Plastik

PLASTIK
(plas-tik; puh-lus-tik)

Bagay:
- nakakasira ng ozone layer
- nakakabara sa kanal
- cancerous ang ibang chemicals na ginamit dito
- inaabot ng napakaraming taon bago madispose

Tao:
- close kayo kapag magkaharap kayo, pero pagtalikod mo panay paninira ang aabutin mo
- mga mahilig mang-head-to-toe
- mga ngiting-aso
- lalapit lang sa iyo kapag may kailangan
- manggagamit
- walang magandang maidudulot kung hindi gulo
- higit sa lahat: "hindi mo sila kayang burahin sa mundo pero, pwedeng-pwede mo silang iwasan"

Banat for the Day

Aminin mo, kapag andyan si CRUSH pinipigilan ang kilig pero kapag wala na wagas kung makahampas sa mga taong nasa paligid.

Monday, October 24, 2011

Adidas King of the Road 2011 Race Day

October 23, 2011
Accomplices: Joel Lemitares, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Venue: Bonifacio Global City, Taguig

Isang linggo matapos ang Nike We Run Manila 2011, nandito na naman kami sa Bonifacio Global City para lumahok sa Adidas King of the Road 2011. Ngayon ay nakarating kami ng maaga, hindi tuad noong nakaraang OctobeRun 2011. Dahil maaga, nakapaglibot pa kami at nakapag-survey sa layout ng activity area. May maagang feebie pa kami - isang bandana. Mga kuha pagdating sa location at habang naghihintay ng gunstart:















Dahil 21K ang tatakbuhin ni John Paul, nauna na siya. Naiwan kaming dalawa ni Joel na magkasama. Hindi rin nagtagal, pagkatapos ng warm-up ay nagsimula na din kaming tumakbo. Diretso ang takbo namin ni Joel sa unang Km. hanggang ang naging pacing na din namin ay walk-jog-run sa huling dalawang Km. napakagandang pagmasdan ang iba't-ibang kulay ng singlet na halos sabay-sabay na tumatakbo/naglalakad sa Bonifacio Global City. As usual, hindi pa din maiiwasan ang kalat lalo na sa hydration.























At nakatawid na kami ni Joel sa finish line, ang unofficial time based sa digital clock ay mag 45minutes, more or less. Dumiretso kami ni Joel sa finisher's area para sa loot bag at finisher's medal. Pagkatapos noon ay diretso na sa activity area para naman makadalaw sa iba't-ibang sponsor booths. Hindi namin pinalampas ang Pinoy Fitness booth.











Oo nga pala, nanalao si Joel ng Rudy Project na relo. Eto ang patunay (what a lucky son of a gun!) at ang iba pang pictures ng sponsor booths:


























Official results galing sa mga link na ito:

At ang aming mga resulta:
June Real (Overall 5k)
00:44:23 (Chip Time)
@3km 00:25:54
Category: Male Open
Rank: 2049
Bib#: 251


Joel Lemitares (Overall 5k)
00:44:25 (Chip Time)
@3km 00:25:55
Category: Male Open
Rank: 2051
Bib#: 453


John Paul Lipardo
(Overall 21k)
02:35:58 (Chip Time)
@13.4km 01:33:09
@19.3km 02:21:05
Category: Male Open
Rank: 1396
Bib#: 9537


My first medal, sana masundan pa:



Ano na ba ang susunod? Aakyat daw kami ng bundok next week, Adobo Run sana sa MoA, tapos pagpasok ng November, Energizer Night Race, Power Run, Run United 3, Takbo Para sa Pasig or Nathan Ridge Run at HSBC Anniversary Fun Run.

Takbo lang ng takbo hanggang may lupa :)

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)