October 15, 2011
Accomplices: Paul Biduya, Racheal Rivera, Joel Lemitares, Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Accomplices: Paul Biduya, Racheal Rivera, Joel Lemitares, Alvin John Tolentino, Sophia Dela Rama, John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla
Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Dumating na ang araw na pinakahihintay aming lahat. Saturday, October 15, 2011, sabay-sabay na tatakbo ang nasa 8,000 na tao para sa Nike We Run Manila 2011 event. Kaunti lang ang tulog (bukod sa isa diyan, oo ikaw yun John Paul!) dahil galing sa graveyard shift, masigla naming tinungo ang event.
Sa Starmall sa Alabang ang meeting place namin, 2:30pm ang usapan pero dumating ako ng 3:00pm; nakakain na silang lahat sa Jollibee kaya naman pagdating ko ay nag take-out na lang ako. Dahil mahaba ang pila, sa KFC na lang ako nag take-out.
Pagkatapos kong mag take-out, sumakay na kami ng bus papuntang Ayala. Hindi naman nagtagal ang bihaye, sa loob ng mga kalahating oras, nasa Ayala na kami. Sumunod naman ay ang pila sa terminal ng bus papuntang Bonifacio Global City. Habang naghihintay ng bus, picture taking muna.
Pagdating sa Bonifacio Global City, tinungo namin kaagad ang baggage counter para iwanan ang mga bag namin at makpaghanda na sa 10K run. Pagkatapos naming maideposito ang gamit sa baggage counter, pumila muna kami sa portalets. Box office! Yan lang ang masasabi ko. Napakahaba ng pila sa mga portalet.
Pagkatapos ng mga preparations, diretso na kami sa starting line. Napakarming tao! Dahil medyo late na kami, nahirapan kami sa pagsingit pero mga 3 minutes after ng gun start, nakahanay na din kami sa mga runners. Mga kuha bago kami tumungo sa starting line.

Eto naman ang sinasabi kong madaming tao. Paint the town orange. Nagbibiruan pa nga kami habang papunta sa starting line, parang may campaign si Manny Villar sa Bonifacio Global City.
Nakasingit na din kami! Siksikan pero enjoy pa din. Masarap sa mata na ang nakikit mo sa harap mo ay puro kulay orange, pati ang nakakasalubong mo. Masaya dahil kasama mong tumakbo ang mga kaibigan mo.
Eto naman ang magandang tanawin. Paint the town orange. Mabuhay runners, we have shown unity yesterday, October 15, 2011.
Inabot na kami ng dilim noong natapos namin ang run. Pagod pero masaya. Nilakad ko na lang ang huling 3km dahil bukod sa madilim na (baka madapa ako) iniiwasan ko ang risk ng injury (madami pa akong naka-line-up na event hanggang November). Natapos ko ang run at dahil naka link sa Facebook at Twitter accounts ko ang result publishing, naipost kaagad online ang resulta. May mali pa nga kasi sa Female ako classified.
Sana sa Adidas King of the Road 2011 event sa October 23, nasa tamang category na ako.
Update (10/20/2011):
Tama nga ang hinala ko! Nasa maling category ako at mali ang time ko. Mabuti na lang at available na ang official (sana) na race results tingnan natin:
Paul Biduya
Paul Biduya
01:36:56.39
Category: Men >25
Rank: 2662
Bib#: 28847
Joel Lemitares
01:36:57.39
Category: Men >25
Rank: 2663
Bib#: 30336
John Paul Lipardo
01:39:15.20
Category: Men >25
Rank: 2757
Bib#: 30286
June Real
01:48:42.90
Category: Men >25
Rank: 3002
Bib#: 32281
Alvin John Tolentino
01:43:41.67
Category: Men <25
Rank: 858
Bib#: 32522
Liezel Hermedilla
01:39:15.39
Category: Women <25
Rank: 346
Bib#: 36672
Sophia De La Rama
01:43:41.43
Category: Women <25
Rank: 411
Bib#: 37944
Nagkita-kita kami sa lugar malapit sa baggage counter, pahinga ng kaunti, palit ng damit ang iba tapos nood na ng concert sa race village.
ChicoSci, Sandwich at Parokya ni Edgar. Itong mga bandang ito lang naman ang nagsara ng event. Priceless ang experience na ito para sa akin. Tumakbo ng 10k kasama ang mga kaibigan, nakapanood ng tatlong pinoy bands, umuwi ng masaya. Wala ka nang hahanapin pa. Balewala ang pagod at puyat (dahil galing sa graveyard shift, isa lang naman diyan ang nakapagpakudisyon, oo John Paul, ikaw pa din ang tinutukoy ko!)
Ang mga kuha sa ibaba ay hindi galing sa camera ko, galing ito sa Facebook page na http://www.facebook.com/NikeRunningPH
Mukhang mas lalong mapapadalas ang pagsama ko sa mga ganitong event. Next Sunday, Adidas King of the Road 2011 naman.
No comments:
Post a Comment