October 11, 2011
Accomplices: Paul Biduya, Joel Lemitares, Sophia Dela Rama, Joseph Navarro, John Paul Lipardo

Venue: Bonifacio Global City, Taguig
Pagkatapos ng Monday night shift, tumungao ang grupo namin sa Bonifacio Global City sa Taguig para kunin ang race kits para sa Nike We Run Manila 2011. Mga 9:00am kami umalis mula sa trabaho, mga 10:30am naman ang dating namin sa Bonifacio Global City. 12:00pm pa ang start ng claiming ng race kits para sa nasabing Fun Run. Kaya naman October 11, 2011 ang pinili naming date ay para isabay na din ang pag-claim ng race kit para sa Adidas King of the Road 2011. Ang Nike event ay gaganapin sa October 15, 2011 habang ang sa Adidas naman ay sa October 23, 2011. Tamang-tama. Isang beses lang kami pupunta sa BGC para kunin ang race kits.
11:00am, nagbukas ang NBC Tent para sa mga runners ng Adidas King of the Road 2011 event. Ang claiming ng race kits para sa Nike We Run Manila 2011 ay sa harap mismo ng Nike Park sa BGC. Kinuha ang race kit para sa Adidas, nagpahinga sandali habang nakikinig sa isang running clinic at pagsapit ng 12:00pm, tumulak na kami sa Nike Park para kunin naman ang race kits na gagamitin sa October 15, 2011.
Mahaba ang pila, mainit ang klima na hindi mo maintindihan kasi baka umulan naman ng malakas anytime. Nagkaroon ng comparison, airconditioned sa NBC Tent, sa harap ng Nike Park, open area lang. May mga 30-45 minutes din kaming pumila, pero masasabi ko na worth it pa din ang ipinaghintay namin.
Sa binayaran namin para sa Buddy Run na 1,300.00Php (for 2 runners), hindi na masama ang Nike Dri-Fit na Running Shirt, Nike Water Bottle (650ml) kasama pa ang isang reusable na bag. Ang finisher reward ay isang 2Gb na USB Shoe.

Eto yung USB Shoe (picture galing sa RunRio site):
Balewala ang pagod at puyat namin dahil sa mga nasaksihan namin. Hindi na baleng kulang sa tulog sa araw na iyon, ang mahalaga ay naka-experience kami ng isang event na katulad nito. Narito ang ilang mga pictures pagkatapos naming makuha ang race kits namin.

Ready na kami para sa Nike We Run Manila 2011 wala nang makakapigil pa! Pagkatapos namin mag claim ng race kit, tumungo na kami sa Market! Market! para kumain ng late na tanghalian. Mga 1:30pm na kami umalis sa claiming area at mga 2:00pm naman kami nakakuha ng pwesto sa Tokyo! Tokyo! para kumain. 3:30pm na kami nakabalik sa Alabang. Karamihan din sa amin ay pumasok pa ng 10:00pm kinagabihan. Wasak!
No comments:
Post a Comment