Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, October 17, 2011

OctobeRun 2011

Date: October 9, 2011
Place: Bonifacio Global City, Taguig
Accomplice: John Paul Lipardo

Late post! Samalat sa isang EPIC FAIL na Internet connection last week, lahat ng naitype ko at naiupload ko na pictures para sa post na ito ay nawala! Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng free time para subukan na ibalik ang dapat na naka-post na noong isang linggo pa!

Simulan na natin. Sunday ng madaling-araw, tama lang ang oras namin pagdating sa Alabang. Ang problema, ginawang terminal ng bus na sinasakyan namin ang gasolinahan bago lumabas ng tollgate. Hindi na ako nakapag-light breakfast dahil gusto namin na maaga makarating sa venue, wala namang malipatan na bus na diretso sa Ayala. Ang ending - LATE! Late si John Paul para sa 21K run ng mga 15 minutes! Mabuti na lang sa 5K ako :)

Mabuti na lang din, nahila ako nung sabado ng umaga na mag-HEAVY breakfast sa Army Navy sa may Westgate Alabang. Solid yung kinain ko. Pwede na din tumakbo para sa 5K.

Mga 5:35am ang start ng race para sa 5K. Medyo madilim pa pero okay naman, kita pa din ang tatakbuhan. Narito ang ilang mga kuha ng early stages ng run:








Pagkaraan ng ilang mga sandali, may blessing na dumating. UMULAN! Hindi lang basta simpleng ulan, yung masarap na ulan, hindi malakas pero mababasa ka mga ilang sandali lang. Inabot ako ng ulan sa may simbahan. May mga runner na sumilong muna sa simbahan para magpatila ng ulan. Hindi ko na magawang sumilong. Nag-enjoy na lang akong tumakbo sa ulan. Tamang-tama, unang official race ng bagong sapatos ko, unang beses ko din na tumakbo sa ulan sa isang official na race. Sayang nga lang at hindi nagtagal ang ulan. Mga pictures pagkatapos kaming basain ng ulan:







Hindi rin nagtagal, natapos ko ang 5K run. Hindi naman gaanong nakakapagod salamat sa ulan. Nagulat ako dahil pagdaan ko mismo sa finish line ay iniabot na sa akin ang loot bag. May bonus singlet salamat sa Pocari Sweat syempre kasama na din ang isang bote ng Pocari Sweat, raisin wheat bread, isang energy bar mula sa Lemon Square at isang saging! Nabawi ang pagod ko. Eto naman ang official time ko mula sa site:


Not bad. Hindi nalalayo sa PR ko na
00:45:17 sa Run 4 Life noong May 15, 2011. Dapat ma-beat ko naman ito sa October 23, sa Adidas King of the Road 2011. May mga mahigit isang oras ko din na hinintay si John Paul na sa 21K tumakbo. Habang naghihintay, naglibot muna ako sa "Race Village" sa mga sponsor booths. Nakakuha ako ng maraming Lemon Square energy bars, yung mga peanut ang flavor ibinigay ko kay John Paul.

Hindi rin naman ako nagpahuli sa booth ng Rogin-E. Pabalik-balik ako sa booth at nagpapakita sa iba't-ibang mga bantay para bawat balik ko ay may free vitamins ako. Tagumpay naman ako. Madami akong nakuhang vitamins tulad ng sabooth ng Lemon Square, madami din akong nakuhang energy bars.

Hindi pa dumadating si John Paul, nagsimula na ang awarding. Nakuhaan ko ng picture ang mga Kenyan na kinuha ang 1st, 2nd at 3rd place finishes sa magkakaibang category. Weekly job na nila ito :) maganda pang training para sa kanila.



Sa wakas! Dumating na din si John Paul, dala ang kanyang finisher's shirt at medal, hindi magiging kumpleto ang araw kung walang souvenir shots. Bago matapos ang event, sinigurado namin na may mga pictures kami. Narito ang ilang mga kuha:







Lumisan kami sa "Race Village", masaya dahil madaming naiuwi^^ Nag-agahan sa Jollibee, nag-ikot sa Market! Market! at umuwi na after lunch. Oo nga pala, nanood pa kami (at kumain sa Wendy's) ng Johnny English Reborn ni Charlie sa Festival Mall. Hindi pala ako nakauwi kaagad. Nakauwi na ako sa bahay bandang 10:00pm na.

Ito na ang naging warm-up ko para sa Nike We Run Manila 2011.


No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)