October 30, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Paul Biduya, Analaine Ogayon, Janice Genon, Mylene Villanueva, Jose Davila III, Aphol Francisco, Jeromy Nakamura

Venue: Chic-Boy Molito
At natapos na naman ang isang episode ng "rare" weekend coverage namin. Sa pagkakatanda ko, ang huling weekend coverage namin (Monday to Friday nights lang kasi ang regular naming pasok) ay noong May 22, 2011 pa, bumanat pa kami ng dalawang order ng malaking pizza.
Napagkasunduan namin na mag HEAVY breakfast sa Chic-Boy Molito, isang sakay lang ng jeep mula sa aming office. Pagdating namin ay hindi na namin pinatagal, order kaagad, tapos ay humanap na ng pwesto.
Habang naghihintay ng order, hindi pwedeng walang mga souvenir shots. Palagi ko naman dala ang aking mahiwagang DigiCam kaya ready to shoot tayo sa mga pagkakataong ganito. Ang mga kuha habang naghihintay ng order:
At dumating na nga ang aming order! Hindi na din namin pinatagal at pagkalapag pa lang ng mga kanya-kanyang order, binanatan na namin kaagad. Yan ang nangyayari kapag nalilipasan ng breakmode at napagsarahan ng canteen. Ilang mga kuha habang nag-eenjoy sa Rated PG moment:
Oo nga pala, naging mas masaya ang aming agahan dahil may nag order ng CB-7. May sarili din siyang Unlimited Rice.
Natapos na din ang aming agahan. Hindi naman din kami papayag na walang souvenir shots pagkatapos ng matinding bakabakan sa ibabaw ng hapag-kainan.
Dahil 1st Anniversary ng Chic-Boy sa Molito, kailangan may souvenir shot din kami sa may harap ng restaurant. Magpapahuli ba kami?
SInabi ko na ito sa mga nakaraang blog entry ko at sasabihin ko nang paulit-ulit pa - "It's not the food, it's the bonding." Masaya ako at nakasabay kong mag-agahan ang mga kasama ko sa trabaho, hindi ko naman kasi sila madalas na nakakasabay na mag-break sa office.

No comments:
Post a Comment