Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Saturday, August 6, 2011

Sports Fest 2011 Yellow Basketball Team - Ang (Totoong) Huling Game


Dahil nanalo kami noong July 24, 2011 at nangyari ang mga ipinanalangin namin na mangyari (nanalo ang white laban sa violet at natalo ang red sa green), nag-tabla tuloy kami ng red sa 4th and 5th place. At dahil win over the other ang rule, nakuha namin ang advantage para maging 4th seed sa elimination. Ibig sabihin, may isa pa kaming laro para malaman kung sino ang 3rd place ngayong taon na ito. At ganoon na nga ang nangyari, July 31, 2011, nagkaroon pa kami ng huling laro para sa taong ito laban sa Violet Team, ang team na tumalo sa amin sa elimination round. Pagkakataon na naming bumawi at makuha ang "consolation" game.

Gaya ng kasbihan na "A picture is worth a thousand words" ang mga susunod na larawan ang makapagsasabi ng kung ano ang nangyari pero dadagdagan ko ng mga maikling caption para mas masaya.

Dikit ang unang dalawang quarters pero nagkaroon kami ng advantage sa huling dalawang quarter, maganda ang free throw shooting namin kaya naalagaan ang lamang, nakakuha ng mga importanteng rebounds at nakapuntos sa mga tamang oras habang nagsisimulang mag-rally ang kalaban.

Warm Up Time na!

Bago mag start ang game

Kaunti pang warm up^^

Damihan na natin ang warm up

Sagarin na natin ang warm up :p

Huddle up guys!

Sa atin ang game na ito!

Stick together and Trust each other

Bakbakan na!

Ang layo ng camera person namin eh

Alexi with the ball

Ako at si Marnelie

1st half action

Box out action!

Zone defense action

Maganda ang screen ni Ardee

Battle for the rebound

Alexi for the 3-ball

Kailangan nakapamewang^^

Dikit ang laban!

Walang gustong bumitaw!

Time out, huddle, palit-tao

Pasok na ang lima

Commercial muna

Regroup muna tayo!

Si Polly sinusulit ang pahinga

Chito, ikaw muna mag coach

Tapos sasali ako para mag coach^^

Tapos usap na ulit lahat

Tapos sablay yung lay-up ko!

Tapos stationary na lang ako^^

Tapos tuloy ang laro

Dito lumalayo na kami ng unti-unti

Kaya lang maaga kami sa penalty sa 2nd quarter

Kaya pahinga muna ang starting unit

Tapos penalty talaga eh^^

Jump shot for Sunny

Palit ulit ng tao

At ang pananalasa ng "SUNNY MACABUHAY FANS CLUB"

Hindi halata na masaya sila dito

Homestretch na!

SUNNY MACABUHAY FANS CLUB pero wala si Sunny

4th quarter na!

Madibdibang huddle na ito!

Pati takip ng gatorade pinagdiskitahan

Pero seryoso ang usapan namin

Nakapagpapicture pa nga eh

Joel, ikaw naman mag coach

Tapos ako ulit

Tapos si Ardee naman mag coach

Tapos ako na ulit!

Eto nice shot ng action

From another side naman

Pigilan ang lay-up

Kaunti na lang^^

Ibuhos na natin lahat

At kami na nga ang nagwagi!

Photo-op time

Ang mga natirang manlalaro ng dilaw na naglaro kahit anong mangyari

Ang JUNE REAL FANS CLUB na inagaw mula sa SUNNY MACABUHAY FANS CLUB

Salamat sa suporta ng mga kasama ko sa team sa work

Ang mga pumangatlo

Happy na din sa 3rd place

Walang Iwanan!
Maganda na din na maituturing ang pagsasara ng campaign namin para sa taong ito. Nakakuha kami ng 3rd place at nabawian namin ang team na tumalo sa amin sa elimination round. Mas mataas pa ang hinahangad namin pero may mga hindi maiiwasang bagay na nangyari, mabuti na lang at ang mga manlalaro na nakikita sa itaas na larawan ay ang mga nanatiling magkakasama hanggang sa huling buzzer. Masaya ako at kabilang ako sa grupong ito, sana ay hindi dito nagtatapos ang magandang nasimulan namin.

"We stuck together and trusted on each other, faced our opponents thinking and believing that we can win every time, never giving up until the final buzzer sounded."

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)