Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Sunday, August 14, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 11th Wave

August 12, 2011
Accomplice: Mheleth Condrillon
Venue: Domino's Pizza, Puregold Molito, Alabang-Zapote Road

Nagkayayaan, parehong gusto ng pizza. Napagkasunduan (dahil hindi ko pa din natitikman) na sa bagong bukas na Domino's Pizza malapit sa pinapasukan namin isakatuparan na masagot ang pizza cravings namin.

Pero bago ang lahat, kailangan naming dumaan sa BPI na malapit. Nawala kasi yung ATM ko last week. Kaunting usapan sa BPI, kinuha ko yung ATM card ko at pagkatapos ay tumungo na kami sa Domino's Pizza. Hindi namin alam an oras ng bukas ng nasabing pizza parlor kaya naman mga 9:15 am pa lang ay nandoon na kami, yun pala, 10:00 am pa pala ang opening. Sa madaling sabi, sa 7-Eleven Molito na lang kami nagpatay ng oras.


Pagpalo ng 10:00 am, hindi na kami nag-aksaya ng oras. Order na kaagad. Eto ang na-order namin: Meatzza 10', Cheesy Bread at 1 liter ng Real Leaf Iced Tea.

Cheesy Bread na lang ang kulang :)
  
Hindi halatang gutom

Habang hinihintay ang Cheesy Bread

Ginaya ko dito si Ramon "Dragon" Bautista

Meatzza - Classic hand-toss dough or crispy thin crust with slice after slice of pepperoni, ham, savory Italian sausage, bacon and beef topped with an extra layer of cheese. Also available in barbecue sauce.

 
Cheesy Bread kinamay na! Masarap kapag bagong hango sa galing sa oven

Cheesy Bread^^

Aprub ito para sa akin!

Close-up shot

last piece!

dumidila pa!

Ang kahon ng Cheesy Bread

Last piece na!

Protien overload

Last piece ko

Busog. Umuwi kami na masaya. Napunan na ang cravings para sa pizza at higit sa lahat nakapag Rated-PG na naman. Magandang break ito sa trabaho. Pagkalabas ng pizza parlor, back to reality na naman :)


No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)