August 20, 2011
AMDATEX Family
Marikina Watershed
Maaga kaming umalis, kasama ang iba pang empleyado mula sa iba't-ibang sangay ng AMDATEX. Mga 15 minutes past 6:00 am kami nakaalis. Isang bus na puno kaming tumungo sa Marikina para sa AMDATEX Tree Day.
Halos kabuuan ng biyahe paunta sa Marikina ay tulog ako kaya naman wala akong masyadong alam sa mga nangyari sa paligid ko (hindi ko nga namalayan na nasa stopover na kami, naalimpungatan lang ako), ang babait kasi ng mga kasama ko, hindi ako ginising^^
Pagkatapos na mag-retouch, quick breakfast at picture taking sa stopover, tuloy ang biyahe namin. Dito na din kami sinamahan ng mga naging guide namin (mga volunteer na weekly umaakyat sa bundok para magtanim). Ipinaliwanag ng mga volunteer (na hindi ko tinandaan ang mga pangalan) ang waiver at pagkatapos ay pumirma naman kami.
Hindi nagtagal at dumating na kami sa Brgy. Hall. Retouch ulit, naghanda na para sa hike, ipinakilala sa basketball court ang mga guide ng bawat grupo. Hinati kami sa apat na grupo (pero mukhang hindi naman ganoon ang nangyari, mga pasaway^^) Bago umalis, picture taking muna, nasa ibaba ang mga evidence (pasintabi na lang po ^_^)
Ito ang grupo namin sa unang hatian^^
With DebiTOT
With matching t-shirts
At nagsimula na ang aming hike! Kahit naglalakad na ay picture taking pa din! Kaya kami natagalan eh :) Pero for the memories ito. Wala nang makakapigil pa sa amin!
Sa may tulay bago pumunta sa trail papunta sa unang ilog
Akala namin ito "lang" yung ilog
Hindi pala! May tulay paunta sa tunay na ilog^^
Unang ilog malapit na!
Syempre remembrance muna bago tumawid sa ilog
Malakas ang agos kaya mahirap humakbang at hindi lang yan, madulas pa ang mga bato
Nurse Tere: "I survived crossing the bridge!
Ang diwata sa ilog
Stopover para hugasan ang mga paa!
Pang-Facebook daw
Parang gusto ko na lang magpaiwan dito, ang sarap maligo, malinis at malinaw ang tubig
Nakatawid na ang mga babaeing ito, iniwan ako!
Lakad na ulit
Madaming naiwan sa ilog, naglinis pa kasi ng mga sapatos at sandals sa kadahilanang napakaputik ng nilalakaran namin, sa bandang huli inilusong ko na din ang sapatos ko T_T
Ayan, kasi nagpantalon pa eh^^
Pagkatawid sa unang ilog, trek ulit paakyat at pababa patungo sa pangalawang ilog (ano daw? may isa pang ilog? Wala ito sa usapan ah!) Para makapunta sa pagtataniman, kailangan naming tumawid pa sa pangalawang ilog.
Game na! Picture pa!
Huags ulit ng paa sa pangalawang ilog :)
Bago tuluyang tumawid - photo-op muna
Napakaganda din sa pangalawang ilog, kasinglinaw sa nauna
Remembrance with out volunteer guide na hindi ko tinandaan ang pangalan
Tatawid na ulit!
Untouched by human hands :)
Parang bagong gising lang mag unat^^
Model ng WOWbatangas!
Nakatawid na sila
Nice view mula sa itaas
At nakapunta na kami sa site. Nahati na lang kami sa dalawang grupo. Ang dinaana namin ay mas mahirap "daw: sa kabilang grupo. Sa palagay ko naman ay parehong mahirap lang sa kadahilanang maputik at madulas talaga ang trail. Mga kuha ng actual tree planting/nurturing sa ibaba. Enjoy!
Kararting ko pa lang, madami na silang naitanim
Kaya nagpapicture na lang ako
...at sinamahan sa pagpapahinga ang mga angels
Magpapahuli ba ang batang ito sa kainan?
Turon Girls
Turon Girls
Tambay sa bundok
Nagpakuha sa nice background
Nakipagkulitan
...habang nagpapahinga
...hanggang sa makatulog na sandali
More turon, more fun^^
Ako din turon din
Ang itinanim :)
Pagkatapos ng taniman, bumaba na agad para makapagtanghalian. Pagod at gutom, nagmadali na kami pabalik sa base camp. Ang mga susunod ay mga larawan naman papabalik.
Ang pagbabalik ng diwata ng ilog
Libreng paligo :)
Si Pedro Penduko at anf Diwata sa Ilog
Pababa patungo sa ilog
Ang paghuhugas ng sapatos^^
Umiihi?
Super Twins?
Local na local ah^^
Ang Ermitanyo sa ilog, hinahanap ang diwata!
Sa wakas! Nakabalik na kami. Nawala ang pagod dahiul sinalubong ng isang lamesa (at isang cooler) na puno ng pagkain atmalamig na inumin. Saan ka pa? Tinolang Manok, Adobong Manok, Inihaw na Baboy, Talong, Bagoong Alamang, Ensalada. Pinoy na Pinoy! Sari saring pamatid-uhaw din. Wala ka nang hahanapin pa. Napakagandang reward pagkatapos ng volunteer work. More food, more fun, more bonding!
Pagkatapos ng tanghalian, naglinis na ako ng katawan at bumalik na sa bus para matulog. Nagising na lang ako na nasa Alabang na ulit kami. Pagod na pagod pero ok lang, walang kapalit ang karanasan na nakuha namin mula sa volunteer work na ito. Mas lalo kong narealize at na-appreciate ang pagiging volunteer ng mga kakabayan natin. Hindi biro ang maging isang volunteer.
Ang mga larawan sa itaas ay napakagandang pagmasdan. Hihitayin pa ba natin na masira ang mga ito bago tayo kumilos? Hindi naman tayo kailangan na pumunta lahat sa Marikina at magtanim para makatulong, sa pang araw-araw natin na pamumuhay, maari tayong makatulong. Sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, pagtitipid sa papel at marami pang iba. Mag donate kaya? Pwede rin. Nasa ating lahat ang ikagaganda ng ating inang kalikasan. Hindi halata sa ibaba, pero kalbo na yung nasa itaas ng bundok :(
No comments:
Post a Comment