August 7, 2011
Aguilar Sports Complex, Pilar Village, Las Piñas City
Sa wakas! Dumating na ang huling araw para sa taunang palaro ng AMDATEX. Sa araw na ito, pararangalan ang mga koponan na nanguna sa kani-kanilang sinalihang mga laro. Pero bago yan, mayroon pang Street Dance Competition, Men's Volleyball at Basketball Division I Championship games. Ganito ang mangyayari, Street Dance muna, tapos susundan ng mga championship games ng Volleyball at basketball at ang huli ay ang awarding ceremony.
Sinimulan ang umaga ng Street Dance Competition. Pampagising ng diwa, para sa iba. Ganito ang sequence ng performance ng mga kalahok: Violet, Green, White, Red, Yellow at Blue. Sa mga routine na gagawin nila, dapat ay may sports pa din na involved. Para mas masaya, ito ang ilang mga larawan ng mga kalahok:
Maganda ang simula ng competition, sa kalagitnaan pa nga ng routine ng Violet Team, nawalan sila ng tugtog! Pero sige pa din sila sa pagsayaw at pagbalik ng tugtog, parang walang nangyari! Pasok pa din ang steps ng sayaw nila. Ipinamalas nila at isinabuhay ang kasabihang "The show must go on!"
Isunod natin ang mga larawan ng koponang luntian!
Isunod natin ang White Team! Buhay na buhay na ang crowd pagkatapos ng pangalawang kalahok. Iba talaga ang team support ng mga taga-Starmall! Magpapatalo ba ang White? Syempre hindi! Tingnan natin ang mga pictures.
Panalo yung routine ng White na Boxing! Knock-out sa kwela eh. Sumunod sa White Team ay ang Red Team. Medyo kakaiba sila, dahil ang requirement sa taong ito ay magpakita ng sports, nagdagdag sila ng isang sport na hindi ko akalain na gagawan ng routine... hula hoop exhibition at floor swimming!
Pagkatapos ng Red Team, sumunod na ang aming pambato. Ang Yellow Team dancers at ang pamatay na intro. Tingnan natin kung anong nangyari sa performance nila:
At ang pinakahuling kalahok - ang Blue Team. Maganda ang entrada nila, may pa-fairy drama pa silang nalalaman. Kakaiba kaya naman mabenta.
Natapos ang Street Dance Competition, sinundan ng mga championship games. Nanalo ang Green laban sa White sa Men's Volleyball, Green ulit aban naman sa Violet sa Basketball Division I. Sa Division II kami naglaro at Green din ang nagwagi ng kampeonato. Pumangatlo kami sunod sa White. Pumangatlo din ang Men's Volleyball Team namin. Kampeon naman ang Women's Volleyball Team namin. Ilang mga picture ng Volleyball at Basketball Championship games:
At natapos ang mga huling laro. Hindi na pinatagal pa. Sinundan na agad ng Awarding Ceremony at simple closing remarks. Tingnan natin ang mga sandali ng saya at tagumpay ng bawat kalahok sa taunang palaro ng AMDATEX.
Billards
Chess
Table Tennis
Women's Volleyball
Men's Volleyball
Basketball Division II
(eto na kami)
Dagdagan ko pictures namin
(pabigyan na ninyo ako, blog ko ito^^)
Basketball Division II
Top 3 teams
More Basketball Division II
Happy pa din sa 3rd
Pagbigyan na ninyo ako, kakilala ko ito :)
Basketball Division I
Ang Overall Champion Trophies
Street Dance 3rd and 2nd place teams
Street Dance Champions
Overall Champions
Back to Back (Green kami last year)
Minsan lang ito! Samantalahin na^^
Masaya ang lahat^^
Once again, Once more
Ang may-ari ng blog^^
...kahit pauwi na ang lahat...
...humirit pa ng solo :)
Natapos na din ang ilang linggong mga laban ng bawat event. Naideklara na ang mga nanalo. Sa pagsasara ng taunang palaro, sumagi sa isip ko na sa ganitong mga palaro sa loob ng AMDATEX, lahat pa din ay panalo, bagong kaibigan, mas nagiging malapit kayo ng mga kasama mo sa sangay at bilang isang pamilya (AMDATEX), nagiging mas malakas ang "bond" ng bawat isa. Bonus na lang ang mga panalo at bragging rights dahil sa susunod na taon, panibagong simula na naman. Ang importante, hindi lang sa trabaho magkakasama, pati sa paglalalaro.
At dahil tapos na, paghahandaan naman ng lahat ang susunod na major event sa AMDATEX bago matapos ang taon... ang mga Pocket Events at Main Events sa Cristmas Party. Abangan natin. Magiging masaya ito para sa lahat.
No comments:
Post a Comment