Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Saturday, December 31, 2011

Banat for the Day

Kapag mahal mo ang isang tao, sabihin mo sa kanya na mahal mo siya. Kasi, kahit nong tago pa ang gagawin mo, mahahalata pa din naman yun. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Malay mo, mahal ka din niya.

Indirect English translation:
If you love someone, tell them. Because hearts are often broken by words left unspoken.

Friday, December 30, 2011

Banat for the Day

Kapag tinawag ka na PLASTIK, tawagin mo siyang PAPEL.
Bakit? Kasi hindi ka naman makikipag-PLASTIKAN kung walang pumaPAPEL eh.

Banat for the Day

Ang CHISMIS ay ginawa ng mga TAONG GALIT SA IYO.
Kinakalat ng mga taong LUKO-LUKO,
at pinaniniwalaan ng mga taong MAKIKITID ang ulo.

Energizer Night Race Beam Art Contest - Prize Delivery :)

Within 24 hours and true to their word, I got my prize delivered at the office. I finally know how it feels like to win in a promo. It's a good way to end the year and a sign of better things to come. I'm so glad that I tried and joined the promo.


Thank you so much Energizer Philippines, ending the year could not have been any better. Thank you Lord for all the blessings this year and I declare that the year 2012 will be another year of abundance.

Wednesday, December 28, 2011

Energizer Night Race Beam Art Contest

Good thing I checked the wall of Energizer Philippines in Facebook. I was surprised to see my name listed as one of the winners. I joined this contest after participating in Energizer Night Race 2011 last November 5, 2011. Just for fun, I submitted my entry before the deadline last November.

Here is my winning entry:




And here is what I saw in Facebook earlier this morning:




I was so glad that I checked the said fanpage. I actually won. The first post was on December 5, 2011. Now I know how it feels like to win in promos :) Thanks Energizer Philippines! Lesson learned, ALWAYS check for updates for contests that I have joined.

Nice to end the year with a win :D


Tuesday, December 27, 2011

Missing Someone

Saw this picture here while browsing. Nice message.


"If I could give you one thing in life, I would give you the ability to see yourself through my eyes, only then would you realize how special you are to me."

Monday, December 26, 2011

Banat for the Day

December na, gusto kong makasama yung taong pinakamamahal ko.
Alam mo kung sino?

Eh DISYEMBRE "Ikaw". ♥

Real Family Christmas 2011

December 25, 2011
Robinson Homes, Antipolo City

Ngayong taon, pumatak sa araw ng Linggo ang pasko. May ilang nagsasabi na maganda dahil weekend ito pumatak, may ilan ding nagsasabi na sana ay Lunes na lang para "long weekend". Para sa aming mga nagtatrabaho sa mga outsourcing companies, masaya na kami na may "time-off" kami dahil ang totoong holiday namin ay alinsunod lamang sa mga U.S. Holidays.

Kaya naman hindi ko maaaring palagpasin ang pagkakataon na makasama ko ang aking pamilya at kamag-anak. Kahit hapon na ako nakauwi sa Antipolo, sulit pa din ang ilang oras na nakasama ko ang Real Family.

Masaya. Matagal na din kasi nang huli ko sila makita. Kaya naman sinulit ko ang aking bisita. Picture - taking, parlor games at bonding sa pagkain. Life's simple joys. Totoo nga, hindi natin kailangan ng maraming bagay para maging masaya, ang kailangan natin ay pahalagahan ang mga bagay na kung anong mayroon tayo. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay, ang ating mundong tinitirahan ay "mature" na. Walang kasiguraduhan ang ating kinabukasan kung totoo malapit nang magunaw ang mundo hindi ba dapat mas maganda kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay bago mangyari ang lahat ng ito?

Ang sabi nga, a picture is worth a thousand words. Sana lang makaimbento din ng camera na kayang makuha ang ating mga emosyon sa mga sandaling tulad ng ganito.










































Masaya kaming bumalik sa Maynila, hatinggabi na nakadating ng bahay. Sulit. Mabuti na lang at wala akong pasok Lunes ng gabi. Makakapagpahinga ako. Magiging masaya din ang susunod na tatlong linggo para sa aming pamilya. Darating ang aming pamangkin mula sa Singapore para magdiwang ng kanyang unang kaarawan, sunod na linggo naman ay dadayo kami ng Bulacan para masaksihan ang house blessing ng aming pinsan. Sa Pebrero naman ay ang kaarawan ng aming minamahal na Lola :)

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)