May 15, 2011
Westgate, Alabang
Assembly Time: 4:30 am? (not sure late na ako dumating)
Race Time: 5:10 am - 5:40 am (gaps in-between 16k, 10k, 5k and 3k)
Westgate, Alabang
Assembly Time: 4:30 am? (not sure late na ako dumating)
Race Time: 5:10 am - 5:40 am (gaps in-between 16k, 10k, 5k and 3k)
Ang mga kasama ko:
John Paul Lipardo
Randy Arias
John Paul Lipardo
Randy Arias
Bernadette Hukom
John Dimaranan and friends (hindi ko kasi kilala lahat)
AMDATEX Support Team (mga piling miyembro)
Ang time result ko:
Rank:370 on category
BIB No.:2510
Category: 5
Time: 00:45:17
Pace: 0:09:03min/km
John Dimaranan and friends (hindi ko kasi kilala lahat)
AMDATEX Support Team (mga piling miyembro)
Ang time result ko:
Rank:370 on category
BIB No.:2510
Category: 5
Time: 00:45:17
Pace: 0:09:03min/km
Maaga akong nagising, mga 1:30 am (excited?), hindi na ulit nakatulog, naglaro na lang ng Grand Chase at kumain ng noodles habang pinapatay ang oras. Naligo ng mga 3:30 am, dumaan sa AMDATEX para balikan ang naiwan kong number na may electronic chip para sa time recording, at nag-agahan sandali sa Jollibee Madrigal branch.
Sausage Egg Pan De Sal para sa isang umagang kay ganda!
Open Sesame!
Quick breakfast lang tapos diretso na sa Westgate Alabang. Nag-change costume na ako at dumiretso na sa baggage counter para iwanan ang bag ko. Dito na din kami nagkita ni John Paul. Dito ko na din nakita si John Dimaranan and friends. Kaunting usa, kaunting stretching tapos punta na sa starting point.
Sa starting point pa lang, may freebies na agad. Mula sa Wi-Tribe, ang mga ballers na may tatak ng company name nila. Namigay din ng mga flyers para mai-promote ang internet service nila. 5:40 am, pagkatapos ng 16k at 10k, 5k naman (kami yun). Noong una mabilis ako nakatakbo at nakakasabay sa mga runners, naiwan na nga ako ni John Paul at John Dimaranan and friends. Pero okay lang, tuloy lang ako. Mga ilang minuto ang lumipas, narating ko ang unang water station. Brought to you by Pocari Sweat, unli-Pocari kami sa water station. Sa puntong ito, naninigas na ang parehong binti ko (ang tigas kasi ng ulo, hindi nag warm-up).
Bago tumakbo!
Sa starting point ng 5k!
Bago tumakbo!
Kapag OPEN daw ang table, pwede na kumuha
Go Team Pocari!
Eto naman, closing na, magrefill daw sila
Wala pa ako sa kalahati pero parang pupulikatin ako. Kaya naman naging sprint-jog-walk na ang ginawa ko. Hindi ko na inintindi ang oras ko (noong nag 3k ako sa GMA Kapuso Fun Run, mga 38 minutes ang time ko) basta matapos ko lang ito, masaya na ako. Mga 1.5k na lang ang tatakbuhin, nakita ko si John Paul, hinihintay ako, sumakit na daw ang likod kaya dalawa na kaming sprint-jog-walk ang naging routine hanggang sa Finish Line.
Si John Paul at ako with "George Clooney"
Hindi ako masaya, promise! Finish line na eh!
Hindi nagtagal, sabay naming natapos ang race sa oras na 48 minutes! Hindi na masama, ang buong akala naming dalawa ay inabot kami ng isang oras mahigit. Pahinga ng kaunti, tapos naglibot na kami sa booth ng mga sponsors. Sinalubong kami ng masarap na gatas sa Finish Line.
Isa lang ang masasabi ko, masarap ang gatas ni ate! ^_^
Pagkatapos salubungin ng gatas ni ate, diretso kami sa booth ng Pocari Sweat para kumuha ng maiinom. Sa umagang iyon, bumaha ng Pocari Sweat. Pagkatapos ng Unli-Pocari, diretso kami sa "freebies" (loot bag ang tawag ko dito pero dahil bawal ang plastic sa Municipality ng Muntinlupa, loot net na lang). Ang mga laman ng loot net: isang magazine para sa mga runners, isang maliit na bote ng Explode Energy Drink, isang garapon ng all-purpose cleaner, apat na Ver-Nel fabric conditioner, at Certificate of Participation.
Nakapag-settle na kami. Naglibot sa mga booths at kumuha ng mga free samples. May free Muscle Tape fitting, mga sample ng Vitamins at Supplements, free Alaska at Anchor na gatas (ang Alaska may sample ng chocolate drink), free consultation para malaman mo ang body age mo. Sayang at hindi namin nasubukan ang bilis ng Wi-Tribe kung internet connection ang pag-uusapan.
Habang hinihintay ang raffle ng Blackberry phone, picture taking muna.
John Paul with the supplement girl :)
Habang naghihintay ng raffle ng Blackberry phone
Habang nagpapahinga, kakatapos ko lang malagyan ng Muscle Tape sa shooting arm ko
Booth ng "loot net" at running magazine
Isang eksena ng awarding
Photo-Op habang wala ang mga bantay!
Ang bida sa umagang iyon (lamang lang ng mga sampung paligo sa akin ito!)
Ang stage^^
Ang booth kung saan pwedeng magparegister, possible na dito naman kami sunod tumakbo
Ang aming background music habang hinihintay ang raffle ng Blackberry Phone
Natapos ang event, madami-dami din akong naiuwi, mga limang bote ng Pocari Sweat. May isa kaming kakilala, isang kahon ang inuwi, kung sino man siya, kami na lang ang nakakaalam. Sasama ulit ako sa mga ganitong event. Sana mas madami kami at sana may sariling camera na.
No comments:
Post a Comment