May 10, 2011
Yellow Cab Pizza, Madrigal Branch
Accomplices: Cinderella Santos and Analaine Ogayon
Yellow Cab Pizza, Madrigal Branch
Accomplices: Cinderella Santos and Analaine Ogayon
Hindi pa ako nakakarecover sa 2nd wave noong Sabado, eto na naman, nagkayayaan na naman. Pamper yourself na naman, kaya sumama na ako. Nag-out kami sa office ng 9:00 am, naglakad mula AMDATEX hanggang sa Pizza Parlor ng Yellow Cab Pizza sa Madrigal. Tamang-Tama, may promo, buy any 18' pizza at may free 10' Pizza dahil 10th Year Anniversary ng nasabing pizza parlor, tuwing ika-10 ng buwan, basta may 18' ka na order, siguradong may 10' free ka. Syempre pinatulan namin yung promo. Dahil PG, sinamahan pa ng tig-isang order ng Charlie Chicken Pasta at Spaghetti & Meatballs ang #4 Cheese na 18' pizza namin (with free 10' NY Classic Pizza!). Sandali lang kami naghintay. Habang naghihintay:
The accessories
Coke Zero sa akin, Coke regular kay Analaine at Sarsi kay Cindy
Pwede pala yung 1.5L na softdrinks tapos ilalagay sa pitcher with ice amfefe
Note to self: Magtatanong muna sa susunod :)
Coke Zero sa akin, Coke regular kay Analaine at Sarsi kay Cindy
Pwede pala yung 1.5L na softdrinks tapos ilalagay sa pitcher with ice amfefe
Note to self: Magtatanong muna sa susunod :)
The accomplices
The victim
The accomplices and The accessories
Naunang dumating ang pasta. Banat na agad ang mga PG. :) Pero bago banatan, kailangan documented ang PG moment kaya kailangan may picture bago banatan ang pasta.
Charlie Chan Chicken pasta
Chicken Strips, Shiitake Mushrooms and Roasted Peanuts sauteed in a Spicy Oriental Sauce, sayang bawal sa akin ang mani :(
Spaghetti and Meatballs
Rich and Hearty pasta with 2 GIANT meatballs baked and simmered in chunky red wine Tomato Sauce, hinukay ko pa sa ilalim ang meatballs :)
Wala pang limang minuto, dumating na ang undercard (free 10' pizza) at ang main event (18' pizza). Mabuti na lang kaunti pa ang tao sa pizza parlor, sinakop na kasi namin ang isang mahabang lamesa. Documentation muna bago banatan ang pizza.
Let's get it on! Binanatan ko na agad ang "maliit" na pizza, pampagana para sa malaki. Masarap talaga ang pizza kapag bagong hango mula sa oven! Astig. Ang saya. Busog na agad ako kakatingin sa nasa lamesa. Hindi ko na din pinatagal at bumanat na din ako sa "main event". Cheesy! Yan lang ang masasabi ko sa malaking pizza. Apat na uri ng cheese ba naman ang ilagay. Wala ka nang hahanapin pa! Ang bigat sa tiyan. Solve!
Mga pictures pa habang nagpapaka-PG kaming tatlo:
Mga pictures pa habang nagpapaka-PG kaming tatlo:
Attack of the giant meatball!
Analaine and Cindy kasama ang "undercard" pizza
Hindi nagtagal, nabusog na ang mga PG. May natira pa kaming pizza. Hati-hati. Busog na, may take-home pa! Nagpahinga lang kami ng kaunti pagkatapos umuwi na.
May uwi pa ako! May natirang pasta saka pizza.
Bawal na po ang plastic sa Muntinlupa :)
Blessed! Thank you Lord for this blessing. Happy na naman. Fun Run naman sa Sunday. Tapos, dahil nabiktima ako ng brownout nitong nagdaang Linggo, tatapusin ko ang panonood ng pelikulang THOR. Sana naman wala nang mga kadudadudang pangyayari para matapos ko ang pelikula. May magaganda pang naka line-up na pelikula.
Early June: Green Lantern
Mid June: X-Men First Class
Last week of July: Captain America, The First Avenger
Gusto ko na mapanood lahat ang mga pelikulang nabanggit sa sinehan, may kasama man o wala. Laking comic books eh!
No comments:
Post a Comment