Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Friday, May 6, 2011

My (Fifth) First Re-Climb - Mt. Talamitam; Climb for a Cause

April 30 - May 1, 2011, Mt. Talamitam, Nasugbu, Batangas

Ang araw ng pagbabalik ng Pepi Lover's Mountaineering Team sa Mt. Talamitam ay nagkatotoo na! Ang pagkakaalam ko, 22 na tao lang kaming aakyat sa bundok. Nagulat na lang ako nang sabihin sa akin na nasa 34 na tao na kami. Ayos pa din, dalawang jeep naman ang kinuha.

Assembly Time - 9:00 am
Departure - 10:00 am

Photoshoot muna habang naghihintay ng ibang mga kasama:

shot muna habang hinihintay ang jeep
Marnita, Puypuy, Joel and Ultra Bakat
 
Eto medyo maaga pa

EmoBoy ng BiƱan and JoeBlack
 
With "His Excellency", Master P, who, by the way was not able to join this climb because of some important matters to attend (tingnan na lang ninyo yung hawak niya) *wink*
 
Dito sa bandang kaliwa ang section ng mga lovers
From Left to Right: Uly and Lyza and Team Spongebob
 
Dito naman ang Pepi Lover's

Unang stop over, sa Festival Mall sa Alabang. Bibili ng tent ang dalawa naming kasama sa ACE Hardware. Hindi na ako sumama sa mga pumasok ng mall. Pinili ng ilan sa amin ang maiwan na lang sa parking area. (babantayan daw yung jeep, baka mawala) Hindi pa din mawawala ang photoshoot habang naghihintay na makabalik ang mga nag "Mall Tour".

Mga hindi pa tinatamaan ng antok (mga galing sa night shift yung iba)

Mukha bang sasali sa Showtime?
 
Another Showtime group pose

Gardenia, ang sumagip sa aming gutom habang naghihintay sa mga nag Mall Tour
 
So good, you can eat it on it's own

Pagkatapos makabili ng kailangan ang mga nag "Mall Tour", biyahe na ulit. Sa Sta. Rosa exit ang daan namin papuntang Tagaytay tapos Batangas na. Mga 11:00 am na siguro kami nakaalis sa Festival Mall. Mga 12:30 pm naman kami nakarating sa Puregold sa Tagaytay. Dito na rin kami sa area na ito nagtanghalian (yung iba, sa McDonald's, yung iba naman sa Andok's, may iba din na may baon na galing sa "Mall Tour" kanina sa Festival (KFC), sa jeep na lang kumain) pagkatapos mamili ng mga kakainin sa itaas ng bundok.

Post-Lunch sa Andok's

Post-Lunch sa  McDonald's
Massacre yung Value Meal

Huwag tularan ang batang ito!!! Pati ito niyayari!
More Andok's moments
Parang sila lang yung tao sa restaurant oh!
Gusto ko lang talaga ng McDo fries eh^^
Enjoy sa Coke Float habang nagpapahinga
Ay bastos! Tingnan ninyo kung nasaan ang kamay ng batang ito!

Bago umalis, bumili muna ako ng Angel's Burger na ibabaon ko papaakyat ng bundok. Tama ang sinabi ni Pepi Joseph, baka magutom habang naghihintay maluto ang aming hapunan, mabuti na ang may nangangatngat!

Ate, the designated cook showing us some of her mad cheeseburger preparation skills, courtesy of Angel's Superior training program, habang ginagawa niya yan, kagat-labi pa :p

Trail food? Pwede!

Mga bandang 2:30 pm kami nakaalis sa stop over. Biyahe na papuntang jump off. Ito naman ang oras na nakatulog ako sa biyahe. Pagkagising ko... nasa jump off site na kami! Ayos, maaga pa. Mga 3:45 pm kami nakarating sa jump off. BUmaba ang lahat sa sasakyan, naghanda na para sa pag-akyat. Siyempre, hindi pwede na walang pictures bago magsimula ang trek.

Class Picture Batch'xx 
Kabababa pa lang ng jeep buhay na agad ang dugo

Getting ready for the trek

Kanya-kanyang preparation, yung iba, ready na kaagad

Sinong magdadala nung tubig?

Wala pang tulog yung katabi ko (kaya naka shades)

Ang lalaking tumalo kay Osama Bin Laden!

In the name of the father...
 
...and of the SON...
 
...and of the Holy Spirit... AMEN!

Hindi siya mahilig sa PINK!
 
Hindi rin siya nagulat!
 
Ayaw din naming magpapicture
 
Lalo naman kami, ayaw namin magpapicture!
 
Go Team Pepi!

Pagkatapos na magdasal, simula na ng trak papuntang registration muna. Hindi naman kalayuan ang registration mula sa jump off. Habang patungo sa nasabing registration site, may nadaanan kaming bahay na may chest freezer na punong-puno ng Selecta Ice Cream Products. "Bukas, pagbaba namin, babalikan ka namin", yan ang battlecry ng aming grupo. Pagdating sa registration, syempre, photoshoot na naman. Ang mga hard evidence:

Nangununa sa pagpapakuha
Trail papunta sa registration site 

With the local kids

Ang saya, ang dami namin
Eto, HHWW (inggit ako) n_n
More shots!

Pagkatapos ng registration, (wala pa naman 10 minutes ang inabot namin sa pagpaparehistro). Trek na papunta sa campsite. Pinaghandaan ko ang araw na ito eh, kaya lang, nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Pero bago ko sabihin yan, picture story na lang (with captions). Makikita ninyo sa mga susunod na kuha ang aming "paglalakbay" patungo sa campsite.

Eto bandang itaas na, malapit na sa campsite

Ang pagtawid sa may batis

Isa pang "tawid" moment
Pahinga muna, picture taking ng kaunti
Across: Mt. Batulao
Malapit na sa campsite!
Isa pang pahinga moment shot
Poknat sa batis
Tulay sa ibabaw ng batis, bago tumawid ng batis

Syemps sila din dapat may kuha sa batis
Para kay EmoBoy ng BiƱan talaga itong shot na ito

Endorser ng Gatorade

Uly and Lyza

May pagdungaw pa si Poknat. Poknat talaga eh!

Pahinga talaga yan. Akala ninyo umaakyat.
Ganda ng background

EmoBoy ng San Pedro, habang naglalakad mag-isa:
"Wala namang nagmamahal sa akin" T_T

Ilang saglit pa, nakarating na ako sa campsite. Nauna kaming dalawa ni Pepi Joseph. Ang matindi nito, kami nga ang nauna, kami pa din ang nahuling mag pitch ng tent. Naghanap pa kasi ng magandang spot madami kasing jebs ng baka sa damuhan eh. Ayan tuloy first place sa campsite, last place sa tent pitching. Noong una akong sumama dito, hirap na hirap ako, pero ngayon nadalian ako. Ang dahilan? Idinaan kami noong unang akyat sa mahirap na daan (para daw malilim), ngayon naman, ayos yung dinaanan namin, walang isang oras nasa campsite na kami. Mga shots pagdating sa campsite:

Ayan, naunahan pa nila kami na mag-pitch ng tent!


Sila din, naunahan nila kami
 
Kasi ito ang inuna ko, magpapicture
 
Sial yung mga huling dumating^^

Ang tunay na lalaki, may Jungle Bolo!
 
Ayaw ko na magpa-cute, natural lang^^
 
Team SOGO!

Pagkatapos mag pitch ng tent, yung iba, nagluto na ng hapunan, may nagsaing, may naghanda ng mga ingredients para sa Adobo at Tinola, may napaso ang kamay (poknat kasi, ipinang-gisa sa bawang yung kamay), si Joel, gumawa ng fish fillet, dahil may fish fillet, may isa kaming kasama na bumanat ng "Nasaan na ang Bread Cramps? (bread crumbs)" ano yan, pinulikat na tinapay? Eto pa ang isa, "Kalan iluluto ang pata-kim? (pata tim)". Hindi pa nakuntento, humingi pa ng "second chance". Itago na lang natin siya sa codename na: Jejemon na Chipmunk. Kapag nagsalita kasi siya, dapat may subtitle sa ibaba niya para maintindihan.

Kinaumagahan, maaga ako nagising (kasi may maiingay na sa labas). 6:00 am, bumangon na ako para sumama sa mga pupunta ng summit. Noong una ako na sumama dito, hindi ako umakyat, binantayan ko yung nagluto ng hotdog. Ngayon hindi na pwede, kailangan umakyat naman ako. Ang evidence:

Ang sarap sa itaas!
 
Nasaan ka na, future Mrs. Real?
 
I am the king of the world!
 
Mr. Anonymous, Duke of Talamitam
Happy Team!
 
EmoBoy ng BiƱan
 
Turo ng turo yung mga nasa likod ko!
 
Nakituro na din ako!
 
Ayaw ko talagang magpa-cute!
 
Higa muna! Biglang bumigat yung likod ko eh.
 
Ayaw kng may pakana ng fish fillet kaya may naghanap ng "Bread Cramps"

Ang sarap ng feeling pag nasa itaas ka na. Nwala ang pagod ko. Nakita ko ang ganda ng kalikasan. 40 minutes namin inakyat ang summit mula sa base camp, 20minutes na picture taking at 40 minutes ulit pabalik sa campsite. Pagbaba sa campsite, breakfast sandali at break camp na para bumaba. Bumaba kami bandang 9:00 am na. Breakfast and break camp photos:

Ready to decend na itong dalawang ito, poknat kasi!
 
Eto rin handa na bumaba.
 
Group shot daw, sige na nga!
 
sinalakay namin ang nilutong hotdog pagbaba galing summit
 
Salamat sa designated cook, Manong Polly, may agahan kami pagbaba
 
Akala ng dalawang ito, maglalaro pa kami ng "open the basket"
 
Ang sweet talaga ni poknat!
 
Eto pa, open the basket!

Dahil karamihan ay naubusan ng baterya, wala na kaming mga pictures halos pababa,saka, hindi na din naisip na magpicture-taking kasi atat na mag Selecta Ice Cream saka magsipagligo. nag-enjoy ako sa Climb 4a Cause na ito. Madaming kasama, hindi nagkulang sa tubig, hindi gaanong napagod (kinabukasan na lumabas lahat ng sakit!) at nakaakyat ako ng summit!

Natapos kaming maligo at mananghalian ng bandang 2:00 pm at nakarating sa Las PiƱas bandang 5:00 pm. bwisit na traffic sa Tagaytay, Labor Day pa naman! Okay lang, happy naman ang weekend.

Para sa mga iba pang pictures, check na lang ninyo ang page ng group namin:
http://www.facebook.com/PepiLoverMountaineering

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)