Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label Coke. Show all posts
Showing posts with label Coke. Show all posts

Sunday, May 22, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 4th Wave

May 22, 2011
AMDATEX Canteen
Accomplices: Paul Biduya, Analaine Ogayon, Jose Davila III, Reynald Puche, Jose Untalan Jr., Rhumjun Pinoliad, Jonnet Lopez, Ma. Cristina Alix, Lindy Marie Yap, April Gaupo, Jeromy Nakamura, Sophia Dela Rama, Janice Genon, Helen Manalili, Maria Lourdes Rapi, Joan Javier


Pa-Pizza ka naman! Sa mga salitang yan nagsimula ang lahat. Para walang away, mag-pizza tayo, pero, hati-hati. Nagcompute ako. Hinintay namin ang mga dadating ng 11:00 pm (dapat kasi 10:00 pm pero okay na din, nagkaroon pa kami ng oras para makapagdecide kung itutuloy talaga). Nakapag compute, reasonable naman ang split kaya GO na! Nagpresinta pa si Master Paul na sagutin ang tatlong 1.5 na Coke. Para masaya, tig-iisa kami ni Analaine ng sasagutin na Coke.


Naningil na si Analaine, tumawag ako sa Jugnos para magpadeliver  ng dalawang 20' diameter na pizza, isang Hawaiian Delight at isang Pepperoni saka tatlong bote ng  1.5 liters na Coke. bago mag 12:00 mn. Within two hours ang ibinigay sa akin na ETA. Laban na, dahilan ko naman, para gutom na gutom na ang mga pumasok ng Saturday night. Wala pang isang oras, dumating na ang order namin. Sabay-sabay ang breaktime naming lahat. Oras na para husgahan ang delivery. Career mode na ang lahat.


Before the Attack Mode
 
Bago banatan ang pizza, memories muna

Ako din dapat may picture bako masalanta ang pizza

Si Commissioner nauna na mag-career mode

Padating na sila

Before the Attack Mode

Eto na ang simula ng wakas!

Kahit may nginangatngat, kailangan naka-pose pa din

Joan, model ng pizza

Inubos agad!

The Monster and The Pizza

Habang kumakain sige pa din

Syempre silang dalawa din

Magpapahuli ba ang dalawang ito?

Batang babae sa likod - EMO!

Wala na, ubos na!

Mga busog na

The PGs in action

More PG shots

Center: The Powerpuff Girls
Bottom Left: Mojo Jojo

Ubusin na yan! Huwag nang patagalin!

Paubos na! Banat pa!

Attack Mode in progress

The Monster and The Pizza Part Two

PG din ako!

The Last Bite

Malapit na mabusog

Happy Moments!

The Monsters!

The Dimples

The Anings!

The Happiness!

The Monsters and the Babaeng Pahabol

The Coke Model

The Damage!
 
Ay, natapon!


Sana palaging ganito, masaya. Masarap ang pizza. Pero mas masarap kapag pinagsasaluhan. Alam ko mauulit ang mga ganitong masasayang eksena.



Tuesday, May 10, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 3rd Wave

May 10, 2011
Yellow Cab Pizza, Madrigal Branch
Accomplices: Cinderella Santos and Analaine Ogayon

Hindi pa ako nakakarecover sa 2nd wave noong Sabado, eto na naman, nagkayayaan na naman. Pamper yourself na naman, kaya sumama na ako. Nag-out kami sa office ng 9:00 am, naglakad mula AMDATEX hanggang sa Pizza Parlor ng Yellow Cab Pizza sa Madrigal. Tamang-Tama, may promo, buy any 18' pizza at may free 10' Pizza dahil 10th Year Anniversary ng nasabing pizza parlor, tuwing ika-10 ng buwan, basta may 18' ka na order, siguradong may 10' free ka. Syempre pinatulan namin yung promo. Dahil PG, sinamahan pa ng tig-isang order ng Charlie Chicken Pasta at Spaghetti & Meatballs ang #4 Cheese na 18' pizza namin (with free 10' NY Classic Pizza!). Sandali lang kami naghintay. Habang naghihintay:

The accessories
Coke Zero sa akin, Coke regular kay Analaine at Sarsi kay Cindy
Pwede pala yung 1.5L na softdrinks tapos ilalagay sa pitcher with ice amfefe
Note to self: Magtatanong muna sa susunod :)

The accomplices
 
The victim
 
The accomplices and The accessories

Naunang dumating ang pasta. Banat na agad ang mga PG. :) Pero bago banatan, kailangan documented ang PG moment kaya kailangan may picture bago banatan ang pasta.

Charlie Chan Chicken pasta
Chicken Strips, Shiitake Mushrooms and Roasted Peanuts sauteed in a Spicy Oriental Sauce, sayang bawal sa akin ang mani :(

Spaghetti and Meatballs
Rich and Hearty pasta with 2 GIANT meatballs baked and simmered in chunky red wine Tomato Sauce, hinukay ko pa sa ilalim ang meatballs :)

Wala pang limang minuto, dumating na ang undercard (free 10' pizza) at ang main event (18' pizza). Mabuti na lang kaunti pa ang tao sa pizza parlor, sinakop na kasi namin ang isang mahabang lamesa. Documentation muna bago banatan ang pizza.

NY Classic (the free pizza!)
Pepperoni

#4 Cheese
Cheese Heaven! Mozzarella, Cheddar, Romano & Feta

Let's get it on! Binanatan ko na agad ang "maliit" na pizza, pampagana para sa malaki. Masarap talaga ang pizza kapag bagong hango mula sa oven! Astig. Ang saya. Busog na agad ako kakatingin sa nasa lamesa. Hindi ko na din pinatagal at bumanat na din ako sa "main event". Cheesy! Yan lang ang masasabi ko sa malaking pizza. Apat na uri ng cheese ba naman ang ilagay. Wala ka nang hahanapin pa! Ang bigat sa tiyan. Solve!

Mga pictures pa habang nagpapaka-PG kaming tatlo:


Attack of the giant meatball!

Analaine and Cindy kasama ang "undercard" pizza

Hindi nagtagal, nabusog na ang mga PG. May natira pa kaming pizza. Hati-hati. Busog na, may take-home pa! Nagpahinga lang kami ng kaunti pagkatapos umuwi na.

May uwi pa ako! May natirang pasta saka pizza.

Bawal na po ang plastic sa Muntinlupa :)

Blessed! Thank you Lord for this blessing. Happy na naman. Fun Run naman sa Sunday. Tapos, dahil nabiktima ako ng brownout nitong nagdaang Linggo, tatapusin ko ang panonood ng pelikulang THOR. Sana naman wala nang mga kadudadudang pangyayari para matapos ko ang pelikula. May magaganda pang naka line-up na pelikula.

Early June: Green Lantern
Mid June: X-Men First Class
Last week of July: Captain America, The First Avenger

Gusto ko na mapanood lahat ang mga pelikulang nabanggit sa sinehan, may kasama man o wala. Laking comic books eh!

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)