Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior

Saturday, November 19, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 16th Wave

November 19, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Janice Genon, Mylene Villanueva
Venue: McDonald's Alabang Town Center

Sabado ng umaga, nalaman namin na may pasok ang iba sa amin ng Sabado ng gabi. Bago umuwi, sumaglit muna kami para sa isang light breakfast. Ang napili naming kainan - Mc Donald's Alabang Town Center. Una, dalawa lang kami ni Janice. Time stamp - 8:00am ng umaga ang out namin sa trabaho.

Mga pictures habang hinihintay ang dalawa pa naming kasama. Dahil magkasundo, ang aming breakfast ay ang walang kamatayang McDonald's Sausage McMuffin! Pero ngayon asensado na kami ni Janice, may Pancakes na kaming dagdag :)






Habang hinihintay pa ang dalawang accomplice, sari-saring topic ang napag-usapan namin ni Janice. Napagtripan din ang cute na mini-french fries na ornament :D


Pagkalipas ng ilang sandali, dumating ang dalawa pang "reinforcements". Kaunting usap, Wi-Fi ng sandali pagkatapos ay pumila na din para mag-order ng breakfast nila.

Dahil nainggit yung isang "bata", bumili din ng sariling ornament, coffee cup naman ang kanya. Sabado ngayon, kaya dapat masaya ang mga "bata". Bago kumain ang mga "reinforcements", dapat lang na may picture taking din ang mga bagong dating.





Tinapos ang agahan, mahabang kwentuhan, hanggang sa napansin na lang namin na halos 11:00am na pala! Naalala namin na may pasok pa kami mamayang gabi! Nilisan namin ang kilalang fast food restaurant, masaya, busog at handa para sa pasok kinagabihan. Sana lang walang late sa amin mamaya!

Maraming salamat nga pala sa Pinoy Fitness at The Perfect White Shirt para sa black shirt ko^^

2 comments:

rah said...

Ganda ng shirt niyo sir :)
Ganda din ni miss Janice.
And ang cute ng mini mcdo toys :)

Jay Real said...

Salamat Rah! Ang iyong mensahe ay makakarating kay Miss Janice :D

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)