Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Monday, June 18, 2012

Business Words, Translated :)

A young, good-looking representative from Laguna sponsored a bill recommending Filipino language be used in all levels of accounting firms and banking institutions. The solon claimed it will provide a better understanding of the business transactions for those who are inexperienced and non-English speaking citizens.

The bill received unanimous approval from the House and was presented to the President for signature to become the law of the land. But in spite of the overwhelming pressure from the members of the Congress, The President vetoed the bill.

Why? She found out that when the English "business" words are translated in Tagalog, they sound very malicious and are "nakaka-hiya at nakaka-kilabot!"

Here are a few sample words - English to Tagalog

Asset - Ari
Fixed asset - Nakatirik na ari
Liquid asset - Basang ari
Solid asset - Matigas na ari
Owned asset - Sariling pag aari
Other asset - Ari ng iba
False asset - Ari-ari-an
Miscellaneous asset - Iba-ibang klaseng ari
Asset write off - Pinutol na pagaari
Depreciation of asset - Laspag na pagaari
Fully depreciated asset - Laspag na laspag na pagaari
Earning asset - Tumutubong pagaari
Working asset - Ganado pa ang ari
Non-earning asset - Baldado na ang ari
Erroneous entry - Mali ang pagka-pasok
Double entry - Dalawang beses ipinasok
Multiple entry - Labas pasok nang labas pasok
Correcting entry - Itinama ang pagpasok
Reversing entry - Baligtad ang pagkakapasok
Dead asset - Patay na ang Ari
Hidden asset - Ikinukubling Ari
Declared asset - Ipinangangalandakan na Ari

Something for Reflection

  1. If you can't see the bright side, polish the dull side.
  2. Kind words make good echoes.
  3. Life is short, pray long.
  4. The best things in life aren't things.
  5. No God, no peace. Know God, know peace.
  6. Life is a measure to be filled, not a cup to be drained.
  7. When you're green with envy, you're ripe for trouble.
  8. The tongue weighs practically nothing, but few can hold it.
  9. We stand tallest when we stoop to help others.
  10. We receive or achieve only when we believe.

Saturday, June 16, 2012

Banat for the Day

When your EX says "You will never find anyone like me."...
...reply with "That's the point."

Thursday, June 14, 2012

Banat for the Day

Yung landi ko, hanggang salita lang naman...
...pero yung pag-ibig ko, WALANG HANGGAN.

Monday, June 11, 2012

The Captain Will Be Back!

I saw this one post at Tumblr. The future is looking bright for superhero and comic book fans like me. This is definitely something to look forward to. Then, there is a lot of "Assembling" to do afterwards. Yeah, you know what I'm talking about. Bring it on to Thanos in the second installment of The Avengers movie!



Sunday, June 10, 2012

Another Testament of God's Favor

Maraming Salamat sa Slice High St para sa Run United 2 2012 free race voucher. See you sa Race Expo on June 12-16.




Running for Love ♥

Kahit Saan Restaurant :)

MADALAS NA TANONG:
"Saan tayo kakain?"

PALAGING SAGOT:
"Kahit saan."
Kaya kapag ako yumaman, magtatayo talaga ako ng kainan at ang gagawin kong pangalan: "KAHIT SAAN RESTAURANT"

Tapos eto ang mga food choices/menu:

1. Kung Ano Sa Iyo, Ganun Na Rin Sa Akin
2. Kung Ano Masarap
3. Yung Mura Lang
4. Kahit Ano
5. Yung Di Pa Natin Natitikman
Source: WaGas

Banat for the Day

Hindi lahat ng ayaw maturuan, ayaw matuto. Nasa paraan lang yan kung pano makukuha ang interest nung tao, at pano maparamdam sa kanya na gustuhin nyang matutunan ang tinuturo. Tandaan, walang bobong estudyante sa teacher na may diskarte.

Banat for the Day

Napanaginipan kita kagabi, pero nagising ako na unan ko lang ang yakap ko. Pero alam mo kung ano ang gusto kong mangyari? Yung mapanaginipan ko yung unan ko at magising ako na ikaw ang yakap ko.

Saturday, June 9, 2012

Which is Which? Bakit Ka Nasasaktan?

Source: WaGaS

~mahal mo pero hindi mo pinaglaban.

~nag-inarte ka pa kasi kaya ka iniwan.

~nagpapalambing lang, ‘di mo pa pinagbigyan, nauwi tuloy sa tampuhan.

~may pagkakataon kang sabihin pero mas pinili mong sarilihin na lang.

~puro ka ngiti, pero pagtalikod iiyak naman.

~tiwala lang ang hinihingi, ang dami mo pang sinabi.

~pinaglaban ka na nga, nakulangan ka pa.

~tinatanong ka kung mahal mo ba siya tapos itinanggi mo pa.

~hindi ka proud sa kanya pero nung siya naman ang ganoon sa iyo, nagagalit ka.

~ginawa mo na lahat pero hindi pa niya naappreciate.

~sabing friends nga lang kayo, naging sweet lang ng konti, na-fall ka na agad tapos tatawagin mo pang pa-fall.

~masyado kang selosa, yun tuloy nasakal na siya.

~masyado kang naging kampante sa kaibigan o bestfriend mo, indi mo alam may nabubuo na pala sa kanila.

~time lang ang kailangan niya, mas pinili mo pang sumama sa iba.

~hindi mo alam yung priorities mo.

~nagpakatanga ka na nga tapos pinaglaruan ka pa.

~pumayag ka na ngang may kasabay ka sa kanya, ikaw pa yung tinawag na kabit.

~nagplano kayo ng sobra sobra, kaya nung nag-away kayo, byebye na.

~kasi binasa mo ito tapos naalala mo siya, kaya ngayon nagsisisi ka pero meron na siyang iba.

Monday, June 4, 2012

Banat for the Day

One of these days you’ll find that one person you’re going to settle down with.

They’ll make you change your bad habits, and what you value most. 

You’re going to want to spend every moment with this person, and you’ll do things with them you never thought you’d ever do. 

It’s not called being "whipped", it's swallowing your pride and breaking your old ways for someone you feel is worth it.

Sunday, June 3, 2012

Never Commit Adultery

Kahit ano pa ang kulang ng asawa mo, o kulang sa iyo, there is a line you NEVER CROSS: never commit adultery.

Mainis ka, magalit, magdabog, magshopping, mag-food trip, magbunganga, magtatalon, maglupasay, magpagulong-gulong, mag-ayuno, magdasal, magkulto, maglambitin sa sanga, PERO HUWAG NA HUWAG MAKIAPID!
Walang excuse yun.

Your spouse has EXCLUSIVE MINING RIGHTS over your natural resources! Your body belongs to your spouse.

1 Corinthians 7:4
New International Version (NIV)

4The wife does not have authority over her own body but yields it to her husband. In the same way, the husband does not have authority over his own body but yields it to his wife.

Adultery is the mother of grave family problems!

Banat for the Day

Hindi oras-oras naalala kita, pero huwag kang mag-alala.
Dahil araw-araw mahal na mahal kita ♥

Greenfield City Clean Air Run 2012

May 27, 2012
Accomplice: Jayson Agustin
Venue: Greenfield City, Sta. Rosa, Laguna

Last run for May 2012. Pagkatapos nito, sa June 17 na para sa Run United 2 2012 na gaganapin sa SM Mall of Asia. Hindi pa ako makapag-decide kung sasabay sa free shuttle (sa Mandaluyong) o didiretso na lang mula Alabang papunta sa Sta. Rosa, Laguna. Matatandaan na bago ang race day, nakadalo pa ako sa launching ng HyperSports Get Fit Run 2012 sa Honor Tea House, Hobbies of Asia. May mga dumalo sa nasabing launch na participant din sa Greenfield City Clean Air Run 2012. Hanggang sa pag-uwi ko at pagtulog ay undecided pa din ako.

Sa mismong race day na ako nakapag-decide. Diretso na lang mula sa Alabang patungo sa Sta. Rosa, Laguna ang aking tatahakin na landas. Hindi naman ako nabigo, may mga sasakyan naman ng ganoon na kaaga, may nakasabay pa ako na mga participant sa bandang Pacita Complex hanggang sa race venue.


Dumating ako sa race venue na tamang-tama lang para makapag-check-in ng baggage at kaunting picture-taking bago ang 5:30am gunstart. Dito na din kami nagkita ng aking kasama na si Jayson. Narito ang ilang mga kuha bago kami tumungo sa starting line:






Pagkatapos ng sandaling picture-taking. Tumungo na kami sa starting line. Bago umabot sa starting line, nakasaksi pa kami ng isang "Ms. Mars Shighting". At dahil diyan, hindi pwedeng wala kaming photo-op kasama si Ms. Mars. Narito ang larawan:



Pagkatapos ng isa pang photo-op, tinungo na namin ang starting line. Habang naghihintay ng gunstart, isang warm-up routine ang aming ginawa na pinangunahan ng mga host. Habang sinisimulan naman ang countdown, nagawa ko pang kumuha ng larawan ng mga participants sa may starting line. Mukhang kakaunti lang kami sa 10k pero ayos lang :)






Ilang sandali pa at nagsimula na kaming tumakbo. Sa pagkakataong ito, hindi na ako masyadong kumuha ng mga larawan habang tumatakbo. Sinubukan ko na talunin ang aking pinakamabilis na time (so far) sa 10k category na nakamit ko sa Run United 1 2012 - 01:21:34 (nagawa ko naman, tingnan ang official result sa ibaba). Mukhang kailangan ko talagang bawasan ang "picture-picture" sa mga fun run habang tumatakbo ah :)

At dahil kakaunti lang ang mga larawan kong nakuha, ayos lang dahil madami naman tayong volunteer photographers at isa ako sa mga nahagip ng kanilang mga lente. Narito naman ang aking mga larawan "in action" sa nasabing event. Maraming salamat sa mga volunteer, kayo ang nagdadagdag ng kasiyahan ng mga participant sa mga running events na katulad nito.

Last 5 kilometers na lang!
Photo credit: Sigue Correr Runners

Last 3 kilometers na lang!
Photo credit: Running Photographers

Last few hundred meters na lang!

Last few meters na lang, finish line na!

Ilang sandali pa, natapos ko ang aking category. Mabilis kong tinungo ang loot bag tent ng 10k category para naman makuha ang aking finisher's medal at loot bag.


Pagkatapos naman ay agad kong tinungo ang booth ng Pinoy Fitness para makakuha ng bagong release na white at black tech shirt (at dahil "hot item" ang black tech shirt, naubusan ako, ayos lang nakakuha naman ako ng white, abang na lang sa mga susunod na running event).

Bagong PF Tech Shirt!
Photo credit: Pinoy Fitness.com

Masaya ako at natapos ko ang race at walang masamang nangyari sa akin.

Ang official result:
http://www.results.runningmate.ph/index.php/event/result/77
Category: 10k
Bib: 1007
Time: 01:18:16
Pace: 0:07:40
 

Bago umalis sa race village, isa munang remembrance photo habang suot-suot ang finisher's medal. Minsan lang ito :)



 
Running for Love ♥
 

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)