Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, June 3, 2012

Greenfield City Clean Air Run 2012

May 27, 2012
Accomplice: Jayson Agustin
Venue: Greenfield City, Sta. Rosa, Laguna

Last run for May 2012. Pagkatapos nito, sa June 17 na para sa Run United 2 2012 na gaganapin sa SM Mall of Asia. Hindi pa ako makapag-decide kung sasabay sa free shuttle (sa Mandaluyong) o didiretso na lang mula Alabang papunta sa Sta. Rosa, Laguna. Matatandaan na bago ang race day, nakadalo pa ako sa launching ng HyperSports Get Fit Run 2012 sa Honor Tea House, Hobbies of Asia. May mga dumalo sa nasabing launch na participant din sa Greenfield City Clean Air Run 2012. Hanggang sa pag-uwi ko at pagtulog ay undecided pa din ako.

Sa mismong race day na ako nakapag-decide. Diretso na lang mula sa Alabang patungo sa Sta. Rosa, Laguna ang aking tatahakin na landas. Hindi naman ako nabigo, may mga sasakyan naman ng ganoon na kaaga, may nakasabay pa ako na mga participant sa bandang Pacita Complex hanggang sa race venue.


Dumating ako sa race venue na tamang-tama lang para makapag-check-in ng baggage at kaunting picture-taking bago ang 5:30am gunstart. Dito na din kami nagkita ng aking kasama na si Jayson. Narito ang ilang mga kuha bago kami tumungo sa starting line:






Pagkatapos ng sandaling picture-taking. Tumungo na kami sa starting line. Bago umabot sa starting line, nakasaksi pa kami ng isang "Ms. Mars Shighting". At dahil diyan, hindi pwedeng wala kaming photo-op kasama si Ms. Mars. Narito ang larawan:



Pagkatapos ng isa pang photo-op, tinungo na namin ang starting line. Habang naghihintay ng gunstart, isang warm-up routine ang aming ginawa na pinangunahan ng mga host. Habang sinisimulan naman ang countdown, nagawa ko pang kumuha ng larawan ng mga participants sa may starting line. Mukhang kakaunti lang kami sa 10k pero ayos lang :)






Ilang sandali pa at nagsimula na kaming tumakbo. Sa pagkakataong ito, hindi na ako masyadong kumuha ng mga larawan habang tumatakbo. Sinubukan ko na talunin ang aking pinakamabilis na time (so far) sa 10k category na nakamit ko sa Run United 1 2012 - 01:21:34 (nagawa ko naman, tingnan ang official result sa ibaba). Mukhang kailangan ko talagang bawasan ang "picture-picture" sa mga fun run habang tumatakbo ah :)

At dahil kakaunti lang ang mga larawan kong nakuha, ayos lang dahil madami naman tayong volunteer photographers at isa ako sa mga nahagip ng kanilang mga lente. Narito naman ang aking mga larawan "in action" sa nasabing event. Maraming salamat sa mga volunteer, kayo ang nagdadagdag ng kasiyahan ng mga participant sa mga running events na katulad nito.

Last 5 kilometers na lang!
Photo credit: Sigue Correr Runners

Last 3 kilometers na lang!
Photo credit: Running Photographers

Last few hundred meters na lang!

Last few meters na lang, finish line na!

Ilang sandali pa, natapos ko ang aking category. Mabilis kong tinungo ang loot bag tent ng 10k category para naman makuha ang aking finisher's medal at loot bag.


Pagkatapos naman ay agad kong tinungo ang booth ng Pinoy Fitness para makakuha ng bagong release na white at black tech shirt (at dahil "hot item" ang black tech shirt, naubusan ako, ayos lang nakakuha naman ako ng white, abang na lang sa mga susunod na running event).

Bagong PF Tech Shirt!
Photo credit: Pinoy Fitness.com

Masaya ako at natapos ko ang race at walang masamang nangyari sa akin.

Ang official result:
http://www.results.runningmate.ph/index.php/event/result/77
Category: 10k
Bib: 1007
Time: 01:18:16
Pace: 0:07:40
 

Bago umalis sa race village, isa munang remembrance photo habang suot-suot ang finisher's medal. Minsan lang ito :)



 
Running for Love ♥
 

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)