Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Sunday, March 4, 2012

Run United 1 2012

March 4, 2012
Accomplices: John Paul Lipardo, Liezel Hermedilla, Jayson Agustin, Kelyn Ascaño Das, Ronnel Castillo Sunga, John Paul Reginald Pabalate
Venue: SM Mall of Asia

Ito ay isang Sabado na hindi ako nakasali sa dapat sana ay Get Fit Session 7 ng HyperSports. Para naman hindi ako mabakante, isang short workout ang aking ginawa pagkauwi ko ng Sabado ng umaga, ang importante ay pagpawisan ako bago man lang matulog. Pagkadating sa bahay, nag-online muna sandali (na hindi ko napansin na inabot din ng apat na oras) at natulog na para sa aking takbo kinabukasan.

Eto na! Ang aking unang 10K run para sa taong 2012. Nararapat lang din na sa Run United 1 2012 ko gawin ang aking 10K debut para sa taong ito. At ganoon na nga ang aking ginawa. Ang aking fitness goal para sa Run United Trilogy ay 10K run sa Run United 1, 2 at 3 at pagkatapos ay aangat na sa 21K  sa darating na Philippine Marathon.

Dahil may bagong twist ngayong taon, kinailangan namin na pumunta ng maaga sa venue (sayang lang at may kasama kami na hindi nakapunta dahil masakit ang kanyang "ulo") upang magbigay ng suporta sa aing kasamahan na tatakbo ng 21K. Nagayon kasi ay nasa Bonifacio Global City ang starting line at sa SM Mall of Asia naman ang finish line ng mga 21K runners. Kailangan na maaga sa Mall of Asia para makasakay ng shuttle bus papuntang Bonifacio Global City.

At dahil maaga, minabuti na namin na mag photo-op sa lugar bago pa magdagsaan ang mga kalahok sa Active Health Expo. Narito ang mga kuha:





Pagkatapos ng dalawang oras ng paghihintay, sabay na nagsimula ang 10K at 5K categories sa magkaibang starting line. Maganda ang aking simula ngayon dahil nakaya kong tumakbo hanggang 2km nang tuloy-tuloy (kasalanan po ito ni Kelyn Ascaño Das dahil napasabay ako sa pacing niya ^_^) pero bago mag 3km ay nagpahuli na ako, sumakit kasi ang kanan kong paa at kailangan na hindi mapwersa ang kaliwang tuhod ko :)

Narito ang ilang kuha bago magsimula ang 10k run sa may starting line, hanapin na lang ninyo ako, madali naman akong makita :)



Pagdating sa 6km mark ay naisipan kong kumuha ng ilang "solo shot" habang ako ay nagpapahinga at lumalakad. Narito naman ang ilan:




Makalipas ang mahigit isang oras (unofficial time ko ay -  01:21:35) nakatawid na din ako sa finish line. Masaya ako dahil mas mabilis ito ng bahagya  kaysa sa aking huling 10K record na naitala noong November 13, 2011 - 01:29:08, iba talaga kapag inspired habang tumatakbo!

Narito naman ang picture ng aking pagtawid sa finish line :)



Nakita ko pa si JP (dalawa ang John Paul ngayon kaya tatawagin natin na JP ang isa) at magmula sa pagkakataon na ito ay nagsama muna kaming maglibot sa Unilab Health Expo pagkatapos na makuha ang finisher's kit. Siyempre, hindi mawawala ang photo-op sa pagkakataon na ito, ano pa nga ba, ang mga kuha:





Bonus moment! Isa na namang wedding proposal ang naganap sa isang race event. Mabuti na lang at natapos ako ng maaga at nasaksihan ko ang isang life-changing event. Ang sarap talagang magmahal ng isang taong mahal ka din, parang Rebisco - Ang sarap ng feeling mo! Sayang nga lang at hindi ako kaagad nakalapit sa eksena kaya nakuntento na lang ako sa pagkuha ng larawan sa may malaking screen sa stage :)



At hindi diyan nagtatapos ang aming umaga dahil nagkita na sa wakas, kailangan na may photo-op din para sa ibang kasama:





Mas naging masaya pa ang experience namin gahil nagkataon na maraming nagpapapicture kay Coach Rio Dela Cruz. Dahil mga walang-hiya, nagpapicture na din kami kasama siya, salamat sa pagiging accomodating Coach Rio :)



Marami ang nagrereklamo dahil sa nagtaas ang registration fees ng Run United Series. Para sa akin, ganito lang yan, kung ang pagtataas ng regitration fee ay magiging daan para maging quality ang isang event hindi naman siguro ito magiging masama sa paglipas ng panahon. More than anything, ang freebies at giveaways ay itinuturing natin dapat na secondary lang dahil ang sa akin lang ay yung "experience" ang mas mahalaga, priceless ito para sa nakararami. Naiintindihan ko na sa bawat event ay hindi mawawala ang mga magrereklamo dahil sa may irregularities pero dapat ang ating mga reklamo ay sa anyo ng isang constructive criticism.

Iba pang mga larawan ay nasa photo album ko sa FaceBook - Run United 1 2012 ang pangalan ng album :)

Ang aking results:
Overall 10k

Rank: 1609 out of 2395
Gun Time: 01:21:44
Chip Time: 01:21:34
@1.85Km mark: 00:12:01
@5.72Km mark: 00:45:13

Ang mga RunPix Analysis:





Running for love 

No comments:

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)