Ang pagmamahal, dumarating sa tamang oras at tamang pagkakataon. Minsan sinisisi pa natin ang mga sarili natin kung bakit ngayon mo lang nalaman na mahal mo siya.
Kung alam mo lang . . .
Ngayon mo lang nalaman kasi ito yung tinatawag na "Tamang Panahon".
Some think of love as a past time, fling at trip lang, yung mahal niya ngayon tapos bukas hindi na. Boyfriend niya ngayon pero tanggap niya na isang araw ay tatawagin niya yun na "Ex".
Matagal nga, inaabot pa ng taon, pero ilang taon? Isa? Dalawa? Tatlo? Tapos pag nagkasawaan na, nagaayawan na at may iba naman na nagtatagal lang ng taon dahil nanghihinayang sa pinagsamahan.
Bata pa masyado na ang ganooong magmahal.
May iba naman na masyadong seryoso at sensitibo pagdating sa bagay na yan. Yung tipong handang i-risk ang lahat - magbigay at magparaya para lang sa taong mahal niya. Mayroon pa nga na iba diyan na pinipigilan ng nararamdaman niya kasi high school pa lang o di kaya teenager pa lang, gusto niya kasing maging sila nung taong yun sa panahong seryosohan na, yung sigurado na siya na yung taong yun na nga ang gusto niyang makasama sa panghabang buhay, kumbaga, "Tamang Panahon".
Masarap magmahal ng taong mahal ka din, yung feeling ninyo, soulmate kayo.
There is a quotation that says:
"I don't care how many lips you have kissed,I don't care how many men you've embracedI don't care how many men heard you said you love themAll I care is the future. . .Not to be your FIRST, but to be your LAST."
Kaya kung para sa iyo talaga siya, ilang taon man kayo na hindi magkita, ilang taon man ang mahalin niya, gaano man siya kalayo o marami man ang hadlang, magkikita pa rin kayo kung talagang para kayo sa isa't - isa.
Pag - ibig?
Hindi hinahanap yan, kusa na lang yan na dumadating sa "Tamang Panahon".
No comments:
Post a Comment