December 11 - 12, 2010, Mt. Daguldol, San Juan, Batangas
Before the climb: 83kgs
After the climb: 82kgs
Before the climb: 83kgs
After the climb: 82kgs
Ayan, sumama ulit ako sa sumunod na "minor" climb ng Pepi Lover's. This time, sa Mt. Daguldol naman sa Batangas ang napili nilang akyatin at tulad nitong huling climb, sabog mula sa trabaho ang drama ng karamihan ng kasama sa grupo.
Simulan natin yung bago umalis, bago tumungo sa meeting place, kumuha muna kami ni Marnelie sa canteen ng company ng bottomless na tubig para may baon siya na at least 3 liters na trail water at pang luto pagdating sa taas. Eto ang matindi, nag-tantrums ang bruha habang kumukuha ng tubig sa canteen. Ang pamatay na linya "Sir June huwag mo akong iiwan dito, nakakahiya!" habang pumapadyak sa sahig, parang yung naghuhukay na machine sa labas ng opisina eh (agaw atensiyon tuloy), tahimik na sana, ang nakakaalam na lang sana ay yung dalawang babae na katabi ng dipenser saka yung iba naming kasama sa trabaho na malapit din sa dispenser. Utos ba yun o pinagbabantaan ako? Natapos kami sa pagkuha ng bottomless na tubig ng taas - noo, pinagtiitinginanan at pinaguusapan ng mga taong kumakain habang papalabas ng canteen^^
Nakaalis kami sa trabaho ng mga 9am. Fast forward tayo pagdating sa isang stop over ng grupo para kumain ng tanghalian. Mga 12:30 PM na ayon sa time check. Kanya - kanyang hanap ng carinderia para makakain. Ang kinain ko - dalawang order ng kanin at "menudo" na napakaraming green peas, parang yung green peas ang binayaran eh. Pagkatapos ng tanghalian, pahinga konti at biyahe na papuntang jump-off.
Mga 2pm-2:30pm naman kami dumating sa jump-off. Bayaran time! Registration at bayad sa jeep - Damage: 300 pesos. Bayad sa guide (1 guide is to 10) - Damage: 35 pesos. Habag insinasaaayos pa ang guide at ang registration, picture taking muna. By 3pm, sinimulan na ang trek papuntang paanan ng bundok. Dadaanan namin ang beach!
Nice view habang naglalakad papuntang paanan ng bundok.
Eto pa! Another nice view!
Ang sarap magpaiwan sa beach! Maganda ang mga tanawin at parang tinatawag ka ng mga alon na magtampisaw sa may shoreline. Nasabi ko na lang sa sarili ko na matitikman ko din yan bukas pagbaba.
Narating namin ang unang resting area, isang sari-sari store. Bilihan sila ng softdrinks at cobra energy drink. Dito na ang paanan ng bundok at simula ng hirap sa pag akyat. Parang pag may gustong ipaamin sa iyo ang mga magulang mo eh, papakainin ka muna ng masarap, saka ka paaaminin sa ginawa mo^^
Pagkatapos sa tindahan, sinimulan na namin ang trek pataas. Mga 4:30pm ay dumating naman kami sa pangalawang resting area - tindahan ng Halo-Halo! Syemps, tinikman ko! Eto ang patunay.
Mabuti na lang nabigyan ako agad ng Halo-Halo!
Eto naman ang set-up ng tindahan ng Halo-Halo.
Pagkatapos ng Halo-Halo escapade, tuloy ang trek! Mga 5pm naman nakadating kami sa pangalawang tindahan ng Halo-Halo! Ayos din dito, mahusay gumawa ng paraan ang mga locals para sa extra income :D
Eto yung pangalawang tindahan.
Pahinga ng kaunti at pagkatapos, trek na ulit. Ang sumunod na resting place namin ay yung mga malalaking bato bago umabot sa tinatawag nilang zig-zag na paakyat.
Sabi ni Sir Joemin: "Akin ang lahat ng nakikita ninyo!"
Astig yung binti! 2 colors.
Magdidilim na ng tumuloy kami pagkatapos ng sandaling pahinga. Ang sumunod na resting area pagkatapos ng matinding assault sa zig-zag ay yung koprahan. Dahil madilim na, walang picture taking. Niloloko pa nila ang isa naming kasama kasi nakaapak sa putik na malalim, parang magsasaka daw tuloy. Ang hindi nila alam. . . (mamaya malalaman ninyo!)
Eto nga pala ang itsura ng koprahan, nakakuha na kami ng picture nung pabalik na ng umaga.
Hindi pwedeng wala akong kuha dito!
Chill lang daw^^
Noong unang ini-oorganize ang climb, ang sinasabi lang sa mga e-mails ay ito:
- Aabutin tayo ng dilim sa trek.
- Madalas umulan sa lugar dahil sa fog
- May madadaanan na beach
- May tindahan pa ng Halo-Halo
- May mga bantay-salakay din na aso kaya pinagiingat kami sa mga baon naming food
Pero walang nagsabi na napakaputik na kapag malapit na sa summit! Ang mga nabanggit sa itaas ay napaghandaan ko lahat! Pero ang makipagsapalaran sa putik, ibang usapan na yan. Ang matindi pa, pinulikat pa ako nung malapit na sa campsite. Buti na lang minor-minor lang yung cramps, wala pang 10 minutes ay naglalakad na ulit ako.
Nakarating kami sa summit ng mga 9pm. Pahinga ng kaunti at nag set-up na ng mga tent. Yung iba, naghanda sa pagluluto ng hapunan. Nakatulog naman ako sa sobrang pagod at nagising na ng mga 2am. Inabutan ko na lang ay limag tao na nagiinuman. Kumain ako ng kaunti at nakipagkwentuhan hanggang gisingin nila ang iba pa ng mga bandang 4am at nagpicture taking na lang hanggang mga 5am. Habang nag pipicture-taking ang grupo ay siya naman sila sa paghahanap ng sisig. Yun pala inaso na! Sayang naman, apat na balot yun saka nakapaghanda na sila ng panggisa at butter. Yung unang nawawala ay ang butter, tapos yung sisig na pala! Natagpuan na lang ang plastic ng sisig sa may di kalayuan kinaumagahan. Napakahusay ng aso sumalisi. Astig! Napakalamig sa summit dahil sobrang lakas ng hangin, mahamog pa pagdating ng madaling-araw.
Eto na ang sinasabing foggy air^^ OO nga pala, may sarili na akong tent, yung green na natatakpan ng blue tent sa kanan sa picture :p
Nakatulog ulit ako ng mga 5:30am, ang mga naiwang gising ay tuloy lang sa picture taking, inabangan ang pagsikat ng araw. Ginising na lang ako ng mga 9am para maghanda sa pagbaba. Nahirapan kami sa unang phase ng pagbaba dahil sa - PUTIK! Pero nakuha namin ng 4 hours ang pagbaba kaya ayos na ayos! Nagkaroon kami ng sandaling beach time at masayang umuwi sa bagong karanasan.
Sa January 2011 daw ang susunod na climb. Sana sa hindi maputik naman^^
Napakasarap ng pakiramdam ng nature tripping. Napakagandang change of scenery naman. Puro infrastructure kasi ang nakikita ko sa paligid. Mabuti naman at may mga lugar pa din sa ating bansa na "almost untouched by industrialization" kaya dapat nating samatalahin ang mga ganitong pagkakataon.
Napakasarap ng pakiramdam ng nature tripping. Napakagandang change of scenery naman. Puro infrastructure kasi ang nakikita ko sa paligid. Mabuti naman at may mga lugar pa din sa ating bansa na "almost untouched by industrialization" kaya dapat nating samatalahin ang mga ganitong pagkakataon.
2 comments:
sir meron kulang sa blog mo...eto dagdag ko..nawala ang mahahaling sisig!!!bago start ng inuman magluluto dpat ng sisig kso sbi ni Sir Joemin nawawala ang butter. Tpos mga 4am sabi nman ni Joel nawawala daw ung sisig nkita daw nla butter, alin ba talaga nawawala???butter or sisig. Nung umaga na nhanap ni willy ang plastic ng sisig sa my damuhan un pla tinira n ng aso ang mamahaling sisig...Dpat indi k dn ntulog ng 5am kc sarap dun sa may summit ganda ng sunrise and grabe ang fog.
Hindi ko na kaya eh, tumitigas na yung mga binti ko^^
Post a Comment