Malapit na naman ang pasko.
At kapag ganitong mga panahon, nagiging common fixture ang mga nagtitinda ng puto bumbong, mga customized na parol at kabi-kabilang tiangge at bazaars. Syempre, hindi rin mawawala ang kabi-kabilang mga SALE sa mga kilalang malls. Ang namimiss ko sa lahat ay yung mga nag-caroling na mga bata gabi-gabi. Kasi ba naman mahigit apat na taon na ako sa panggabi kaya bihira na ako makasaksi ng mga caroling at kung makasaksi man, hindi naman maayos ang pag-awit ng mga bata.
Pero eto ang matindi, isa pang naging common fixture kapag buwan ng December at umaabot na hanggang bagong taon ay ang mga biglaang sumasampa sa mga jeep na . . . (pause) . . . Badjao >.<
Dala ang mga "custom" (read: gawa sa recycled na mga lata) na drums at mga "personalized" (read: sila mismo ang nagsulat ng Christmas message, sweet di ba?) na sobre, matiyaga silang sumasakay sa jeep habang nakatigil sa kalsada, isa-isa nilang iniaabot ang mga sobre sa mga pasahero at showtime na! Tutugtugan nila kayo ng hindi maintindihan na awitin nga mga isang minuto hanggang dalawang minuto at pagkatapos ay mangongolekta na ng mga sobre.
Eto ang isang sample ng "personalized" na sobre^^
nakuhaan ko yan habang papuntang Festival Mall kahapon
Eto ang matindi, kapag hindi ka nagbigay, sila pa ang galit! Choosy pa! May nag-abot ng piso, hindi kinuha! Biktima sila ng maling akala na maganda ang buhay sa siyudad. Ibang-iba na talaga ngayon, grabe, mayroon pang ibang raket na mga sumasakay sa jeep, mga nagbibigay ng "solicitation letters" na kunwari mga mangagawa ng kung anong NGO na ang layunin ay makatulong (daw) sa mga kapus-palad. Pareho lang ang sequence. Sasampa sa jeep, mag aabot ng mga sulat, kaunting speech sabay kakantahan kayo ng awiting pamasko. Astig! Kahit anong gagawin para pagsamantalahan ang Christmas Season.
Sa mga pasahero, mag ingat kayo, baka may mga kasamang mandurukot ang mga yan, front lang ang entertainment nila, yun pala may malikot na kamay na sa bag mo o sa bulsa mo at wala na ang pinaghirapan mong salapi.
Eto pala, bonus sa mga wala pang nabibili na pambalot ng regalo.
dito na kayo bumili ng X-Mas Wraffer ^^v
Sa mga gustong malaman kung saan, PM lang ninyo ako.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!
No comments:
Post a Comment