December 18, 2010, pagkatapos ng shift sa trabaho.
Location: Antipolo Church, Antipolo City
Ako at ang ilang piling mga kasamahan sa trabaho ay naimbitahan na dumalo sa isang kasal, isang linggo bago ang araw ng Pasko. Noong una, parang walang mga balak na dumalo ang mga katrabaho ko. Mabuti na lang at two weeks before ng kasal, nagkaroon kami ng concrete na gameplan upang makadalo sa kasal ng aming supervisor, si Ma'am Bernadette ng Antipolo^^
Unang nabuo ang listahan ng mga sasama, may sigurado na dadalo, may tentative at may "it depends on the situation". Kaya naman ang unang plano ay TAXI paakyat sa Antipolo, hati-hati sa pamasahe. Ang plano naman sa pangregalo, hati-hati din, may amount na naka-set. Yung ibang hindi sasama, mag-aambag na lang daw para sa regalo.
Ang ending, labindalawang tao sa iang L300 Van - laban na!
Masaya ang naging biyahe namin on the way, madaming topic na na cover - BONUS ngayong December at ang false rumor na may BONUS na daw. Mga relasyon, sino ang susunod na ikakasal, current events at kung ano - ano pa na maisisingit para maging mas masaya ang biyahe.
8:30 am kami umalis sa trabaho (bago yun, nagkaroon muna kami ng short meal sharing kasama ang team ko - pizza, spaghetti saka maja masaya naman sana ang lahat kahit sa kaunting oras na nagkasalo-salo kami), 10:00 am kami nakarating sa Antipolo. Mabangis ang nakuha namin na driver - maabilidad, partida pa yan, may hinintay pa kami sa Pateros ng may 10-15 minutes, nagpahangin ng gulong at nagpagasolina pa.
Dahil maaga kami nakarating, nakapaglibot na kami sa simbahan, nakapag-McDo pa saglit (pero sa KFC naka-park yung van), laman tiyan bago sa reception^^ 11:00 am na ng nagsimula ang kasal at natapos ng 12:00 pm, pero syemps, may photoshoot pa (with family and friends for the memories) kaya more or less mga 12:30 pm or 12:45 pm na kami naka-alis ng simbahan.
Mga eksena sa loob at labas ng simbahan:
Habang naghihintay na kami naman ang makasama sa photoshoot ng bagong kasal
Habang naghihintay (pa rin) na kami naman ang makasama sa photoshoot ng bagong kasal
Wala kaming pakialam, tinatawag na kasi ang mga "friends" para sa photo-op kasama ang bagong kasal pero wala pa din, kami daw muna mag photo-op ng sarili namin with our beloved MT bago pumunta sa may altar (pasaway)^^
Eto na! Friends with the newlyweds.
Eto pa! Friends with the newlyweds.Wacky shot pero low-batt na. Pinaka wacky na yan.
Eto na! Friends with the newlyweds.
Eto pa! Friends with the newlyweds.Wacky shot pero low-batt na. Pinaka wacky na yan.
Ang bagong kasal - sa may pintuan ng simbahan habang sinasabuyan ng mga flower petals
Isang pamatay na pose muna bago tumuloy sa reception^^
Syemps, magpapahuli ba ang mga taga-ADEC? Isang pamatay na pose din with MT, mga todo ang smile pero deep inside, mga gutom na (umabot na nga sa point na nag-meeting na kami kasi gusto na nga na mauna sa reception), behind the smiles is the hunger that lurks from within
At hanggang sa Antipolo, binigyan kami ng "sign" - isang kahon na may tatak na NFC. Ito na ba ang hinihintay naming lahat sa trabaho?
Ayos! Sa reception naman ang punta. "Babawiin" daw namin (may pagbabanta pa eh) ang pagdalo sa kasal sa pamamagitan ng pagkain ng sulit sa reception^^ Maganda ang naging pwesto namin, malapit sa buffet.
Eto pala ang binanatan namin sa reception. Matira ang matibay!
Eto pa, para akong bantay-salakay sa may buffet table, nagnakaw kasi ng picture ng handa^^
Eto naman ang kinalabasan ng plato ko pagkatapos naming pumila, lagot na kelangan sunugin sa gym pagbaba ng Manila, iba talaga pag december, parang may sumpa na madagdagdagan ang timbang mo (badtrip yung taga-sandok ng carbonara, dinumihan yung plato ko, pipivturan ko nga eh^^)
Dalawa ang buffet table, dalawa din ang pila. Nakabuo tuloy kami ng plano, pagkaubos ng unang plato - pila naman sa pangalawang buffet table^^ para daw sulit na sulit ang akyat sa Antipolo. Magandang plano, pero hindi gumana. Nabusog na kami eh. Mabigat na sa tiyan ang nakain namin tapos wantusawa pa ang iced tea.
Yan ang totoong BOTTOMLESS! Free-flowing ang iced tea, isasahod mo na lang ang baso mo. Mahusay ang nakaisip nito, natuwa ako^^ Sana may ganito din sa opisina, ay meron nga pala, hindi nga lang free-flowing pero bottomless pa din naman (mineral water - HAHA)
Habang kumakain, may program at may photobooth! Nagiging magandang source of income na itong uri ng raket ah! Parang gusto ko din na magkaroon. Syempre, hindi kami papayag na walang pictures sa reception. Ginawa naming photobooth ang reception area, na makikita ninyo sa mga susunod na larawan.
Photobooth muna:
Photo Wall naman (sariling photo wall ng mga taga - ADEC sa reception):
Photobooth muna:
Iba talaga kapag busog na ~.~
Iba talaga kapag busog na ~.~
Photo Wall naman (sariling photo wall ng mga taga - ADEC sa reception):
Velasco Brothers Antipolo tour 2010 (with muse)
Promotional poster ng 2010 Entry sa Metro Manila Film Festival - Ang Tanging Ina (Last Na 'to)
May sarili kaming photo wall sa reception.
Syemps, bago lumabas ng reception area, isang wacky shot muna kasama ang bagong kasal (wacky na yan, mga puyat kasi galing sa trabaho, mga low-batt na ang karamihan).
Pagkatapos ng reception, hindi kami papayag na walang picture, this time, sa labas naman ng reception area. Sulitin ang moment!
Makikita dito na ayaw talaga namin na magpapicture, nadala lang siguro ng moment
Isa pa daw, one for the road.
May humirit pa, alangan ba naman na hindi namin pagbigyan? Syemps, pose ulit!
Masaya kaming nakauwi (ako nagpaiwan - dumaan kay lola sa Robinson Homes, isang sakay lang galing reception.), pagod pero sulit. Tumatak sa isip ko ang sinabi ng groom - TIME. Ito daw ang pinakamagandang regalo na natanggap nilang bagong kasal. Dahil nga may kalayuan daw, lubos lubos ang pasasalamat nila sa mga dumalo at nakisaya sa iang hindi malilimutang araw sa buhay nilang dalawa. Ako naman ay natuwa, ang grupo namin, kasama ang iba pang dumalo ay naibigay ang masasabi kong pinaka importanteng gift sa araw na iyon - ang aming oras at ang aming presence.
Matagal na din na huli akong nakadalo sa isang kasalan, 13 years old ako nang huli akong nakadalo sa ganitong kasiyahan, that time wala akong pakialam sa ceremony at program, sabihin na natin na nandoon ako kasi kamag-anak ko ang ikakasal. Pero ngayon, iba na ang pananaw ko. Sa pagdalo sa kasal na ito, hindi nawala ang paniniwala ko na ang pagpapakasal ay buhay pa din sa puso nag mga TUNAY na nagmamahalan. Karamihan kasi ay mga naglive-in lang at magpapakasal lamang (sa huwes pa minsan) kung nabuntis ang babae.
Habang ako ay papauwi ng Manila, napapaisip na tuloy ako, kung ano ang magiging itsura ng kasal ko (kung may papatol HAHA).
Disclaimer: Ang mga picture na ginamit ko sa blog entry na ito ay hindi sa akin, ito ay kuha sa mga album sa facebook ng mga katrabaho ko, pasensiya na po, walang DigiCam, palpak sa cellphone ko yung ibang kuha. Maraming salamat sa mga nakuhaan ko ng pictures.
No comments:
Post a Comment