Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label Festival Supermall. Show all posts
Showing posts with label Festival Supermall. Show all posts

Monday, October 17, 2011

OctobeRun 2011

Date: October 9, 2011
Place: Bonifacio Global City, Taguig
Accomplice: John Paul Lipardo

Late post! Samalat sa isang EPIC FAIL na Internet connection last week, lahat ng naitype ko at naiupload ko na pictures para sa post na ito ay nawala! Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng free time para subukan na ibalik ang dapat na naka-post na noong isang linggo pa!

Simulan na natin. Sunday ng madaling-araw, tama lang ang oras namin pagdating sa Alabang. Ang problema, ginawang terminal ng bus na sinasakyan namin ang gasolinahan bago lumabas ng tollgate. Hindi na ako nakapag-light breakfast dahil gusto namin na maaga makarating sa venue, wala namang malipatan na bus na diretso sa Ayala. Ang ending - LATE! Late si John Paul para sa 21K run ng mga 15 minutes! Mabuti na lang sa 5K ako :)

Mabuti na lang din, nahila ako nung sabado ng umaga na mag-HEAVY breakfast sa Army Navy sa may Westgate Alabang. Solid yung kinain ko. Pwede na din tumakbo para sa 5K.

Mga 5:35am ang start ng race para sa 5K. Medyo madilim pa pero okay naman, kita pa din ang tatakbuhan. Narito ang ilang mga kuha ng early stages ng run:








Pagkaraan ng ilang mga sandali, may blessing na dumating. UMULAN! Hindi lang basta simpleng ulan, yung masarap na ulan, hindi malakas pero mababasa ka mga ilang sandali lang. Inabot ako ng ulan sa may simbahan. May mga runner na sumilong muna sa simbahan para magpatila ng ulan. Hindi ko na magawang sumilong. Nag-enjoy na lang akong tumakbo sa ulan. Tamang-tama, unang official race ng bagong sapatos ko, unang beses ko din na tumakbo sa ulan sa isang official na race. Sayang nga lang at hindi nagtagal ang ulan. Mga pictures pagkatapos kaming basain ng ulan:







Hindi rin nagtagal, natapos ko ang 5K run. Hindi naman gaanong nakakapagod salamat sa ulan. Nagulat ako dahil pagdaan ko mismo sa finish line ay iniabot na sa akin ang loot bag. May bonus singlet salamat sa Pocari Sweat syempre kasama na din ang isang bote ng Pocari Sweat, raisin wheat bread, isang energy bar mula sa Lemon Square at isang saging! Nabawi ang pagod ko. Eto naman ang official time ko mula sa site:


Not bad. Hindi nalalayo sa PR ko na
00:45:17 sa Run 4 Life noong May 15, 2011. Dapat ma-beat ko naman ito sa October 23, sa Adidas King of the Road 2011. May mga mahigit isang oras ko din na hinintay si John Paul na sa 21K tumakbo. Habang naghihintay, naglibot muna ako sa "Race Village" sa mga sponsor booths. Nakakuha ako ng maraming Lemon Square energy bars, yung mga peanut ang flavor ibinigay ko kay John Paul.

Hindi rin naman ako nagpahuli sa booth ng Rogin-E. Pabalik-balik ako sa booth at nagpapakita sa iba't-ibang mga bantay para bawat balik ko ay may free vitamins ako. Tagumpay naman ako. Madami akong nakuhang vitamins tulad ng sabooth ng Lemon Square, madami din akong nakuhang energy bars.

Hindi pa dumadating si John Paul, nagsimula na ang awarding. Nakuhaan ko ng picture ang mga Kenyan na kinuha ang 1st, 2nd at 3rd place finishes sa magkakaibang category. Weekly job na nila ito :) maganda pang training para sa kanila.



Sa wakas! Dumating na din si John Paul, dala ang kanyang finisher's shirt at medal, hindi magiging kumpleto ang araw kung walang souvenir shots. Bago matapos ang event, sinigurado namin na may mga pictures kami. Narito ang ilang mga kuha:







Lumisan kami sa "Race Village", masaya dahil madaming naiuwi^^ Nag-agahan sa Jollibee, nag-ikot sa Market! Market! at umuwi na after lunch. Oo nga pala, nanood pa kami (at kumain sa Wendy's) ng Johnny English Reborn ni Charlie sa Festival Mall. Hindi pala ako nakauwi kaagad. Nakauwi na ako sa bahay bandang 10:00pm na.

Ito na ang naging warm-up ko para sa Nike We Run Manila 2011.


Monday, October 10, 2011

Rated PG (Patay-Gutom) The 13th Wave

October 9, 2011
Accomplice: Charlie Kate Bercasio
Venue: Wendy's Festival Mall, Alabang


Sunday ng hapon, pagkagaling ko sa isang Fun Run sa Bonifacio Global City, nakipagkita ako sa isa kong kasama sa trabaho. Kasama ko siyang kumain ng merienda bago tumulak na panoorin ang pelikulang Johhny English Reborn! Ang napili naming kainan ay Wendy's sa Festival Mall.


Ang merienda namin!
 
Ang bida^^
 
Ang kontrabida!
 
Ala Ramon Bautista :)

Pahingi ng French Fries
 
Ang order ko!
 
Ang order niya!
 
Nagkalat yung cheese :)
 
Hindi daw siya makapaniwala sa nagkalat na cheese^^
 
Model ng Wendy's na baso at straw^^


Ayaw ni Charlie ng BIGGIE kaya naman large na lang ang upgrade namin.  Okay ang bagong French Fries sa Wendy's, Natural-Cut na (kasama pa ang balat) at saltwater pa ang gamit nilang pampaalat. Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang ng kaunti at nanood na ng Johnny English Reborn.


Iba pa din kapag may kasabay kang kumain. "It's not the food, it's the bonding"

Tuesday, January 18, 2011

RPG Metanoia in Review


"Sa wakas!" Ito lang ang nasabi ko habang nakapila sa pagbili ng ticket para mapanood ang pelikulang RPG Metanoia. Una ko pa lang na nakita ang trailer ng pelikulang ito sa Level Up! Live 2010 noong November, nagkaroon na ako ng mindset na dapat mapanood ko ang pelikulang ito. Dumaan ang 2010 Metro Manila Film Festival nitong December pero parang hindi ako makahanap ng oras para pumunta sa sinehan, nasa mall naman ako pag Linggo kasi nag-Gym ako. Hanggang abutin na ako ng New Year, sa totoo lang, pwede ko namang panoorin ang pelikula noong January 1, 2011, pagkauwi ko sana galing sa trabaho, kaya lang nakatulog ako maghapon, tapos kinabukasan naman, sinamahan ko ang bunso naming kapatid na bumili ng bagong cellphone.

Ganoon na nga ang nangyari, at unti-unti na akong nawalan ng pag-asa na mapanood ang nasabing pelikula. Hanggang sa inabot na ako ng January 10, 2011, pero nakita ko na showing pa kaya nagkaroon ako ng pag-asa, wala namang ibang foreign films na naka line-up sa first two weeks ng January kaya nabuhayan ako ng loob. At hindi nga ako nabigo sa pagkakataong iyon, nakapanood na din ako nitong Linggo lang, pagkagaling sa gym. Sinungitan pa nga ako ng bantay kasi wala daw siya panukli sa ibinayad ko. Pagpasok ko pa nga sa loob ng sinehan, akala ko ako lang tao, natakot tuloy ako. Pero nag masid-masid ako, may nauna na pala sa akin, mga apat na tao! Lima na kami nung nagsimula ang pelikula hanggang sa matapos :)

Punta na tayo sa aking buod pero maikling buod lang para hindi masyadong spoiler. Nakakatuwa kasi after so many years, nagkarron na tayo ng locally produced 3D movie na maipagmamalaki natin na sariling atin. Kaya dapat tayong mamangha sa sariling atin. Eto na yung simula eh, kaya dapat nating suportahan.

Umiikot ang kwento kay Nico at ang kanyang pagkahilig sa MMORPG (Massively Multiplayer Online Role Playing Game). Kaya ito ang first choice ko na panoorin para sa filmfest ay sa kadahilanang isang MMORPG player din ako (FlyffPH) kaya naman nakarelate kaagad ako simula pa lang. Sa sobrang husay niya sa loob ng laro, naging malakas ang avatar niya. Hanggang sa napapabayaan na niya ang "totoong buhay". Mas engaged pa siya sa paglalaro ng MMORPG kasabay ng kanyang mga kaibigan. (Dumaan din ako dito na halos araw-araw 2-3 hours ako online para palakasin ang avatar ko, nakalimutan ko na din alagaan ang sarili ko kaya tumaba ng husto).

Madalas ay dumadayo pa siya sa bayanan nila para makapag-online sa isang computer shop na ang pangalan ay "Bomb Shelter" kasama ang kanyang mga kaibigan. May dalawang bully na pinaalis sila palagi sa computer shp sa hindi ko maintindhiang dahilan (bully lang kasi). Nakipagpustahan sila sa kahit anong laro na kapag nanalo ang mga bully ay aalis na sila sa computer shop at hindi na ulit maglalaro, kung sila naman ang mananalo, hindi na sila guguluhin ng mga bully. Dito na lumabas ang pagkabano ni Nico in real life. Mabuti na lang, tinulungan sila ng isang girl sa game kaya nanalo sila.

Hanggang sa kumalat ang isang virus sa loob ng laro na parang nahihipnotize ang isang gamer at kailangan niyang palaging nakatutok sa harap ng monitor. Naapektuhan nito ang iba't-ibang server around the world hanggang sa maifeature pa ito sa news. Sa pagkakataong ito, kailangan na mag-join force ang mga natitirang Metanoia players upang matalo ang in-game virus na ito.


Ganoon nga ang nangyari, pero hanggang dito na lang ang buod ko kasi hindi na masaya kung ikwento ko lahat. Sa mga nagbabasa nito na hindi pa napapanood, I recommend this movie. Sa mga nakapanood na, sana pareho tayo ng verdict.

Maganda ang pelikula sa kabuuan. Nandito ang mga pinoy elements. Sa panahon ngayon, bihira na tayo na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye ng patintero, tumbang preso, shato, agawan-base, monkey-anabelle at taguan. Nandito din ang filipino value na sama-sama ang pagkain ng hapunan. Kung may isang bagay ako na namimiss ngayon ay ang sabay-sabay na pagkain namin bilang isang pamilya kaya natouch ako ng makapanood ng ganitong eksena sa pelikula. Maganda ang animation ng tricycle. Isang area of improvement na lang siguro ay ang dubbing. Pero overall 9 out of 10 pa din para sa akin. Mabuhay ang pelikulang Pilipino, ito na ang future natin.

Malapit na ang February, sana ay may magandang pelikula ulit at sana may kasama naman na akong manood ng pelikula. Nakaabot din sa filmfest, yun nga lang, lima lang kaming nag filmfest sa loob. :p

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)