Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger
Showing posts with label 3D. Show all posts
Showing posts with label 3D. Show all posts

Thursday, December 1, 2011

Movie Time Plus Rated PG (Patay-Gutom) The 18th Wave

November 30, 2011
Accomplices: Charlie Kate Bercasio, Sophia Dela Rama, Alvin John Tolentino
Venue: Alabang Town Center

Napagkasunduan, movie time bago pumasok. Ang setting, Alabang Town Center para daw maayos ang panonood kasi may oras na sinusunod. All set na. Dapat sana ay magpapareserve sa sureseats na site kaya lang may "Reservation Fee" pa na nalalaman kaya naman ako nag napiling "volunteer" para bumili ng ticket ng maaga.

Ang napiling pelikula - Happy Feet 2 (in 3D). Sa totoo lang, ito ang unang beses ko na makakapanood ng 3D Movie. Ang rating para sa una kong 3D experience ay - Two Thumbs Up! Hindi ko aakalain na mag-eenjoy ako. Talagang malayo na ang naging technological advancement sa film industry. Parang gusto ko tuloy na manood ng Avengers Movie sa susunod na taon ng 3D (kung mayroon). Enjoy! Sulit ang pagiging late :)

Hindi na nga gaanong napansin ang baon naming popcorn, (isang bucket pa naman) masyado kaming nalibang sa pinanonood namin^^

Pagkatapos ng pelikula, isang remembrance shot para sa dalawang angels with their 3D glasses na gustong iuwi:


Sunod naman naming hinanap ay ang makakainan bago pumasok sa trabaho. Ang malapit - Mc Donald's ATC. Quick snack lang at short photoshoot  with the Mc Donald's mini toys and our snack bago pumasok. Kaunting kwentuhan habang kumakain. At paghahanda para sa susunod na 8 hours para sa aming shift. Ang mga evidence:

Hindi halatang mga walang gaanong tulog (look at the eyes)
 
Model ng Taters
 
Tapos na po ang Halloween
 
Nice Earrings!

The baby and the mothership

The snack :)
 
The Toys^^
 
Sarap maging bata :p

Tamang-tama lang ang dating namin, 11:00pm, sinimulan ang shift ng masaya, tinapos din ng masaya. Puyat, pagod, pero MASAYA. Sana palaging ganito, MASAYA!

Tuesday, January 18, 2011

RPG Metanoia in Review


"Sa wakas!" Ito lang ang nasabi ko habang nakapila sa pagbili ng ticket para mapanood ang pelikulang RPG Metanoia. Una ko pa lang na nakita ang trailer ng pelikulang ito sa Level Up! Live 2010 noong November, nagkaroon na ako ng mindset na dapat mapanood ko ang pelikulang ito. Dumaan ang 2010 Metro Manila Film Festival nitong December pero parang hindi ako makahanap ng oras para pumunta sa sinehan, nasa mall naman ako pag Linggo kasi nag-Gym ako. Hanggang abutin na ako ng New Year, sa totoo lang, pwede ko namang panoorin ang pelikula noong January 1, 2011, pagkauwi ko sana galing sa trabaho, kaya lang nakatulog ako maghapon, tapos kinabukasan naman, sinamahan ko ang bunso naming kapatid na bumili ng bagong cellphone.

Ganoon na nga ang nangyari, at unti-unti na akong nawalan ng pag-asa na mapanood ang nasabing pelikula. Hanggang sa inabot na ako ng January 10, 2011, pero nakita ko na showing pa kaya nagkaroon ako ng pag-asa, wala namang ibang foreign films na naka line-up sa first two weeks ng January kaya nabuhayan ako ng loob. At hindi nga ako nabigo sa pagkakataong iyon, nakapanood na din ako nitong Linggo lang, pagkagaling sa gym. Sinungitan pa nga ako ng bantay kasi wala daw siya panukli sa ibinayad ko. Pagpasok ko pa nga sa loob ng sinehan, akala ko ako lang tao, natakot tuloy ako. Pero nag masid-masid ako, may nauna na pala sa akin, mga apat na tao! Lima na kami nung nagsimula ang pelikula hanggang sa matapos :)

Punta na tayo sa aking buod pero maikling buod lang para hindi masyadong spoiler. Nakakatuwa kasi after so many years, nagkarron na tayo ng locally produced 3D movie na maipagmamalaki natin na sariling atin. Kaya dapat tayong mamangha sa sariling atin. Eto na yung simula eh, kaya dapat nating suportahan.

Umiikot ang kwento kay Nico at ang kanyang pagkahilig sa MMORPG (Massively Multiplayer Online Role Playing Game). Kaya ito ang first choice ko na panoorin para sa filmfest ay sa kadahilanang isang MMORPG player din ako (FlyffPH) kaya naman nakarelate kaagad ako simula pa lang. Sa sobrang husay niya sa loob ng laro, naging malakas ang avatar niya. Hanggang sa napapabayaan na niya ang "totoong buhay". Mas engaged pa siya sa paglalaro ng MMORPG kasabay ng kanyang mga kaibigan. (Dumaan din ako dito na halos araw-araw 2-3 hours ako online para palakasin ang avatar ko, nakalimutan ko na din alagaan ang sarili ko kaya tumaba ng husto).

Madalas ay dumadayo pa siya sa bayanan nila para makapag-online sa isang computer shop na ang pangalan ay "Bomb Shelter" kasama ang kanyang mga kaibigan. May dalawang bully na pinaalis sila palagi sa computer shp sa hindi ko maintindhiang dahilan (bully lang kasi). Nakipagpustahan sila sa kahit anong laro na kapag nanalo ang mga bully ay aalis na sila sa computer shop at hindi na ulit maglalaro, kung sila naman ang mananalo, hindi na sila guguluhin ng mga bully. Dito na lumabas ang pagkabano ni Nico in real life. Mabuti na lang, tinulungan sila ng isang girl sa game kaya nanalo sila.

Hanggang sa kumalat ang isang virus sa loob ng laro na parang nahihipnotize ang isang gamer at kailangan niyang palaging nakatutok sa harap ng monitor. Naapektuhan nito ang iba't-ibang server around the world hanggang sa maifeature pa ito sa news. Sa pagkakataong ito, kailangan na mag-join force ang mga natitirang Metanoia players upang matalo ang in-game virus na ito.


Ganoon nga ang nangyari, pero hanggang dito na lang ang buod ko kasi hindi na masaya kung ikwento ko lahat. Sa mga nagbabasa nito na hindi pa napapanood, I recommend this movie. Sa mga nakapanood na, sana pareho tayo ng verdict.

Maganda ang pelikula sa kabuuan. Nandito ang mga pinoy elements. Sa panahon ngayon, bihira na tayo na makakita ng mga batang naglalaro sa kalye ng patintero, tumbang preso, shato, agawan-base, monkey-anabelle at taguan. Nandito din ang filipino value na sama-sama ang pagkain ng hapunan. Kung may isang bagay ako na namimiss ngayon ay ang sabay-sabay na pagkain namin bilang isang pamilya kaya natouch ako ng makapanood ng ganitong eksena sa pelikula. Maganda ang animation ng tricycle. Isang area of improvement na lang siguro ay ang dubbing. Pero overall 9 out of 10 pa din para sa akin. Mabuhay ang pelikulang Pilipino, ito na ang future natin.

Malapit na ang February, sana ay may magandang pelikula ulit at sana may kasama naman na akong manood ng pelikula. Nakaabot din sa filmfest, yun nga lang, lima lang kaming nag filmfest sa loob. :p

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)