Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Weekend Warrior
Powered By Blogger

Tuesday, September 27, 2011

Banat for the Day

Patingin naman ako ng kamay mo. Anu ba 'to? Hindi naman pala malaki pero bakit parang hawak mo buong mundo ko?

Words of Wisdom

  1. If you can't see the bright side, polish the dull side.
  2. Kind words make good echoes.
  3. Life is short, pray long.
  4. The best things in life aren't things.
  5. No God, no peace. Know God, know peace.
  6. Life is a measure to be filled, not a cup to be drained.
  7. When you're green with envy, you're ripe for trouble.
  8. The tongue weighs practically nothing, but few can hold it.
  9. We stand tallest when we stoop to help others.
  10. We receive or achieve only when we believe.

Monday, September 26, 2011

Balik-Tanaw kay Bagyong Ondoy After 2 Years

Natagpuan ko dito. Magpasalamat tayo dahil after 2 years na nanalasa si Bagyong Ondoy ay wala pang nauulit na kasing grabe ng naranasan natin noon.

Bahay ko po (Bahay Kubo)
Bahay ko po,
Dami putik.
Ang pumasok doon ay sari sari.
Nilamas na karton,
Sirang medyas at damit,
Silya, basurang mapanghe.
Ondoy, parusa.
Binura Marikina
At saka meron pa
Lubog din ang Edsa.
Montalban at Pasig,
Taytay at Laguna.
Sa paligid-ligid ay puno ng baha.

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Moods ng Babae

kapag mabait sayo = TYPE KA
kapag palangiti sayo = CRUSH KA
kung binubugbog ka = NANGGIGIGIL SAYO
kung binabara ka = PATAY NA PATAY SAYO
kapag ini-snob ka = NAGPAPACUTE SAYO
kapag sinusungitan ka = MAHAL KA NIYA :)

Joke of The Day

Anong Maipaglilingkod Ko?

First day sa office ni Juan pagka-abogado.

Secretary: Sir may bisita po kayo.

Kinuha agad ni Juan ang telepono. Pa-bilib. Kunwari may kausap siya. Naghintay lang yung bisita. Nakikinig kay Juan.

Juan: Anong maipaglilingkod ko sa iyo?
Bisita: Wala sir, kakabitan ko lang ng linya yung telepono niyo.

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Sunday, September 25, 2011

Balik-Pagkabata :)

May kasabihan akong naririnig palagi na "Ang sarap maging bata, parang wala silang problema". Kapag pinanonood ko na maglaro ang mga bata, maging ako ay nainiwala dito. Tawanan, habulan, magkakatampuhan tapos magkakabati din naman kaagad. Nakakatuwa. Ganito sila halos araw-araw.

Eh papaano naman kaya kung ganito - "Ang sarap mag-isip bata paminsan-minsan, kahit papaano ay nakakalimot sila sa mga problemang araw-araw na hinaharap". Opo, tama kayo ng nabasa, panandalian kong binalikan ang pagiging bata at ng ilang mga kasama sa trabaho sa isang playground malapit sa clubhouse at basketball court ng isang subdivision sa San Pedro, Laguna.

Nandito na po ang mga larawan ng aming pagbabalik-pagkabata.

Sa slide :)




Sa see-saw ^_^





Nagsolo pa ako sa swing O.o


Masarap balikan ang mga ala-ala mula sa pagkabata lalo na kung madaming magagandang ala-ala. Naalala ko tuloy yung isang slogan na nakita ko yung "One life to live", tama itong slogan na ito eh, we only have one life to live, kaya dapat, we have to make the most out of it. Wala tayong oras na dapat sinasayang. Sabi din sa nadaluhan kong seminar noong 2005, "Ang pinakamalungkot na salitang tagalog ay - SAYANG".

Tama ito, dapat life without regrets. Gawin natin ang mga bagay na gusto nating gawin, sabihin natin sa taong mahal natin ang totoong nararamdaman natin dahil baka wala nang susunod na pagkakaton.

Ang sarap maging bata :)

Horoscope for Today

ARIES (Marso 20 - Abril 19) Tama ang paniniwala mo na kung ang babae ay may mabahong kili-kili, malamang na mabaho rin ang kanyang kabilang kili-kili.
 
TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) May good news at bad news. Ang good news, mananalo ka sa lotto. Ang bad news, mana­nalo ka sa susunod mo pang buhay.
 
GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 20) Iwasan ang mangutang sa taong wa­lang pera, lalo na kung kalbo. Baka magalit siya sa ‘yo at mag-away lang kayo at hamunin ka niya ng sabunutan.
 
CANCER (Hunyo 21 - Hulyo 20) Matutupad na ang kahilingan mong magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas, hindi nga lang malaman kung anong buwan ito ipatutupad kaya baka hindi rin matuloy.
 
LEO (Hulyo 21 - Agosto 20) Iwasang magalit sa buwan na ito. Dahil sa iyong pagiging magagalitin, marami ang makakapuna na lumalaki ang butas ng ilong mo.
 
VIRGO (Agosto 21 - Setyembre 22) Mananalo ka ng cellphone sa isang raffle. Usung-uso ito, manipis at malakas ang ringtone… sinlakas ng busina ng barko.
 
LIBRA (Setyembre 23 - Oktubre 22). Huwag mo munang pagbantayin ng tindahan si misis. Iniiwasan siya ng mga bumibili dahil mukha siyang mangkukulam. Magpaganda kamo muna siya.
 
SCORPIO (Oktubre 23 - Nobyembre 22) Hindi masama ang pagiging open-minded. Iwasan lang ang yumuko dahil baka malaglag ang utak.
 
SAGITTARIUS (Nob­yembre 23 -  Disyembre 22) May good news at bad news. Good news, gagawa na ng resignation letter ang masungit mong boss. Bad news, mare-realize niya na marami siyang anak at krisis ngayon, kaya hindi na siya magre-resign.
 
CAPRICORN (Dis­yembre 23 - Enero 19) Tama ang hinala mo na ma­buting umampon ng aso dahil mare-realize mo na hindi na siya (aso) dina­dalaw ng kanyang mga magulang.
 
AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 19) Para sa mga bading, magdala ng napkin dahil maaa­ring matupad ang pangarap mo na magkaroon ng period. ‘Yun nga lang, sa ilong mo aagos.
 
PISCES (Pebrero 20 - Marso 19) Huwag mo munang isangla ang cellphone mo. Makakatanggap ka ng text message na magdadala ng suwerte sa iyong kapitbahay.

-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Banat for the Day

Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka maghahanap ng wala sa kanya. Makukuntento ka kung anong meron siya. Tatanggapin mo kung anong maibibigay niya. Kaya nga nagmamahal dahil may nararamdaman ka at hindi dahil may kailangan ka.

Wednesday, September 21, 2011

Joke of the Day

Alphabetical Arrange

Amo: Inday, napunasan mo na ba yung keyboard ng PC ko?
Inday: Di ko lang pinunasan ate, inalphabetical arrange ko pa, di kasi sunud-sunod.


-----
Smile, it's the most priceless gift you can give to someone. You don't know what the other person is going through right now and a simple smile can brighten up someone's day.

Monday, September 19, 2011

Words of Wisdom

Some of the best things we should learn in life:

Before you say "I can't", make sure you've tried.
Before you let doubts stop you, confront them with facts.
Before fear holds you back, go forward with faith.
Before you believe others are better, show them your best.
Before you dismiss your dreams, wait till they've come true.
Before you go looking for happiness, make your own wherever you are.

Never give up if you know in your heart it's all you ever wanted.
 

Happy Birthday Vanessa (Late Post)

Date: September 10, 2011
Place: Langgam, San Pedro, Laguna
Accomplice: NNC Family (some, but not all)

Sabado ng umaga. Balak kong umuwi ng maaga dahil nag-confirm na ako na maglalaro sa isang basketball pick-up game malapi sa opisina. Bigla naman akong naimbitahan ni Vanessa (the celebrant), tinanong kung pupunta ako sa bahay ni Debi sa San Pedro. Kailangan ko na mag give up ng isang activity. Kinausap ko si Master Paul at sinabi niyang "kung pupunta ka, sasama ako, text-text na lang". Alam na, sunod ko namang kinausap si kamote, tapos sinabi niyang "kung pupunta ka, umuwi ka na tapos magkita tayo sa ATC", magpaparegister kasi siya sa Nike We Run Manila 10k Fun Run. Settled na, nagpaumanhin ako sa hindi ko pagkakasama sa pick-up game nung hapon na sana nung araw na iyon, umuwi sa bahay, natulog sandali para makasama sa celebration.

Hindi na sa ATC ang naging meeting place namin, sa Festival Mall na lang daw dahil nag-meet pa sila ng iba pang kasama, dito na din namili ng mga iluluto. Pagkatapos na mamili, diretso na kami sa terminal ng jeep papuntang San Pedro, Laguna.


Pagdating sa bahay nila Debi, pwestuhan na kaagad. Ang mga magluluto, sa kusina. Ang mga mag-iinuman, sa sala. Ako sa may TV, nanood ng basketball at nakikipulutan. Nasarapan ako sa mini-potatoes na ginisa sa butter at bawang. Ako na ata ang may pinskamaraming nakain na patatas.


Tuloy lang ang inuman at lutuan, mga bandang 5:00 PM ay naluto naman ang pancit bihon. Attack mode na ako. Masarap ang pancit habang mainit kaya alam na (hindi naman kasi ako nag-iinom).

Habang hinihintay ang ibang mga kasama, iba't-ibang picture taking muna. Eto ang mga hard evidence. Pasintabi na lang po.






Mga 7:00 PM naman dumating ang iba pa dala ang cake na binili galing sa Goldilocks. Sa pagkakataong ito ay inilabas na ang lamesa, tapos photo-op na. Walang oras na sinasayang ang team namin. Kainan, Inuman, Kwentuhan, Photoshoot. Yan ang apat na elementong nangibabaw sa mga sandaling iyon. Basta ang general rule ang kwentuhan pagbalik sa office ay - WALANG NALASING!!!











Ang star of the night - GOLDILOCKS cake!



Ang moment of truth - candle blowing ng celebrant!


Siyempre, photo-op ng friends at ng celebrant :)










Yung mga maagang umuwi, nauna na ang photo-op kasama ang celebrant. Isa na ako doon sa mga naunang umuwi.



Nauna na kaming umuwi ni Master Paul dahil mag gym pa kinabukasan. Pero, alam namin na masaya ang iniwan naming pagsasalo, hindi man nagtagal, nakasama naman namin sa ibang setting ang mga taong araw-araw naming kasama sa trabaho. Sabi nga, iba ang trabaho sa personal life, enjoy lang natin pag nasa labas tayo. Masarap isipin na may mga tunay kang kaibigan na handa kang samahan kahit ano ang mangyari.

Kapag may mga ganito akong post palagi ang pantapos ko ay ang walang kamatayang "Its not the food, it's the bonding." Ito naman ang talagang alam ko na pinakamagandang phrase na makakapag-describe sa mga ganitong salu-salo.







Tama naman ako di ba?

Happy Birthday Vanessa. Itong blog entry na lang gift ko sa iyo kahit late na :)

Total Pageviews

About Me

My photo
Online Gamer, Basketball Player, Mountaineer, Recreational Runner, Blogger, Comedian, Weekend Warrior, part-time TriAthlete (Kain, Tulog, Gala)