Date: September 10, 2011
Place: Langgam, San Pedro, Laguna
Accomplice: NNC Family (some, but not all)
Sabado ng umaga. Balak kong umuwi ng maaga dahil nag-confirm na ako na maglalaro sa isang basketball pick-up game malapi sa opisina. Bigla naman akong naimbitahan ni Vanessa (the celebrant), tinanong kung pupunta ako sa bahay ni Debi sa San Pedro. Kailangan ko na mag give up ng isang activity. Kinausap ko si Master Paul at sinabi niyang "kung pupunta ka, sasama ako, text-text na lang". Alam na, sunod ko namang kinausap si kamote, tapos sinabi niyang "kung pupunta ka, umuwi ka na tapos magkita tayo sa ATC", magpaparegister kasi siya sa Nike We Run Manila 10k Fun Run. Settled na, nagpaumanhin ako sa hindi ko pagkakasama sa pick-up game nung hapon na sana nung araw na iyon, umuwi sa bahay, natulog sandali para makasama sa celebration.
Hindi na sa ATC ang naging meeting place namin, sa Festival Mall na lang daw dahil nag-meet pa sila ng iba pang kasama, dito na din namili ng mga iluluto. Pagkatapos na mamili, diretso na kami sa terminal ng jeep papuntang San Pedro, Laguna.
Pagdating sa bahay nila Debi, pwestuhan na kaagad. Ang mga magluluto, sa kusina. Ang mga mag-iinuman, sa sala. Ako sa may TV, nanood ng basketball at nakikipulutan. Nasarapan ako sa mini-potatoes na ginisa sa butter at bawang. Ako na ata ang may pinskamaraming nakain na patatas.
Tuloy lang ang inuman at lutuan, mga bandang 5:00 PM ay naluto naman ang pancit bihon. Attack mode na ako. Masarap ang pancit habang mainit kaya alam na (hindi naman kasi ako nag-iinom).
Habang hinihintay ang ibang mga kasama, iba't-ibang picture taking muna. Eto ang mga hard evidence. Pasintabi na lang po.
Mga 7:00 PM naman dumating ang iba pa dala ang cake na binili galing sa Goldilocks. Sa pagkakataong ito ay inilabas na ang lamesa, tapos photo-op na. Walang oras na sinasayang ang team namin. Kainan, Inuman, Kwentuhan, Photoshoot. Yan ang apat na elementong nangibabaw sa mga sandaling iyon. Basta ang general rule ang kwentuhan pagbalik sa office ay - WALANG NALASING!!!
Ang star of the night - GOLDILOCKS cake!
Ang moment of truth - candle blowing ng celebrant!
Siyempre, photo-op ng friends at ng celebrant :)
Yung mga maagang umuwi, nauna na ang photo-op kasama ang celebrant. Isa na ako doon sa mga naunang umuwi.
Nauna na kaming umuwi ni Master Paul dahil mag gym pa kinabukasan. Pero, alam namin na masaya ang iniwan naming pagsasalo, hindi man nagtagal, nakasama naman namin sa ibang setting ang mga taong araw-araw naming kasama sa trabaho. Sabi nga, iba ang trabaho sa personal life, enjoy lang natin pag nasa labas tayo. Masarap isipin na may mga tunay kang kaibigan na handa kang samahan kahit ano ang mangyari.
Kapag may mga ganito akong post palagi ang pantapos ko ay ang walang kamatayang "Its not the food, it's the bonding." Ito naman ang talagang alam ko na pinakamagandang phrase na makakapag-describe sa mga ganitong salu-salo.
Tama naman ako di ba?
Happy Birthday Vanessa. Itong blog entry na lang gift ko sa iyo kahit late na :)
No comments:
Post a Comment