May kasabihan akong naririnig palagi na "Ang sarap maging bata, parang wala silang problema". Kapag pinanonood ko na maglaro ang mga bata, maging ako ay nainiwala dito. Tawanan, habulan, magkakatampuhan tapos magkakabati din naman kaagad. Nakakatuwa. Ganito sila halos araw-araw.
Eh papaano naman kaya kung ganito - "Ang sarap mag-isip bata paminsan-minsan, kahit papaano ay nakakalimot sila sa mga problemang araw-araw na hinaharap". Opo, tama kayo ng nabasa, panandalian kong binalikan ang pagiging bata at ng ilang mga kasama sa trabaho sa isang playground malapit sa clubhouse at basketball court ng isang subdivision sa San Pedro, Laguna.
Nandito na po ang mga larawan ng aming pagbabalik-pagkabata.
Sa slide :)
Sa see-saw ^_^
Nagsolo pa ako sa swing O.o
Masarap balikan ang mga ala-ala mula sa pagkabata lalo na kung madaming magagandang ala-ala. Naalala ko tuloy yung isang slogan na nakita ko yung "One life to live", tama itong slogan na ito eh, we only have one life to live, kaya dapat, we have to make the most out of it. Wala tayong oras na dapat sinasayang. Sabi din sa nadaluhan kong seminar noong 2005, "Ang pinakamalungkot na salitang tagalog ay - SAYANG".
Tama ito, dapat life without regrets. Gawin natin ang mga bagay na gusto nating gawin, sabihin natin sa taong mahal natin ang totoong nararamdaman natin dahil baka wala nang susunod na pagkakaton.
Ang sarap maging bata :)
No comments:
Post a Comment