July 30, 2011
Accomplice: Sophia Dela Rama
Venue: Kentucky Fried Chicken, Alabang Town Center
Sabado ng umaga. Maulan, pero hindi naman malakas. Dahil month-end, hindi maiwasan na madaming trabaho nung gabi ng July 29, 2011 hanggang sa kinaumagahan ng July 30, 2011. Nag-overtime ako at ang ilan sa mga kasama ko sa trabaho. Sa mga kasama ko sa trabaho, may isang kasamahan na "nagpresinta" na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos. Eh ano pa nga ba? Dahil desidido na itong batang ito na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos, dumiretso kami sa Alabang Town Center pagkatapos ng overtime namin.
Ganito na ang mga sumunod na nangyari, pagdating sa mall, withdraw ng pambili ng sapatos, diretso agad sa Athlete's Foot, nagsukat ng napiling sapatos at umakyat na kaagad sa Kentucky Fried Chicken. May ilang araw na rin akong kinukulit ng batang ito na kumain ng Tower Burger. Nagkaroon ng pagkakataon kaya naman hindi na nagdalawang-isip na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos, tutal, nag-overtime naman din siya, tamang-tama ang paglabas namin sa trabaho, bukas na ang mall.
Hindi na din namin pinatagal ang usapan, mabuti na lang dahi kabubukas pa lang ng mall, kakaunti pa lang ang tao. Maikli ang pila pagdating namin sa KFC. Order na agad, kuha ng magandang pwesto at "kaunting" picture taking for our good memories, baka matagalan pa bago kami makaulit makakain ng ganitong burger. Large fries, panalong kasama ng isang malaking burger. Eto po ang mga hard evidence ng Rated PG 10th wave:
Pagkatapos ng picture taking bago kumain, naka "attack" mode na kaming dalawa. Dahil makapal ang burger (Original Recipe Chicken Fillet, slice of Cheese, Hash Brown, Lettuce and Mayo dressing), medyo nahirapan ako sa diskarte kung papaano kakainin. Pero, dahil hindi ako nag 2nd break at feeling "PG" na talaga, nag-"freestlye" na lang ako. Bahala na, basta maubos ko ang burger. Nahuhulog ang mga lettuce pero okay lang, salo naman ng lalagyan ng burger, balikan ko na lang. Muntik ko na nga makalimutan na may large french fries pa ako! Si Pia, ganoon na din, nag-"freestyle" na din.
Natapos ang matinding bakbakan. Nanalo kaming dalawa. Mga pictures pa, bago matapos kumain at pagkatapos kumain. Nasabi ko habang nagpapahinga kami, "Sana palaging ganito, ang sarap mabusog"
Hindi pa kami nakuntento. Dahil busog pa, nagpahinga kami tapos picture ulit sa lalagyan ng burger. Baka nga kas matagalan bago maulit ito eh ^_^; pati lalagyan tuloy napagtripan pa.
Accomplice: Sophia Dela Rama
Venue: Kentucky Fried Chicken, Alabang Town Center
Sabado ng umaga. Maulan, pero hindi naman malakas. Dahil month-end, hindi maiwasan na madaming trabaho nung gabi ng July 29, 2011 hanggang sa kinaumagahan ng July 30, 2011. Nag-overtime ako at ang ilan sa mga kasama ko sa trabaho. Sa mga kasama ko sa trabaho, may isang kasamahan na "nagpresinta" na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos. Eh ano pa nga ba? Dahil desidido na itong batang ito na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos, dumiretso kami sa Alabang Town Center pagkatapos ng overtime namin.
Ganito na ang mga sumunod na nangyari, pagdating sa mall, withdraw ng pambili ng sapatos, diretso agad sa Athlete's Foot, nagsukat ng napiling sapatos at umakyat na kaagad sa Kentucky Fried Chicken. May ilang araw na rin akong kinukulit ng batang ito na kumain ng Tower Burger. Nagkaroon ng pagkakataon kaya naman hindi na nagdalawang-isip na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos, tutal, nag-overtime naman din siya, tamang-tama ang paglabas namin sa trabaho, bukas na ang mall.
Hindi na din namin pinatagal ang usapan, mabuti na lang dahi kabubukas pa lang ng mall, kakaunti pa lang ang tao. Maikli ang pila pagdating namin sa KFC. Order na agad, kuha ng magandang pwesto at "kaunting" picture taking for our good memories, baka matagalan pa bago kami makaulit makakain ng ganitong burger. Large fries, panalong kasama ng isang malaking burger. Eto po ang mga hard evidence ng Rated PG 10th wave:
Ang hinamon: Dalawang Order ng KFC Tower Burger na may kasamang Large French Fries
Hindi kami nagpasindak, hindi naman kami nag 2nd break eh^^
Thumbs up para sa bagong experience!
Pia: "Take-out na lang kaya?"
Nanaig na ang animalistic traits, mukhang sasakmalin na yung burger.
Pia: "Hindi pala take-out, dito na lang"
Last One! Bago mag attack mode
Natapos ang matinding bakbakan. Nanalo kaming dalawa. Mga pictures pa, bago matapos kumain at pagkatapos kumain. Nasabi ko habang nagpapahinga kami, "Sana palaging ganito, ang sarap mabusog"
Malapit na maubos, mukhang hindi mauubos ah!
Habang nagpapahinga
Ayos yung lalagyan, yung likod parang may SMILEY!
Busog na, inaantok na!
Nakatulog na!
Puyat + Busog = Tulog
Parang ako din makakatulog!
Okay na Okay! Tamang-tama para sa isang malakas kumain na tulad ko!
Hindi pa kami nakuntento. Dahil busog pa, nagpahinga kami tapos picture ulit sa lalagyan ng burger. Baka nga kas matagalan bago maulit ito eh ^_^; pati lalagyan tuloy napagtripan pa.
Salamat kay Pia at sa "pagpresinta" niya na samahan ako sa pagbili ng bagong sapatos. Mas maganda pa din na may kasabay na kumain, lalo na kapag ganito kasarap ang kakainin, may kakwentuhan ka na, may lookout ka pa sa mga panalong mga girls na nasa mall, parang may radar itong kasama ko eh; turo ng turo sa mga dumadaan na girls. Sa December ulit^^ (joke lang).
Oo nga pala, ang final verdict ko sa bagong sandwich ng KFC - panalo! Sulit na para sa price ng sandwich, masarap naman kasi. Mas magandang kainin ito kung gutom na gutom.